I really don't know what's happening kaya na isipan kong bumaba na lang sa stage. Pababa na sana ako ng biglang may isang lalaking sumugod sa akin.
"Maligayang pag dating Black Feather..." Akmang susuntukin na ako nito kaya ng iharang ko ang kamay ko sa kaniya ay agad itong tumalsik. Nanlaki ang mata ko ng nakitang naka salampak na ang puwit niya sa sahig.
Ako ba ang may gawa no'n? Hindi impossible. Bakit naman siya tatalksik e hinarang ko lang naman ang kamay ko.
"Sino ka para kalabanin ang pinuno namin?" Isang malamig na tinig mula kay Francis ang na rinig ko. Ibig sabihin siya ang may gawa no'n? Kahit na hindi niya ito nilapitan o hinawakan ay tumalsik na lamanv ito bigla.
Tumayo ang lalaki mula sa sahig at agad itong tumakbo papalayo sa amin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Francis, isang tango lang ang ibinigay ko bilang sagot sa kaniya. "Tara na Superior, umalis na tayo dito bago pang may mag tangka ulit na manakit sa'yo." Sumunod na lang ako sa kanila papalabas ng function hall.
Simula ng ipinanganak ako ngayon lang may nag tangka na saktan ako. Hindi ko pa din alam kung paano tumalsik ang matabang lalaking 'yon.
"Black Knight." Tawag ko kay Francis na na sa tabi ko. "Paano mo ginawa 'yon?" Tumingin ito sa akin at parang nag tatanong kung anong ibig kong sabihin. "Paano mo pinatalsik ang matabang lalaking 'yon?" Tumawa siya ng ma rinig ang sinabi ko.
"Ah, ayon ba. Tingnan mo ang boteng 'yon." Tumingin naman ako sa boteng itinuro niya. Pinitik niya ang hangin pa dereksyon kung na saan ang bote. Biglang itong tumalsik papalayo.
Holy! Holy Mary Mother of God... talagang napa dasal ako ng wala sa oras dahil sa nakita ko. Ano 'yon? Paano niya na gawa 'yon? Magic?
"Magic ba 'yon?" Tumawa siya ng tumawa. Anong nakakatawa e talagang wala akong alam.
"Tara na Cha, nag aantay na sila." Sumakay na ulit kami sa kaniya kaniyang sasakyan at huminto kami sa isang restaurant. Wow, marunong din pala maka ramdam ng gutom ang mga taong ito, akala ko ay uuwi kami ng walang laman ang mga tiyan.
Tumabi sa akin si Tres at Quatro, tumingin na din kami ng ma oorder sa menu. Wala naman something special sa menu kaya hinayaan ko na lamang silang mamili ng kakainin.
"Cha," Tawag sa akin ni Tres matapos nilang mag order. Tumingin lang ako sa kaniya at ngumiti ito ng nakakaloko. "Anong pakiramdam ng may boyfriend?" Na gulat ako sa tanong niya, maging sila Dos ay na gulat.
"Tres!" Saway sa kaniya ni Dos sabay tingin kay Uno na wala namang paki sa amin.
"Bakit curious lang naman ako? Masama ba mag tanong?" Bumunot siya ng lollipop sa bulsa niya at kinain ito.
"Bakit hindi ka pa ba nagkakaroon ng boyfriend? Imposible, maganda ka naman. Pero posible din naman, e sa tapang mong 'yan baka takot lang lumapit sa'yo ang mga manliligaw." Biro ko. Tumawa si Tres pero alam mong isa itong mapait na tawa.
"Hindi pa." malamig niyang sagot. Seryoso? Did I offend her? I don't believe it, kahit na sinong tao ay hindi maniniwalang hindi siya nagkaro'n ng boyfriend dahil maganda talaga si Lian.
"Are you sure? How 'bout flings? Never pa din?" umiling ulit siya at dumating na ang mga drinks namin kaya inilapag niya ang lollipop niya sa pinggan at uminom ng juice.
"Never." Unbelievable. Kahit man lang konting landian ay wala? Or kahit man lang M.U.
"It is prohibited to fall in love once you were born being a member of Hydra." singit ni Dos. 'Di nga? So ano na lang ang takbo ng buhay nila? Away dito at away do'n, so wala silang source of happiness, or source of love life? That's so boring.
"E bakit ako?" tumingin silang lahat sa akin.
"You were born as a normal person, no one knows that you were a part of us. No one knows, that you were a Hydra. Kaya namuhay ka sa normal na buhay." sagot uli' ni Dos, mean while si Uno ay itinuon sa akin ang malamig at mapanuring titig niya. And I'm not bothered by it, so hinayaan ko na lang siyang tumitig.
"Hindi talaga kayo puwedeng mag mahal? Paano kayo nakaka buo ng pamilya? 'Yung mga magulanv niyo siguro naman e mahal nila ang isa't isa 'di ba." Ibinaling na naman ni Uno ang tingin niya sa pinggan at parang iritado na sa aming pinag uusapan.
"Kailangan mong umalis sa hydra kung gusto mo magkaro'n ng normal na buhay, pero bago ka maka alis ay marami ang pag subok na pagdadaanan. Kaya mas pinipili na lang nilang manatili sa Hydra, at do'n na bumuo ng pamilya. Ang mga hydra ay para lamang sa mga hydra." Paliwanag ni Chris.
"But how come that I become part of this..." bago ko pa man matapos ang itatanong ko ay nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller nito at naka lagay ang pangalan ni Mommy lumabas muna ako sa restaurant dahil ayokong ma rinig nila kung ano man ang pag uusapan namin ni Mommy.
"Hello, my?" Bakit kaya siya napa tawag? Naka uwi na kaya siya ng Pilipinas? Nandito na kaya siya sa Manila? O baka naman ay pagagalitan niya lang ako.
"Where are you? Since when are you cutting classes? Ang sabi pa ni Manong Paquito ay dinala mo ang sasakyan ng kapatid mo, wala ka na ba talagang gagawing maganda, Cha?" Na ramdaman ko ang pag lamig ng hangin kahit na summer. At ang pag lamig ng mga mata ko.
"Sorry my." Ramdam ko ang galit ni mommy sa kabilang linya.
"Sorry? You're not sorry Cha, if you're sorry then go home now!" Sumigaw ito sa kabilang linya.
"My, I'll just eat with my friends po, and then i'll go home after an hour." Na rinig ko ang mahinang pag mumura niya dahil sa inis sa akin.
"Who's that friend? Wala na sila Monica sa bansa, and your old friends from your old school ay hindi mo na siguro nakakasama, you even break up with Ron." She knows that Ron and I already broke up? Sino naman ang mag sasabi sa kaniya?
"It's a new circle of friends my." matagal bago siya sumagot.
"Go home, or unless you want to sleep outside the house?" Wala na akong na gawa kung 'di ay sumunod na lamang sa kaniya.
"Yes my, be there in thirty." At ibinaba na ni Mommy ang telepono. Pumasok na ulit ako sa loob ng restaurant, at na pansin kong wala si Uno sa kaniyang kinauupuan.
"Saan si Uno?" tanong ko sa kanila at mga mukhang gutom na, mukhang ang tagal bago dumating ang mga order ah.
"Yosi break." sagot ni Chris. Tumango na lang ako at kinuha ang wallet ko sa bag humugot ako do'n ng limang libo at inilapag sa lamesa.
"I need to go home, sorry guys but I can't join you for tonight. Maybe next time huh." bigla naman silang nagsimangutan at mukhang na dismaya sa sinabi ko.
"Bakit naman Cha, kumain ka muna padating na din 'yung mga orders." pilit pa ni Lian. Umiling ako at itinuro ang perang nakalapag sa mesa.
"Libre ko na lang babawi na lang ako sa inyo sa susunod." Tumango sila at saktong dumating na ang mga order nila.
Naka salubong ko si Uno at isang malamig na tingin lang ang ibinato niya sa akin bago niya tapakan ang natirang sigarilyo.
-
EDITED. 5/9/18
Vote and comment.