Chapter 5

547 19 5
                                    

Chapter 5:

Pag uwi ko ay deretso lang akong pumasok sa kuwarto at pa dabog na isinara ang pinto. Mabuti na lang at hindi pa nakakauwi sila daddy, for sure dad will ask me kung ano ang nangyari. Magagalit si daddy kapag nalaman niya ang ginawa ni Ron.

May kumatok sa pintuan ko kaya agad ko 'tong pinapasok, pumasok ang isang katulong namin sa bahay at may dalang tubig.

"Cha, uminom ka muna ng tubig. Ayos ka lang ba iha?" Kinuha ko ang tubig na ibinigay at ininom 'to, malapit ako sa mga katulong namin dahil sila ang naging sandalan ko ng mawala si Kuya.

"Ate, paki tawag na lang ho muna si Manang." Manang is my second mother, kung may problema ako siya ang unang nakakaalam. Lagi siyang nandiyan para makinig at mag bigay ng payo sa akin.

"Sige sandali lang ha?" Lumabas na siya ng kuwarto kaya bumalik ako sa kama ko.

Nag cellphone lang ako habang hinihintay si Manang, siguro ay may ginagawa pa siya kaya hindi pa siya agad maka akyat.

Mabilis na pumasok ang mga notifications ng twitter ko. Binuksan ko 'yon at biglang bumungad sa akin ang napaka daming tanong, nag scroll ako pababa at puro tungkol sa pag hihiwalay namin ni Ron.

"Cha, is it true? Hiwalay na kayo ni Ron?" serenabalyena (5 minutes ago)

Hindi ko alam paano nalaman ng dati naming schoolmate ang tungkol dito, wala pang isang araw kaming hiwalay pero ang dami na agad nakakaalam. Hindi ko sinagot ang tanong na 'yon dahil hindi naman kami close ni Serena.

"What happened Rylle? I'm only one call away, call me if you need my troops." giothehero (8 minutes ago)

Gio has been always this protective, naging parte ako ng banda nila once bilang vocalist. They won that battle of the bands at itinuring nila akong lucky charm that's why naging close kami. Pinindot ko ang reply button.

"I know your always there, hang soon." Charylle (less than a minute ago)

I decided not to tell what happened in public, marunong pa din naman akong rumespeto. Hindi ko ipagkakalat kung paano ako niloko ni Ron.

"Do you believe in second chance? I'm sorry please give me one more chance." rooooonturon (less than a minute ago)

I logged out my twitter dahil biglang nag pop ang pangalan ni Ron. Hinagis ko ang cellphone ko sa mga unan ko, I'm pissed again.

May kumatok na naman sa pinto ng k'warto ko at sinabing pumasok na lang siya, pumasok si Tatay Vicente sa k'warto ko, akala ko ay si Manang na. Tatay vicente ang taga pag alaga ng halaman ni mommy, pumupunta siya sa bahay namin every monday wednesday, and fridays.

Ngumiti ako ng lumapit siya sa akin at umupo sa dulo ng kama ko, he was like our lolo kaming dalawa ni Kuya.

"Cha, anong nangyari?" Malambing na tanong ni Tatay, biglang pumasok si Manang sa k'warto at tumabi kay tatay.

"Manang, tay, hindi ko pa ho 'ata kayang mag sabi sa inyo sa ngayon." Tumulo ang luha ko at agad itong pinunasan ni Manang.

"Naiintindihan namin Cha, lagi lang kaming nandito ng Tatay mo at ni Ate Ria nandiyan lang kami lagi sa baba." Tumango ako at ngumiti, I really love them so much. Hindi ko alam kung kaya ko ba kapag nag retire na sila dahil may edad na din sila.

Lumabas na sila ng k'warto at hinayaan na muna akong mag pahinga, kinuha ko muna ulit ang cellphone ko at nakita kong may mga message dito.

It was from Gio, Philip, Mons, and Ron.

The HydraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon