"Ma!!" sigaw ni Daniel matapos sagutin ng kanyang nanay ang telepono.
"Anak, ano ba ang aga naman alas tres palang sigaw ka na ng sigaw sinasabi ko sa'yo Danilo!" sigaw naman pabalik ng kanyang ina
"Ma pumunta ka ng bahay manganganak na si Kath! Dinala na namin si Kath kagabi dito sa St. Luke's eh dahil nagl-labor na, naiwan 'yung dalawa doon sa bahay kasama si Manang pakipuntahan naman baka umiyak pag nalamang wala kami eh. Tapos mamaya pumunta na ka'yo dito." may pagmamadaling sambit ni Daniel habang nagsusuot na ng kanyang scrub gown dahil papunta na siya sa delivery room kung saan manganganak si Kath.
"Nako bakit niyo iniwan? Sige pupunta 'ko" may pgmamadaling sabi ng kanyang ina.
"Salamat ma!" pagkababang pagkababa ng telepono ay nagtungo na siya sa delivery room. Pawis na pawis ang asawang nakahiga doon.
"Kath, Bal! Kaya mo 'to ha? pangatlo na 'to" sabi ni Daniel at saka hinalikan ang noo ng asawa. Ngumiti nalang naman si Kath.
"Deej, sakit!" pagdaing ni Kathryn
"Kaya mo 'yan ok? andito lang ako" sabi ni Daniel habang hinihimas ang buhok ng asawa habang ito ay rineready si Kathryn for delivery.
"Ok Mrs. you know the drill. You can push during or between contractions ok? Don't shout it, push it ok?" sabi ng doctor habang nakatingin kay Kathryn. "ok, one, two, three, push!... then breathe" the doctor added.
Sa buong delivery isa lang ang nasa isip ni Daniel at iyon ay ayaw niyang makitang nasasaktan si Kath pero alam niya naman na worth it 'yon. Nang umalingawngaw ang iyak sa buong kwarto ay bigla na lamang naiyak ang mag-asawang Ford.
"Congratulations for a healthy baby girl, Mr. and Mrs. Ford" nakangiting sabi ng doctor matapos linisan.
Nasa private room na ang dalawa at nagpapahinga si Kathryn ng pumasok ang Mama Karla nila kasama ang dalawang tsikiting na sina Skylar John na maga-anim na taong gulang at Samuel John na magt-tatlong taong gulang.
"Tatay!!" sigaw ng Sky, ang kanilang panganay. "Where's our baby sister?" pansamantala namang umalis si Karla upang bilhan ng makakain ang mag-asawa.
"Nasa Nursery pa baby eh" sagot naman ni Daniel habang inaayos ang buhok ni Sky.
"She went to school Tatay?" tanong naman ni Sam kaya napatawa nalang 'din si Daniel. Naalala niyang hindi pa nga pala alam ng anak kung saan 'yon.
"Basta it's where they put the babies first while their mommies are still resting. They'll bring her here later. Wait lang kayo ok?" sabi niya naman sa dalawang anak niya habang parehong nakatingin sa kanya na akala mo'y naiintindihan nila ang sinasabi ng ama.
"Tatay" nagulat naman ang tatlo ng marinig nila si Kathryn.
"Nanay!" sigaw naman nung dalawa ngunit parehong hindi maka-akyat sa kama kaya natawa nalang ang mag-asawa. Ini-akyat din naman ni Daniel ang dalawa
"Ang pogi naman ng boys ko" sabi ni Kathryn habang hinahaplos ang buhok ng mga anak.
"Hi! Kumpleto pala ang Ford Family, ito na po si baby girl!" sabi ng kanilang doctor na personal na dinala ang kanilang baby girl Ford. Hindi din naman ito nagtagal at pagkatapos mag bigay ng kaunting paalala ay umalis na rin. Umupo naman si Daniel sa upuan katabi ng kama ni Kathryn hawak ang bago nilang anghel.
"Tatay! what's her name?" tanong ni Sam. Bigla namang napatingin si Daniel sa dalawang bata ng gulat na gulat ang mata dahil parehong nasa baba na. Tawang tawa naman si Kathryn dahil sa kanyang maga-ama. Para siyang nanu-nuod ng reality show dahil sa kanyang nakikita.