Heaven Knows part 3
Note: Hindi na ako makaka-update often because I'm preparing for my board exams! Thank you sa lahat ng supporta!
Hello! Interact with me on Twitter: @_astraeaaa
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
It's been a week since Sabrina's funeral and Kathryn hasn't wake up yet. Hindi alam ni Daniel kung ilang santo na ang natawag niya para gisingin ang asawa o kung ilang beses niya na itong pinakiusapan. He's technically desperate because the more time she's hooked to those machines, the more she'll be dependent to it. It also signifies the higher rate of hospital acquired infections. Somehow, he viewed it as a lesser chance of survival. Pero hindi! Malakas si Kathryn at mas malakas ang Diyos na pinagkakapitan niya.
The kids are technically not allowed inside the ICU ward kaya't until now ay hindi pa nila nakikita ng personal ang nanay nila. Lagi lang sa facetime nila ito nakikita. It was a sad view to see, but it's a little sacrifice para pare-pareho silang maging safe.
The kids are currently in Karla's care since Teddy and Min often visit Kathryn. Sila ang pumapalit para makauwi si Daniel para makaligo at makatulog. But who are they fooling? It's also been more than a week since he slept comfortably. Lagi na lamang ito nagigising dahil paulit ulit sa utak niya ang mga scenario ng unang beses siyang pumunta sa hospital. Kathryn's machine and Sabrina's lifeless body.
Everyone was also super patient with Daniel. They were especially patient in taking care of him — in feeding him and making him go to sleep. Parang nasama rin si Daniel sa aksidente — physically there but virtually absent.
It was Friday when Daniel was called up by the doctor after Kathryn's vitals dropped. Good thing the doctors got her stable again. They've been closely monitoring her because of her instability.
"Daniel, sa totoo lang, I can't really say kung magigising pa si Kathryn, but we're trying our best to keep her." The doctor said. Habang si Daniel ay nakatulala lang kay Kathryn.
"She's strong, but we should prepare ourselves for the worst." Parang binuhusan naman ng tubig si Daniel sa narinig. Napatingin siya bigla sa doctor ng asawa. Takot at kaba ang namamayani sa kanya dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
"What do you mean?"
"She's very unstable at the moment. We don't known until when we could keep her."
"Sinasabi mo bang sukuan ko na ang asawa ko?" May iritang sabi ni Daniel. Pakiramdam niya ganoon ang pinaparating ng doctor. Pero hindi at never niyang susukuan ang asawa.
"Hindi... hindi natin siya susukuan pero really, as of now, it's all in her hands. I'm telling you to be prepared because she doesn't look good." Pagpapaliwanag ng doctor. Binalik naman ni Daniel ang tingin sa asawa. Hindi niya na talaga alam.
Matapos ang ilan pang sandali ay umalis na ang doctor and once again, sila na lang ulit ni Kathryn kwarto.
"Mahal. Hold on please. Wag muna." Sambit ni Daniel na may namumuong luha. Ngayon na lang ulit siya umiyak, pakiramdam niya'y ubos na ubos na ito. "Marami pa tayong pangarap. Bata pa mga anak natin, wag muna mahal. Alam ko ang selfish pakinggan, pero kailangan kita."
He stayed like that for about an hour before he went back to the waiting room. Makikipagpalitan siya kaila Min at Teddy, hindi kasi pwedeng sabay sabay sila sa loob ng room because delikado for Kathryn.
