FLASHBACK
KATHRYN'S POV
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"How's Bora?" tanong ni Robi nang makasalubong namin siya sa corridors ng ABS-CBN.
"Robi isa!" sabi ni Daniel ng may pagbabanta ngunit may ngiti sa labi.
"Mag-iisang buwan na kaming nakabalik 'yan pa rin ang tanong mo sa amin?" sabi ko sabay tawa naming lahat.
Nagpunta kami ng Boracay almost a month ago, surprisingly pumayag sila na kami na lang ang pumunta, but of course nagsama kami ng kaibigan. Si Arisse and Patrick lang ang pwede kaya parang naging double date trip siya. Kahit na pinayagan na kami on our own, halos kalahating araw kaming may sit-in talk kasama ang mga magulang namin. Mga pangaral, cautions and all. When we got to Bora, it was all worth it! 'Yung big workloads na kailangan tapusin prior the trip. 'Yung araw araw na paalala nina Mama bago 'yung mismong day na pumunta kami ng Bora. Ang sarap talagang magbakasyon.
"Syempre, 'di pa rin kayo nagk-kwento eh" tukso ni Robi sa amin.
"Syempre, what happens in Bora stays in Bora!" sabi ni Daniel
"Ay gumaganoon ka na, Daniel?" sabi ni Robi na ikinatawa naming lahat.
Nasa ABS-CBN kami ngayon for a brief meeting with the management kanina. It's all good, napag-usapan lang 'yung plans after the movie. Pabalik na kami sa dressing room namin, galing kami ng Starbucks dahil inaantok si Daniel, eh may commitments pa kami after nito kaya kailangan niya ng kape na pang pa-gising.
"Kath!!" humahagos na Tito Dho ang nakapagputol ng kwentuhan namin.
"'To Dho bakit?" nag-aalang tanong ko.
"Ang mama mo nahihilo daw" sabi niya, kaya nag-excuse na kami kay Robi. Nang makarating kami sa dressing room, nakapikit si Mama.
"Ma? Okay ka lang?" tanong ko. I mentally slapped my head for asking that because I know she's not ok.
"Ok lang ako, nahilo lang sa init siguro" sabi ni Mama
"'Ta Min, pa-check up ka na namin?" sabi ni Daniel kaya napamulat ng mata si Mama.
"Hindi na DJ, halika na may photoshoot pa ata kayo" pagdadahilan ni Mama saka sinubukang tumayo, pero nahilo din siya kaya't napaupo rin siya kaagad.
"Hindi na Tita halika na. To Dho, pa contact nalang 'yung organizer, pa-resched may emergency kamo. Rye, gagamitin na lang namin si Gino" sabi ni Daniel habang inaalalayan si Mama. Siguro kung sa normal na circumstances kikiligin ako pero nag-aalala talaga ako kay Mama eh.
'Di nagtagal nakarating din kami sa carpark at mabilis pumunta sa hospital na madalas naming pag pa-check-upan pag may sakit kami. Nang makarating kami sa hospital ay agad kaming nagtungo sa opisina ng family doctor namin, pero mukhang may pasyente pa siya kaya umupo muna kami sa mga upuan salabas ng opisina niya.
"Ma Ok ka pa ba? Sandali na lang siguro sila doon?" sabi ko kay Mama na katabi ko.
"Oo medyo okay na naman ako nung nakainom na ng gamot. Siguro sa init na rin ng panahon 'to" sabi ni Mama. Bigla namang sumingit si Daniel sa usapan namin.
"Ang awkward OB pala katabi nito" sabi ni Daniel "'Ta Min, pacheck-up ka, baka magkakabunso ulit kayo?" dagdag pa niya at saka tumawa.
"Sira ka talaga DJ" sabi ni Mama at saka tumawa. "Teka magc-CR lang ako diyan muna kayo" sabi ni Mama saka tumayo.