Morning Girl

3.2K 77 8
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

One Friday evening, Daniel and his family are preparing themselves for a movie night in their entertainment room. The kids, together with Daniel are preparing a huge fort. At one end of the fort situated a 32" inch TV that is connect to a laptop. Little Sabrina on the other hand is peacefully sleeping inside a crib outside the confines of the fort where the family decided to sleep later. Kathryn, on the other hand, is busy preparing snacks and popcorns for the movie night, when suddenly the landline of the residence rang.

"Kath, si Ma'am Karla" Manang appeared coming from the living room.

"Salamat, Manang! Tulog na po kayo, kami na po ni DJ ang bahala dito" magalang na sabi ni Kathryn bago daluhan ang telepono.

"Mama Karla, Good evening po" bati ni Kathryn sa nasa kabilang linya

"Kathryn, nako 'nak. Pasensya na at gabi na ay nakaabala pa ako" pagpapaumanhin ni Karla

"Ok lang po Ma." Tugon ni Kathryn.

"'Nak si DJ? Tumatawag ako sa phone niya hindi sumasagot" nag-aalalang sambit ni Karla

"Ma nasa entertainment room po kasama ang mga bata. Gumagawa nanaman po ata ng fort. Baka naiwan po sa kwarto namin 'yung phone. Tatawagin ko nalang po Ma" tugon ni Kathryn

"Ah hindi na, ano nalang... Si Magui kasi hindi pa lumalabas ng kwarto niya since nung umuwi galing sa school. Hindi na nga nakapag-dinner. Eh alam mo namang sainyo lang ni DJ nago-open up 'yan pag ganto. Kung pwede sana ay pumunta kayo?" dahan dahang sambit ni Karla.

"Ah sige po sasabihin ko po. Ma diyan na rin kami matutulog, isasama na namin 'yung mga bata at baka mahaba-habang usapan 'yan" sambit ni Kathryn sa ina ng asawa.

"Nako mabuti pa nga. Sige papalinis ko 'yung kwarto niyo" sabi ni Karla bago sila magpaalam sa isa't-isa. Ang kwartong tinutukoy ni Karla ay ang dating kwarto ni Daniel na naging kwarto na ng mag-anak pag doon sila natutulog. Ganoon pa rin ang itsura nito, pwera lang sa mini theater niya dati na naging kwarto na ng mga anak nila, at ang co-sleeper na nakalagay sa tabi ng bed.

Minabuti ni Kathryn na ibalot na lamang ang snacks at popcorns, para dalhin sa bahay ni Mama Karla niya. Hindi pa man niya nasasabi kay Daniel, ay alam niyang humahagos pa itong pupunta sa bahay ng ina, kaya't minabuti na niyang mag-ayos para mabilis maka-alis. Nagbilin na rin siya sa mga helpers at nag-ayos na ng gamit ni Sab. Pag-pasok niya sa entertainment room ay nakabusangot na mukha ng dalawang batang kamukhang kamukha ng asawa ang sumalubong sa kanya.

"Oh 'bat busangot 'yang dalawa?" tanong ni Kathryn, bago dalahang dahang kinuha si Sabrina. "Nasaan 'yung fort?" dagdag pa nito.

"Nag-away pa kasi sa papanuorin kaya linigpit ko na 'yung fort nila as punishment. Medyo nagkakapisikalan na 'Nay eh" sabi ni Daniel.

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon