Big Fight

1.2K 36 16
                                    

Heaven Knows part 1

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It was one Summer morning in the Ford's residence when Kathryn and Daniel was caught in a heated conversation

"Daniel! C'mon be responsible naman!" Pasigaw na sabi ni Kathryn. They were in their room while the kids are still sleeping in their respective rooms.

"I am responsible!" Daniel argued back. They were both standing while facing each other

"Oh talaga?" Pagbalik ni Kathryn.

"Oh wow!" Hindi makapaniwalang sabi ni Daniel. Hinilamos niya ang kamay sa mukha sa frustration. "C'mon Kathryn. Let's talk about responsibility"

"Stop with that! I'm talking about this simple task na hindi mo ginawa"

"Hindi sa hindi ko 'ginawa' Kathryn. Hindi ko 'nagawa'! I was busy yesterday!"

"You were busy? Saan? Sa friends mo na hindi mapagkakatiwalaan?"

"Hey! Hey! You're going overboard!"

"C'mon they have records! Hindi mo nga alam kung ginagamit ka lang nila for their benefit eh!"

"Kathryn may patutunguhan pa ba 'to? They're more than just their records ok? Kilala ko sila!"

"Talaga ba, Daniel? Oh pinagtatakpan niyo lang ang isa't-isa?"

"Hey! Foul na!" Pagkasabi ni Daniel nito ay inirapan lang siya ni Kathryn. Dumeretso naman ang babae sa loob ng banyo upang ayusin ang mga ginamit nila sa pagligo kanina.

"Ok, sorry for forgetting. Aayusin ko na lang later 'yung account pag dating sa office. So far the accounts are safe, I ch—" 

"So far? Wow! Would you wait 'til the restaurant gets bankrupt?" Pagputol ni Kathryn.

"Hindi sa ganoon!" Pagdadahilan ni Daniel. "I admit nakalimutan ko kahapon ok? I was busy when you called me up to check the account for discrepancy" dagdag nito.

"Yeah right" sabi ni Kathryn bago lumabas ng kwarto. Marahil ay para ayusan ang mga anak. Napabuntong hininga na lang si Daniel at napahilamos ulit sa mukha. Alam niya ang kasalanan niya ngunit hindi niya maintindihan ang galit ng asawa.



They finished their breakfast quietly. Different from their usual noisy breakfasts. Nagpapasalamat na lang rin sila na hindi sila pinapansin ng mga anak dahil busy ang mga ito sa mga pagkaing nakahanda. The helpers had their week off this week and sa Sunday pa ang balik, which is 3 days from now, kaya't dala-dala nila ang mga bata sa kanya-kanyang trabaho.

Matapos maghugas ng plato ay kinuha na ni Daniel ang backpack ng mga anak na lalalki at ang sariling backpack bago humalik sa noo ni Kathryn na inaayos naman ang bunso.

"Pasensya na ulit, Mahal. Alis na kami, ingat kayo" tumango lang naman si Kathryn at umalis na ang mag-aama niya. Naiiyak naman siya dahil minsan lang sila nag-aaway ng ganto at hindi niya mapigilan maging emosyonal. Isa lang ang alam niya. Kailangan nilang mag-usap mamayang gabi ni Daniel tungkol sa mga issues nila.

After calming herself, Kathryn made her way to her car at inayos ang bunso sa booster seat nito. Sa 'di niya malamang dahilan ay para siyang kinakabahan. Bigla namang umiyak si Sabrina pagkaupo ni Kathryn sa driver seat kung kaya't inalo niya muna ito at pinatulog bago bumalik sa upuan at nag drive.

Nang makalabas sila ng subdivision ay biglang umulan ng napakalakas tila pinipigilan silang umalis. Huminto muna si Kathryn sa gilid at nag-isip kung didiretso pa ba. Mga ilang saglit lang ay may nag-text, si Daniel, nakarating na daw sila sa opisina at sinabing mag-iingat sila patungo sa event. Sila kasi ang supplier ng pastries ng isang mommy and baby event kaya't sasaglit sila ni Sabrina bago dumeretso sa bakeshop. Wala kasi si Julia ngayon, may client meeting kaya't siya na lang muna ang mago-oversee.

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon