Count on me

3.6K 46 3
                                    

LATE FATHER'S DAY SPECIAL

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Busying busy ang mag i-inang Ford sa paghahanda para sa espesyal na araw ni Daniel. Taon taon man nila itong ginagawa, hindi pa rin maitatago ang excitement sa mga mukha nila.

Himbing na himbing naman ang tulog ni Daniel kahit na nagkakagulo na sa kwarto nila dahil sa pag-aayos ng banners. Hindi kasi ito nakatulog ng maaga dahil inaayos nila ang isang naging problema ng Restaurant na family business nila. Nakita naman ni Kathryn ito bilang opportunity to do the surprise.

"Kuya Sky open the door for Nanay please?" sabi ni Kathryn sa panganay na anak. Inilapag muna niya ang cake sa side table bago kinuha si Sabrina sa crib na katabi lamang ng bed nila.

"Kuya Sam, please hold Sab first ok? Hawakan mo mabuti ok?" sabi ni Kathryn habang dahan dahan na inilalapag si Sabrina sa Kuya nitong nakaupo sa kama nila. Kinuha naman niya ang cake na binake niya kanina.

"Kuya Sky, gisingin mo na si Tatay" sabi ni Kathryn. Yinugyog naman ni Skylar ang tatay niya ngunit ungol lang ang nakuha nila.

"Tatay wakey wakey!!! TATAY!!!" natawa naman si Kathryn sa biglaang pagbukas ng mata ni Daniel.

"HAPPY FATHER'S DAY TATAY!!!" sabay sabay nilang sigaw kaya napaupo naman si Daniel sa bed nila.

"Thank you! Come here! I'm gonna kiss you all" sabi niya at kinuha si Sabrina kay Sam. Linapag naman muna ni Kathryn ang cake bago sumama sa yakap.

'Lord Thank you for giving me this family' bulong ni Daniel sa isip.



Pagkatapos mag breakfast ay pumunta na ang mag-anak sa ABS-CBN compound dahil naimbitahan si Daniel sa ASAP para sa Father's day celebration nito. Matagal na simula ng tumigil sila sa pag-aartista pero ang pagtangkilik sa kanila ay ganoon pa rin. Hindi na rin siya nakatanggi kay Mr. M ng personal itong pumunta sa Restaurant ng pamilya upang sabihin ito kay Daniel. Aniya marami na daw ang nagr-request na muling makita siya sa programa.

Habang papasok sa compound buhat buhat ni Daniel si Sabrina na nakasuot ng floral dress habang hawak hawak si Samuel na naka blue checkered polo shirt at naka brown pants at sneakers na pinaliit na version nang kay Daniel, katulad ng sa Kuya niya. Si Skylar naman ay nakasuot ng gray long sleeves at naka black pants; nakahawak siya kay Kathryn na naka white shirt, black pants at black Vans at halos magkapareho sila ng damit ni Daniel.

"Oy! Protector at Bal!" sabi ni Robi na nakasalubong nila sa hallway papuntang ASAP studio.

"Robi!" sabi ni Kathryn at bumeso kay Robi; nakipag manly hug naman si Daniel dito.

"Yabang ah!" sabi ni Robi nang makitang dala ni Daniel ang buong pamilya nito. "sabagay gandang lahi eh" dagdag pa nito

"Syempre naman pag ganto kaganda dapat lang pinagmamalaki" sabi ni Daniel

"Oh mano kayo diyan, malaki magbigay yan pag pasko" loko naman ni Daniel sa mga anak na nagm-mano kay Robi.

"Sila Ate Gretch?" tanong ni Kathryn.

"Nasa bahay may family lunch kami with our parents after ASAP eh. Kaya naghahanda" sabi ni Robi.

"Uy! Sige mauna na kami ok?" sabi ni Daniel.

Habang naglalakad sila sa hallway ng ASAP, hindi maiwasang mapatingin ng mga baguhan artista sa kanila. Humiinto sila paminsan minsan upang batiin ang ilang kasamahan at ibang mga batikang artistang nakakasalubong. Nang makarating sila sa ASAP studio ay nagsisimula na ang rehearsals.

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon