Heaven Knows

1.2K 37 13
                                    


Heaven Knows part 2

Warning: Dala kayo tissue hehe

Hello! Interact with me on Twitter: @_astraeaaa

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

When Daniel got to the hospital, he was a bit disoriented. Ni hindi niya nga alam kung paano siya nakarating ng safe sa ospital. Kung paanong hindi siya nabangga o nakabangga sa sobrang bilis niya magpatakbo, idagdag pa ang kabang nararamdaman niya.  It was a good thing na hindi siya nahuli. Ang mga anak naman niya ay naiwan kay Dominic, na magp-presinta pa sanang ipag-drive ang kaibigan ngunit bigla itong lumabas ng restaurant at pinaharurot ang sasakyan.

Linibot ni Daniel ang kanyang paningin at nakita niya ang Mama Min at Papa Teddy niya sa isang upuan malapit sa reception area. Yakap yakap ni Teddy ang asawa habang nakatulala. Si Min naman ay patuloy lang sa pag-iyak. Minabuti silang ilagay dito ng mga nurse dahil na rin sa kanila edad at sa sitwasyon.

"MA!" madaling pumunta si Daniel sa mag asawa. "Ma si Kathryn? Si Sabrina? Ma!" May pag-aalalang tanong ni Daniel.

"Sir Daniel" isang nurse naman ang tumawag sa kanya mula sa likod. Napalingon naman agad si Daniel at bago pa nito masabi ang mga katanungan ay nasagot na ito ng nurse. "Sa may Critical Bay po si Ma'am Kathryn—" hindi pa man natatapos ng nurse ang sasabihin ay pumunta na si Daniel doon.

Una niyang nakita si Kathryn. Puro galos ang buong katawan, may benda sa ulo at kung anu-anong tubo at wire ang nakasabit dito.

Malubha. Critical. Mga salitang maaaring maikonekta sa itsura ni Kathryn. Pero higit sa lahat ay buhay.

"Kathryn." Halos pabulong na sambit ni Daniel. Matapos ang ilang sandali ay napatingin siya sa kabilang stretcher. Isang katawan ang nandoon na nakabalot ng puti. Kasing liit ng isang bata... kasing liit ng anak niya.

Dahan dahang lumapit si Daniel dito nang may luhang umaagos sa mata. Alam niya na. Alam niya.

"Daniel" tawag ng isang boses mula sa likod. Si Papa Teddy, akay akay si Mama Min. Hindi niya ito pinansin at dahan dahang tinanggal ang pagkakatakip ng puting kumot sa mukha ng bata.

"Anak." Puno ng sakit na sambit ni Daniel. The moment he opened the cloth is the moment his heart broke into pieces. It was confirmed, that underneath the cloth was their only daughter. His precious daughter. Sabrina Chandria.

"Fuck!" Daniel cussed. "Fuck! Hindi 'to Totoo!" Mahinang sabi nito.

"Fuck! Hindi 'to Totoo! Pa! Hindi 'to Totoo diba?" Sabi niya at tinignan ang Father-in-law niya. "Pa! Panaginip lang 'to diba? Pa! Papa! Sabihin mo sa akin!" Daniel, in that moment, looked so broken. Mas matindi pa ang itsura niya sa isang batang inagawan ng laruan. Gulong-gulo si Daniel sa mga nangyayari, at sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay pakiramdam niya pati siya ay namatay na rin. For a second, gusto niyang mamatay kasama ng anak, but when his eyes laid on Kathryn, he knew he can't and he won't. His family still needs him. Skylar and Samuel still needs him, especially now.

Agad namang yumakap ang mag-asawang Bernardo kay Daniel. Pareho sila ng nararamdaman ngayon at kailangang kailangan nila ang suporta ng isa't-isa sa pagsubok na 'to.

Bigla namang napaluhod si Daniel sa gilid ng stretcher kung saan nakahimlay ang anak. "Putang ina! Tangina!" Pagmumura niya. "Sabrina! Anak!" Puro mura at Sabrina lang ang maririnig kay Daniel sa mga oras na 'yon. Punong puno ng hinagpis ang bawat salita at iyak nito. Ni hindi niya alam kung anong gagawin ,kung paano uusad;  sabi nga nila "anak ang naglilibing sa magulang hindi ang kabaliktaran." Ngunit sa pagkakataon na 'yon, ay iyon nga ang mangyayari at ang pinakamasaklap pa dito ay walang kasiguraduhan kung pati ang kanyang asawa ay makakaligtas.

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon