A MOTHER'S DAY SPECIAL
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kathryn!" tawag ni Daniel sa kanyang asawa. Kanina pa nila ito hinihintay dahil ayos na siya pati na rin si Sky at Sam, pero si Kathryn at Sab ay hindi pa rin. Kanina pa 'yung dalawang 'yon sa taas dahil sa hindi malaman na dahilan.
"Sa wakas bumaba din si Nanay, teka! 'Bat ba ang tagal mo sa taas?" Tanong ni Daniel nang makita ang asawang lumalapit sa kanya dala dala ang kanilang bunsong anak na ilang buwan pa lamang.
"Eh nagpupu si Sab eh, tas nag-ayos pa ako ng gamit niya tsaka nila Kuya" sabi ni Kathryn habang inuupo sa kandungan ni Daniel si Sab, at binibigay ang bags ng mga anak.
"Bakit hindi mo ako tinawag? o kaya sina Manang?" Tanong ni Daniel nang nakakunot ang noo.
"Eh hayaan mo na. Teka mauna na kayo sa sasakyan magbibilin lang ako kaila Manang tas tatawag lang ako kay Juls para magpaalam sa bakeshop. Tapos tatawag din ako sa Resto." sabi ni Kathryn nang hindi mapakali habang hawak hawak ang cellphone at patungong kusina.
"Ako na tatawag sa Resto!" pahabol na sigaw ni Daniel.
"Ok!" sagot naman ni Kathryn.
"Manang!..." That's the last ting Daniel heard bago niya akayin ang mga anak palabas.
"Natawagan mo na ang Resto?" unang tanong agad ni Kathryn nang umupo siya sa shot gun seat ng van. Itong van na 'to ang dala nila most of the time simula nung nagka-pamilya sila. Ayon kasi kay Daniel hindi na convenient para sa kanila ang kotse dahil bukod sa malaking space ang kinakain ng mga car seat ng mga bata ay palagi silang may kasama na at least isang helper o kaya naman ay ang mga nanay nila.
"Yes, Love. Relax ka na, tamo pawis na pawis ka na" sabi ni Daniel. Pinunasan muna niya ang noo ni Kathryn bago tulungang ikabit ang seat belt at saka ini-start ang saksakyan.
"OK lang kayo diyan kids?" tanong niya sa mga anak na naka-upo sa toddler car seat.
"Yes Nanay!" magiliw namang sagot ni Sam habang si Sky naman ay tumango lang. Dumako naman ang tingin niya sa bunsong anak na naka-upo sa infant car seat at sa helper na kasama nila.
"Ate Che ok ka lang ba diyan?" tanong ko sa helper na kasama namin.
"Ok lang ako Ma'am" sabi nito kay Kathryn.
"Ate Che naman Kathryn nalang o kaya Kath" sabi ni Kathryn na parang nagtatampo. Natawa namang ang helper nila.
Nang makarating ang pamilyang Ford sa Location kung saan magaganap ang shoot ay agad hinanap ni Kathryn si Ms. Shiela, na siyang tumawag sa kanila para maging cover ng isang magazine na pinag-coveran rin nila nang kanyang ina. Kung noon ang nanay niya ang bida sa cover ngayon naman ay siya na. Siya na ang magk-kwento kung paano nga ba maging isang Working Mom.
Matapos ibigay ang ilang instructions kay Kathryn at sinabi din nitong napa-aga sila kaya hindi pa gaanong ayos ang set kaya pwede muna silang mag-relax. Pagkasabi naman nito ay agad namang hinanap ng mga mata niya ang pamilya. Napangiti siya nang makita si Daniel na nakikipag habulan sa mga anak na lalaki. Sa kabilang dako nakita niya naman si Ate Che na tila nahihirapan sa kanyang bunsong anak kaya agad niyang nilapitan ito.
"Ate Che ako na po" sabi niya nang nakangiti at malugod namang ibinigay sa kanya ng helper.
Habang masaya niyang linalaro ang anak bigla siyang nakarinig ng tumatawag sa kanya.