First Hair Cut

1.3K 48 2
                                    

Note: I'm very sorry for the delays. I officially graduated from college and this is my grad treat for all of you!! 

Also Happy Birthday Tatay Daniel! :D

Here's a short update! 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Love" pag gising ni Kathryn sa asawa "Love, mag-ready ka na. Dadating na si Kuya Rye" 

"Hmm" unggol ni Daniel na tila ba wala pang balak tumayo sa kama. 

"Love, it's Sky's first hair cut!" sambit ni Kathryn in hopes na magising si Daniel. Instead of waking up, nagtalukbong pa si Daniel ng comforter nila. 

"Ugh! Ang hirap mo talagang gisingin kahit kailan" sabi ni Kathryn habang hinihila ang comforter. 

"I'm awake. Warm up lang, Tangi" sabi ni Daniel.

"Warm up tapos babalik ka ulit sa tulog" sambit ni Kathryn with an annoyed tone. Napangisi naman si Daniel nang marinig ang mga hinaing ni Kathryn. 

"Ito na po misis ko, tatayo na po" sabi ni Daniel habang umuupo sa kama. "Can I have my morning kiss?" dagdag pa nito. 

"Nope." Kathryn said as she leaves the room. 

"Anong 'nope'?" sabi ni Daniel at hinabol ang asawa. Nang maabutan niya ito, agad niyang kinulong sa yakap na masikip.

"Good morning Nanay Love! I love love love you!" sabi ni Daniel na para bang nagb-baby talk.

"Good morning too Lover! Mahal na mahal kita!" sabi ni Kathryn na nakatingin directly sa mga mata ni Daniel. Tumingkayad naman ito para mailapat ang labi sa labi ng asawa. 



"Napaka-haba na ng buhok nitong anak niyo Katreng!" sambit ni Kuya Rye, ang stylist ni Daniel noong siya ay artista pa. Hindi naman nawala ang communication and friendship nila sa kanilang mga glam team  kaya't naging madali ang pagcontact nila kay Kuya Rye. Nasa hapag sila ngayon nagk-kwentuhan, pinag-breakfast niya muna si Kuya Rye para makapag-catch up muna sila. 

"Kagagawan ni DJ, 'yan Kuya. Kaso ang init, hindi na pwedeng ganyan ang buhok niya. Tsaka malapit na ring mag-school si Sky." Sabi ni Kathryn habang tinatalian ang anak na nasa lap niya. 

"Asan na nga ba 'yan hubby mo?" sagot ni Kuya Rye 

"Nag--" naputol ang sasabihin ni Kathryn nang dumating si Daniel "Wazzup, Rye!" energetic na sambit ni Daniel. Sumama naman ang anak niya sa kanya. 

"Energetic natin ah!" sambit ni Kuya Rye. "Pagupit ka na din, DJ! Ang haba na ng buhok mo" dagdag pa nito. 

"Oonga 'Tay!" Kathryn seconded. 

"'Di pa naman ah!" Daniel protested. 

"Sabunutan kaya kita diyan! Lagi ka na nga nagpapa-ipit eh"

"Sige na po Nanay!" sabi ni Daniel na kunwari boses ni Skylar ang gamit. 



"Kathryn, ikaw muna ang gumupit! Sabi kasi nila kung sino daw unang gugupit ng buhok ng bata sa kanya magt-take after" paliwanag ni Rye nang makahanda na sila sa may sala. Nakaupo naman si Skylar sa isang high chair at behave na behave na nakatingin sa tatay niya na nasa harap niya at may hawak iPad na may nagp-play na cartoons.

"Oy teka bakit si Kathryn lang!" pagprotesta ni Daniel. Natawa naman ang dalawa. 

"Eh bakit ikaw?" pagsubok ni Kathryn. 

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon