Ngayon at Kailanman

3.9K 65 5
                                    


Ngayong araw ang kaarawan ng ilaw ng tahanan ng mga Bernardo. Kumpleto na sana ang pamilya ngunit wala ang bunso ng tahanan. Nasa bahay ito ng Papa ni Daniel dahil hiniling nito na makasama ang pamilya ng anak para sa kaarawan nito, kaya't doon natulog ang mag-anak na Ford para salubungin ang kaarawan nakatatandang Padilla. Papunta na sana ang mag-anak ng anak sa bahay nila kaning umaga, but Kathryn received a phone call from Julia, na a fan of hers way back when she was still an actress is there and would want to personally talk to Kathryn about her wedding cake. Of course hindi ito natanggihan ni Kathryn, since she wants to meet them also. Daniel, on the other hand, ay nakatambay sa office niya sa restaurant nila na katabi lang halos ng bakeshop nila Kathryn at Julia. Kasama niya ang mga anak na tulog sa sofa bed ng opisina; buhat buhat niya naman si Sabrina habang nagc-check ng emails.

Everyone in the Bernardo household's busy, even Lhexine is busy entertaining everyone while they were preparing their dinner. 

"Grumpy! I want to taste" sabi ni Lhexine habang nakiki-agaw ng spoon sa kanyang Lolo

"Careful Lhexine! Mainit... aba naman 'tong batang 'to" sabi ni Teddy habang pinagmamasdan ang Lhexine na sinubo ang kapirasong chicken ng adobo, kahit mainit pa ito. 

"Grumpy! It taste good" sabi nito sabay yakap sa kanyang Lolo.

"Sige na doon ka na, play with the dogs muna" sabi ni Teddy. Tumakbo naman si Lhexine palabas ng kusina, pero bago ito tuluyang makaalis ay may sinigaw pa ito na nagpa lambot ng puso ng nakatatandang Bernardo "I Love you Grumpy!" 

Nang tuluyan nang makaalis ang apo ay may tumapik naman sa balikat ni Teddy 

"Parang si Kathryn lang noon no?" sabi ni Min habang tinitignan ang ginagawa ni Teddy.

"Oo nga eh, kasing kulit din niya" sabi ni Teddy at natatawa tawa pa. 

"Ang bilis ng panahon no, Pa? Wala ka ng baby ngayon, may tatlo ng baby" sabi ni Min na tila naiiyak pa. 

"Baby ko pa rin 'yun kahit isang dosena pa maging anak nila ni DJ, baby ko pa rin 'yun. Prinsesa ko 'yun kahit reyna na siya ni DJ" sabi ni Teddy habang pinagpapatuloy ang ginagawa. "Alam mo Ma, nalulungkot ako tsaka namimiss ko na si Kathryn. Dati kasi kahit wala siya sa bahay palagi, pag nandito naman siya pwede ko siyang puntahan sa kwarto niya at lambingin. Alam ko kasing nandoon lang siya. Nung nag-asawa na hindi ko na madalas nakikita eh, pag may okasyon nalang o kaya pag wala si DJ kasi nandito sila sa atin. Namimiss ko na ang baby ko" sabi ni Teddy habang patuloy pa rin sa pag-ikot sa kusina habang si Min naman ay pinagmamasdan lang siya.

"Oo nga naisip ko rin 'yan. Hindi ko lang masabi sa kanila kasi siyempre diba busy din 'yun sa negosyo nila." pag gatong ni Min. 

"Pero masaya ako. Kasi maayos na siya, kasi inaalagaan siya ni DJ. Kasi kahit umalis na 'yung prinsesa ko, 'yung baby ko. Naranasan niya naman maging reyna sa piling ni DJ atsaka naging mabuting ina naman siya sa mga anak nila." sabi ni  Teddy na tila pa ay naiiyak. 

"Tama na nga 'to Pa! Ang drama na natin" sabi ni Min atsaka pumunta sa dinning para mag-ayos.

Ilan pang sandali ay nagsi-ayusan na sila. Nakaupo si Min sa upuan ng Vanity Mirror nang biglang nag-ring ang telepono niya. Numero ni DJ ito. 

"DJ?" sabi ni Min. She's expecting for Daniel to answer, but it's her daughter. 

"Ma!" sabi ng nasa kabilang linya 

"'Nak!" excited na sambit ni Min 

"Ma baka malate kami ha? Baka pass dinner na. Nasa meeting pa si DJ, may gustong mag-invest sa restaurant eh. Finally Ma! Pag nakuha ni DJ 'tong investor na 'to makakapag expand na kami!" excited na sabi ni Kathryn. Min was both happy and sad. Happy kasi matagal nang pangarap ng anak at manugang niya na mag expand, malungkot dahil hindi sila kumpleto sa birthday dinner niya. 

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon