Flashback
It's already past 7 when the Ford family reached their own dressing room for Daniel and Skylar's surprise guesting in Magandang Buhay. It was a good thing na nakaayos na sila bago pa sila umalis ng bahay kaya't hindi na nila kailangan pang mag-alala.
"Mrs. Ford!" A man whom Kathryn knew very well went inside the dressing room
"JV!" Kathryn went directly to the man who called her.
"Oy bumo-blooming!" he teased
"Sira!" Kathryn commented. Binalingan niya naman ang mag-ama niyang naka-idlip sa couch sa loob ng room.
"Ay bongga carbon copy talaga" JV commented when he saw the two.
"Napadaan ka?" Kathryn asked. Wala rin naman kasi siyang natandaan na nai-text niya 'to na may schedule siya ngayon.
"Siyempre alam mo naman pag nandito ang Ford Family mula baba hanggang taas nakakaabot ang balita" pangloloko ni JV, kaya't sinamaan naman siya ng tingin ni Kathyrn. "Seryoso kaya! Narinig ko lang na nandito kayo, and I was around the area kaya bumisita na ako" sabi ni JV habang kinakalikot ang buhok ni Kathryn. He insisted on styling her hair kahit na hindi rin naman nagpapaayos si Kathyrn. Maybe that's what their friendship is for, helping each other even without a word.
Nagc-chikahan lang ang magkaibigan nang marinig nila ang iyak ni Skylar, na nakagising din sa ama nito.
"Ay gising na si Bagets!" sambit ni JV
"Ingay mo kasi" Pumupungay na sabi ni Daniel habang inaalo ang anak. Hindi naman siya pinansin ni JV at bumalik lang sa pakikipag kwentuhan kay Kathryn.
"Bakit mo pa ako inayusan, hindi naman ako kasama sa mag-guest" tatawa tawang sabi ni Kathryn.
"Namiss na kasi kita! Hindi ka na nagpapakita sa amin"
"Alam mo naman na busy na diba?" Kathryn smiled apologetically.
"It's okay"
"Love" Tawag ni Daniel sa kanya, na siya namang nilingon ni Kathryn "labas na raw kami"
"Sige, una na kayo. Sunod ako" sabi ni Kathryn saka naman siya bumaling kay JV "Sige na ah! Sa susunod na lang. Set kayo ni Ate Den" sabi niya saka niyakap ang kaibigan.
"Sige na! See you soon!"
Tumatakbong pumunta si Kathryn sa backstage habang hawak hawak ang feeding bottle at cellphone, mabuti na lamang at wala nang sumpong ang magdadalawang taong gulang na anak nilang si Skylar nang kanyang maabutan.
"Tangi" tawag ni Daniel sa kanya sabay pinunasan ang butil ng pawis na noo ni Kathryn.
"Good luck Bali! Good luck baby boy" sabi ni Kathryn sabay halik sa pisngi ng mag-ama. "Pag lumabas na kayo sa gilid lang ako ah!" dagdag pa niya.
"Ayaw mo ba talagang sumama?"
"'Di na moment niyo na 'yan" ngiti ni Kathryn habang umiiling. Sabay pinanood ng mag-asawa ang mga kapatid ni Daniel na nasa stage na, mula sa isang TV monitor sa gilid. Iniinterview it ng mga host.
"Excuse me po Sir Daniel, stand by na po tayo" sabi ng isang staff sa gilid.
"Sige na, punta na ako sa gilid. Good Luck! Love you both" sabi ni Kathryn sabay bigay ng flying kiss sa mag-ama. Natawa naman si Daniel sa ginawa ng asawa.
Sa kabilang dako naman ay binabati ni Kathryn ang mga staffs na nakita niya sa gilid pati na rin ang iilang audience na nakapansin sa kanya, nang offeran siya ng isa ng upuan.
