Put Your Head on my Shoulders

4.7K 62 0
                                    

Flashback


"Daniel!"nagulat si Kathryn nang may biglang yumakap sa kanyang likuran habang siya ay nagluluto ng lasagna. Parehong walang trabaho si Kathryn at Daniel ngayon, kaya't naisipan ni Daniel na bumisita sa bahay nila Kathryn. Nagtext din naman ito kay Kathryn kaya't naisipan namang magluto ng lasagna ng huli.

"Aga mo ata, Love?" sabi ni Kathryn habang nagb-budbod ng cheese.

"Wow, para ka namang 'Just Now', eh magkalapit lang naman ang bahay natin" sabi ni Daniel habang inaamoy amoy ang leeg ni Kath.

"Wag ka magulo, Love! Upo ka muna doon sa stool. I'll just finish this one." sabi ni Kathryn at sumunod naman si Daniel sa kanya pero imbis na sa stool umupo ay sa island counter ito mismo umupo. Nakatitig lang si Daniel sa bawat kilos ni Kathryn na parang gusto itong tunawin. 

"Can't wait na araw-araw kitang makitang ganto" sabi ni Daniel na siya namang nagpalingon kay Kathryn. Namula naman si Kathryn kaya't nginitian niya lang ito. Kahit na madalas nilang mapag-usapan ang kasal o ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi pa rin niya mapigilang kiligin. 

"Nasaan ang mga tao dito?" tanong ni Daniel nang mapansing parang walang tao sa bahay.

"Si Mama at Papa umuwi ng Nueva. Si Ate gumala kasama si Lhex. Si Kuya Kevin hindi ko alam, baka nakaila Ate Shannen. 'Yung mga helpers baka nasa quarters, hindi ko alam eh." sabi ni Kathryn habang linalagay ang foil sa ibabaw ng pan.

"Ako na!" nagulat naman si Kathryn nang mapansin na nasa likod niya si Daniel.  Huli niyang nakita ay nakaupo ito sa island counter. Ibinigay naman ni Kathryn kay Daniel ang lasagna at baking mitts, nakapre-heat kasi ang oven kaya mainit ito. 

"Punta ka na sa sala magliligpit lang ako" sabi ni Kathryn nang muling ibigay sa kanya ni Daniel ang mitts.

"Ako na maghuhugas" anunsyo ni Daniel. 

"Hindi na, doon ka na sa sala manuod ka ng basketball. Tatawagin nalang kita pag kakain na tayo." nakangiting sambit ni Kathryn habang sinisimulan nang magligpit. 

"Ok" sabi ni Daniel at ikinulong muli ito sa kanyang mga bisig bago halikan sa pisngi. "Ganda talaga ng asawa ko" dagdag pa nito bago pakawalan ang kasintahan.




Nang matapos naman si Kathryn ay dumeretso siya sa living room at nakita si Daniel na tulala. Bukas man ang TV alam niyang wala dito ang focus nito dahil nakatingin siya sa lapag habang hawak hawak ang phone niya. 

"DJ are you ok?" tanong naman ni Kathryn 

"Ah yah! C'mon let's eat na love" sabi naman ni Daniel na parang nagulat pang tumayo at binigyan si Kathryn nang ngiting hindi umabot sa mata. Hindi naman na ito pinansin ni Kathryn at nagpa-akay kay Daniel papuntang kusina.

Habang kumakain ang dalawa, napansin ni Kathryn na parang biglang nag-iba ang mood ni Daniel. 

"Love, ok ka lang ba talaga?" sabi ni Kathryn habang nakatitig  kay Daniel. 

"Yes I'm fine, don't worry" sabi ni Daniel at binigyan ng halik sa sentido si Kathryn. 

Papunta na sila ng Theater Room nang magsalita si Daniel. "Love, you go there na, mag-CR lang ako" sabi nito sabay abot ng cellphone kay Kathryn. 

Na-curious si Kathryn kung bakit naging ganoon ang mood ni Daniel, masaya naman ito nung dumating at puro biro pa. Naalala naman ni Kathryn na ang cellphone ang unang hawak ni Daniel nang mapansin niyang hindi na maganda ang mood nito, kaya't naisipan niyang buksan ang cellphone nito at umaasang makikita niya ang sagot. 

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon