MIW:twelve

1.7K 42 0
                                    

Natsumi's POV

Sabay bumisita dito kagabi ang mga magulang namin.. naabutan ang diskusyunan namin ni Kurt

Timing na timing pa na nag-aaway kami... ngayong umaga nga pinipilit ko si mama..

"Ma.. kailangan ba talagang ilayo niyo samin ang mga bata?? Maaayos ko ho to.. maaayos po namin to... wag niyo na hong kunin ang mga bata..."

"anak.. ito ang napagdesisyunan naming lahat... saamin muna ang mga bata habang hindi niyo pa naaayos ang problema....."

"pero ma... hindi po sila sanay na malayo samin... ma naman..."

"hindi natsumi!!... our decision is final... ayusin niyo na ang problema niyo para makuha ulit ang mga bata... ayaw lang namin madamay ang mga bata jan sa away niyo..." sabi ni dad...

Sa totoo lang nahihiya ako.. parang napakawalang kwenta kong ina... wala na akong nagawa... inayos ko na ang gamit ng mga bata... at ginising ko na sila..

Pinaliwanag ko na sa kanila na doon muna sila sa mga lola nila titira.. nagtatanong pa sila kung bakit at buti na lang sinambot na ako ng mama ni kurt..

"Natsu.. Stace... may aasikasuhin kase ang mga magulang ninyo.. hindi na nila kayo mababantayan kase nagtatrabaho sila.. kaya sa amin muna kayo ok??"

"ok po.."

Nahinga naman ako ng maluwag ng pumayag na sila.. buti na lang...

Hinatid ko na sila hanggang kotse... pumasok na sina Natsu at stace..

"ma, pa, mom, dad,... pasensya na po sa nangyari.. sorry po talaga.."

Tanging ang ama na lang ni kurt ang sumagot sa akin dahil dama ko na masama ang loob nila sa nangyari more on galit silang lahat sa nangyare... hindi ko sila masisisi...

"basta ang gusto ko lang anak ay maayos ninyo iyan.. nais nga sana namin kayong sorpresahin at ang mga bata ngunit kami ang nasorpresa... kung ano man ang problema niyo wag niyo namang pahantungin sa annulment... maawa kayo sa mga anak niyo..."

"opo dad... sorry po talaga..."

Umalis na sila... todo kaway sakin ang mga bata ... at ng nawala na sila sa paningin ko naluha na lang ako... pero pinalis ko rin iyon..

"HINDI NATSUMI!! Hindi ka dapat maging mahina..."pagpapagaan ko sa aking sarili...

Naghanda na ako papuntang trabaho... kung tatanungin niyo si kurt.. ayun maaga pa pumunta na sa trabaho.. kinausap siya ng papa niya kagabe.. hindi ko alam kung anong pinag usapan nila.. pero sana nakapagpabago iyon sa isip ni kurt. Pero magbago man iyon o hindi... hinding hindi pa rin ako pipirma sa annulment papers na iyon...

----------------------

Sabay pa rin kami ni Kurt umuwi pagkatapos ng trabaho... at as usual walang imikan..

Nakarating kami sa bahay ng puro buntong hininga lang... kanina sa trabaho wala naman masyadong kastress stress.. inuutusan na din niya ako...

pero hindi niya ako tinitingnan man lang... para bang nakikipag usapan lang siya sa laptop niya habang ako ay nakatayo at nakikinig sa harap niya.. para lang akong hangin...

Malungkot ako sa pakikitungo sakin ni Kurt pero kelangan kong maging matatag. Para sa mga anak namin...

Dinner time...

Tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig..

Wala ni isa ang nagtatangkang magsalita... para bang nagpapaligsahan kami kung sino ang unang magbababa ng pride....

Natapos ang dinner.. ako ang naghugas ng pinggan... napa-sigh na lang ako... wala eh... anong magagawa ko mapride din akong tao...

Pagpasok ko sa kwarto...

Nagulat ako ng nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headdborad... nagbabasa siya... tahimik lang naman akong pumasok sa banyo...

Paglabas ko ganun pa rin ang pwesto niya... tinitigan ko muna siya ng mga ilang segundo...

Tumingin siya sa orasan wari'y tinitingnan kung late na ba...ako naman humiga na... at pinikit na ang mata ko...

Ayokong I –open niya ang tungkol sa annulment.. ayoko..

Pero...

"pinirmahan mo na ba??" tanong ni Kurt

Pikit pa rin ako... ayokong magsalita...

"alam kong gising ka pa.. magsalita ka..." pagpupumilit niya sakin

"sabi ko sayo hinding hindi ako pipirma... hindi mababago ang isip ko..."

Sumagot akong nakapikit... ramdam ko naman na humiga na din siya at pinatay ang ilaw...

"bakit Natsumi??? Bakit... bakit ayaw mo akong pakawalan?? Bakit mo ko pinahihirapan ng ganito??"

Ilang segundo bago ko nahanap ang tamang salita na gusto kong sabihin...



"bakit nga ba Kurt?? Sa totoo lang napakadaling pirmahan ng papel na iyon... dahil sa mga pinapakita mo sakin, sa cold treatment... gustong gusto ko na ngang pirmahan iyon..."

Tahimik lang nman si Kurt kaya nagpatuloy ako

"pero.... Dahil nga mahal kita... ayokong mawala ka sakin.. ayokong malayo ka sakin... at hindi ko kakayaning makita ka na may kasamang iba at masaya sa piling niya... hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung dumating ang oras na iyon...gusto ko ako lang ang nagpapasaya sayo... ako lang kurt... gusto ko ako lang.."

Tumulo ang luha ko habang nakapikit ako...

Ramdam ko naman ang kamay niya na pinahid iyon... gusto kong imulat ang mata ko at yakapin siya pero... hindi ko na ginawa... mas masasaktan lang ako...

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok...... pero parang narinig ko siyang nagsalita...

"Mahal na mahal din kita"

Hindi ko na pinansin kase baka hallucination lang... pero...

Naramdaman ko na dumampi ang isang malambot na bagay sa labi ko... naramdaman ko din na may pumatak na likido sa mukha ko...

"mahal kita at patawad..."

------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon