Kurt's POV
Nakahiga na kami ngayon at talagang hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari kanina... watdapak lang... ang bata pa ng anak ko pero napagusapan agad ang tungkol sa marriage niya... well parang hindi nangyari samin yun ah... tss
"Hon.." Tawag ko kay natsumi.. sa totoo lang pang pitong tawag ko na ata sa kanya to.. pano ba naman hindi ko talaga matanggap na ikakasal na ang anak namin...
"Hmm?" halatang antok na din siya pero iniintindi niya pa rin ang tantrums ko.. aish!
"hon kase... papayag ka na lang ng ganon? Na ikakasal na yung anak naten? Hon naman... mag isip pa tayo ng paraan.."
"hay nako hon.. wag ka ngang oa diyan.. hindi pa naman bukas nag kasal niya kaya huminahon ka ok? Naiintindihan ko kung bakit ka nagiging ganyan.. pero isipin mo pano kung sa ibang lalaki lang siya mapakasal dun sa lalaking hindi natin alam ang family background? Hindi ba dapat matuwa tayo dahil may magaalaga na sa prinsesa nain bukod sa kuya niya?"
Napabuntong hininga na lang ako... ok.. may point si hon at siyempre natalo na naman ako..
"ok hon.. ano pa nga bang magagawa ko... andiyan na yan.." pagkasabi ko nun ay niyakap ko siya.."
Napasmirk na lang ako sa naisip ko...
"Palagay ko hon.. Ito na ang tamang panahon?"
"Tamang panahon?? Ano—"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis akong pumaibabaw sa kanya dahilan para mapasigaw siya ng konti..
"Shhh.. Hon wag ka namang maingay baka magising ang mga bata.. Maudlot pa ang gagawin naten.."
Napangisi na lang ako ng pamulahan siya ng pisnge.. Ang cute talaga ng asawa ko..
"Hoy mister cortez.. Ano bang pinagsasasabi mo jan? Atsaka umalis ka nga sa ibabaw ko"
Tsss.. Dummy.. Well she's my imbecile wife.. anong aasahan ko sa kanya?
"Hay nako hon.. You are always my imbecile wife... Hindi mo man lang ba mabasa ang atmosphere? Gusto kong sundan na natin si Stace since ikakasal na siya.."
"Hay nako hon tumigil ka.. wag kang oa...ok na ko sa dalawang anak"
Pinalungkot ko ang aura ko..humiga na ako ng ayos at tumalikod sa kanya.. I have an idea para pumayag siya.. Syempre di niya ako matitiis...
"Hon.."
Oh diba tinawag agad niya ako.. Hindi ako sumagot at umaktong galit talaga..
"Hon naman pagaawayan ba natin to?"
Niyakap niya ko.. Hayy.. Dapat hindi pa ko sasagot eh.. Pero kase niyakap na niya ako kaya ayan.. Bumigay agad ako..
Bumuntong hininga muna ako atsaka sumagot
"Eh kase naman hon gusto kong makabuo ng basketball team.." sabi ko sabay pout
"Oh sige hon payag na ko.. Wag ka ng magtampo.."
Pagkarinig ko pa lang nung payag na ko ay agad akong pumihit paharap sa kanya at ngiting ngiti pa..
"talaga?? Payag kang gumawa tayo ng basketball team?"
Tumango lang siya habang namumula.. hahah.. cute
Pero muli akong lumungkot at tumalikod sa kanya... Well.. *evil grin*
"Hon diba nga payag na ko.. Bat tampo ka pa din?"
"Eh kase hon ayoko na pala ng basketball team.."
"huh?"
" Gusto ko pala dalawang basketball team.. para may kalaban yung isa.."
Naramdaman ko na lang ang paghampas niya sa akin.. Napaaww na lang ako.. Well gangster yan eh so ayan.. Sadista.
"Aba hon abuso na.. Nako bahala ka jan.."
Tumalikod siya sa akin.. This time ako naman ang humarap sa kanya at hinalikan siya sa leeg.. pero hindi pa rin niya ako pinansin
"Hon.."
Tinawag ko siya with matching seductive voice
"Hon.. Sige isang basketball team na lang .. Basta hindi counted ang babae.."
Humarap siya sakin bago Pinaningkitan ako.. Napalunok pa ko ng di oras..
"Tsss.. Oo na po.. Oh siya matulog na tayo maaga pa tayo bukas.."
Niyakap ko siya.. Pagkatapos ay iniharap siya sakin..
"Hon naman.. Di ba pwedeng simulan na naten ang pagbuo sa basketball team?"
Sabi ko with matching seductive voice ulit.. ahhaha
"Atat lang hon? Hay nako bahala ka na sa buhay mo basta ako matutulog na"
"Hon naman simulan na natin.. Feeling ko magiging kambal na lalaki ang anak natin kung gagawa na tayo ngayon... para tatlo na lang sa susunod"
"Sabing matulog na eh.." sabi niya habang nakapikit na..
"Hon...~---" hahah ang kuli ko lang..
"Isang pang hon sa sahig ka matutulog.."
Patay.. nagalit na..
"Ay! Hon joke lang to naman sabi ko nga bukas na lang eh.. Tara na matulog para marami tayo energy bukas..."
Hay.. condolence na lang kay King na mapapangasawa ang anak namin na si Stace... nagmana pa naman yun kay hon... hahah
"I love you hon..." sabi ko sabay kiss sa noo niya..
"hmmm.. love you too"
Napangiti na lang ako.. well ganyan ka sweet ang Imbecile Wife ko..
--------------
The end...
--------------
ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя
eto na talaga ang ending guys.. hope you liked it... comment your thoughts about this book.. feel free to say anything that concerns you.. thank you very much.. mamimiss ko kayo..
share ko lang na I am now doing a collaboration book with hanbae .. fantasy genre please do check..
this book is entitled
Crostalgia
by
BINABASA MO ANG
Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)
RomansMy Imbecile Wife(KATHNIEL) BOOK 2 OF MY IMBECILE FIANCEE Ang buhay mag asawa mahirap... lalo na kung wala kayong "TRUST" sa isa't isa... yung kahit paulit ulit kayong magsabi ng "I Love You" kung wala ang salitang yan balewala ang relasyon... masisi...