MIW:thirty-three

1.6K 29 0
                                    

Natsumi's POV

"hindi ako sasama..."

Pagkasabi ni Natsu noon ay kita ko ang panlulumo ng aking asawa... hindi pwede to kailangan ay sumama si Natsu para makabawi naman si Kurt sa kanya..

"Natsu... bakit naman hindi ka sasama?.. family bonding natin to..."

"oo nga kuya.. please... sumama ka.." sabi naman ni Stace

"mom.. alam kong alam mo na ang sagot sa tanong mo... please mom... ayoko talagang sumama.."

Tumingin akong muli kay Kurt.. malungkot siya..

"But kuya.. hindi tayo matutuloy kapag di ka sasama..." sabi ni Stace..

"Stace wag ka ng makulit..."

"kuya... please... sumama ka na.. please.. please.. please..." pangungulit pa ni Stace..

"Isa! Stace.. magagalit ako... pagsinabi kong ayoko.. ayoko!"

And there.. hindi nakontrol ni Natsu ang inis niya at nagbabadya na ang mga luha ni Stace..

"Stace I'm sorry—" akmang lalapit si Natsu kay Stace pero tumakbo si Stace papunta sa daddy niya at yumakap..

"I hate you Kuya!! I hate you!!!"

Hindi na umimik pa si Natsu at tiningnan na lang ang kapatid na umiiyak habang pasan ni Kurt.. lumabas muna sila...

Nanatili lang siyang nakatayo... ako din... alam kong may gusto siyang sabihin...

"mom... I- I'm sorry.."

Sabi ni Natsu sabay tungo... nilapitan ko siya at inakay paupo sa sofa...

"Natsu.. naiintindihan kita... alam kong mahirap.. mahirap muling magtiwala... pero hindi mo ba nakikita? Ginagawa ng daddy mo ang lahat para mapatawad mo siya.. para bumalik muli ang tiwala mo sa kanya kaya please.. bigyan mo siya ng chance... siya pa rin ang daddy mo ano man ang mangyari... hindi na magbabago yon.."

Niyakap ko si Natsu... alam ko matatanggap niya rin ang daddy niya... alam ko rin na it takes time bago mangyari yon.. pero sana... mabigyan niya ng chance ang dad niya...

Kumalas siya sa yakap..

"ok mom... sasama na ko.. aayusin ko lang gamit ko.."

"ok.. that's my boy.." sabi ko sabay pat sa head niya..

Ngumiti si Natsu at naglakad na siya paakyat sa kwarto.. lalambot din ang puso ni Natsu para sa ama niya... at pagdating ng araw na yon... hindi ko alam kung may paglalagyan pa ba ang sobra sobrang kaligayahan na mararamdaman ko...

---------------------

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan naisipan naming mag picnic.. private place namin ang lugar na to kaya solo lang namin ang lugar..

Nagaayos kami ni Kurt ng blanket at pagkain habang tinitingnan ang mga anak namin na masayang naglalaro.. opo.. bati na agad sila.. nung nalaman kasi ni Stace na sasama na ang kuya niya ay natuwa na ito at niyakap ang kuya niya..

Tumingin ako kay hon... nakangiti siya..pero kita sa mata niya ang lungkot... nalulungkot din ako dahil sa nakikita ko... nahihirapan siya...

"hon..."tawag ko sa kanya..

"hmm?" nakatingin pa rin siya sa mga bata..

"ok ka lang?"

Matagal bago siya nakasagot..

"I-.. I don't know.. pero masasabi ko na masaya ako ngayon..."

"hon.. please wag kang panghinaan ng loob... malalampasan natin to.. magtiwala ka lang.."

Umakbay sakin si Kurt sabay hinalikan ang noo ko..

"wag kang mag alala hon.. hinding hindi ako susuko.. gagawin ko ang lahat maibalik lang ang tiwala sakin ni Natsu.. hindi ko na muli kayo bibiguin.."

Tumango lang ako.. nasa ganong posisyon lang kami habang pinapanood ang mga bata..

......

"Natsu! Stace! Itigil niyo na muna yan... kumain muna kayo.."

Mabilis naman sila lumapit sa amin.. si Stace sa daddy niya.. at syempre sakin lumapit si Kurt.. pinunasan namin ng pawis ang dalawa habang kumakain..

Mabilis tinapos ni Natsu ang pagkain niya... ganon din si Stace... pumunta sila sa may puno doon...

"Natsu! Bantayan mo si Stace ha... baka mahulog kayo jan..."

"yes mom.."

Nagtimpla si Kurt ng juice habang ako naman ay nagbalat ng apple... hilig kasi ni Natsu ang apple.. at si Stace naman ay pineapple juice...

Pagkatapos naming ihanda ang meryenda ay naglibot libot muna kami... para rin kasing garden ang lugar na ito napapalibutan kami ng mga bulaklak at talagang nakakarelax dito dahil sa magandang ambiance ng lugar..

Sana lang magkaayos na sina hon at Natsu.. alam kong malapit na yon.. konti na lang ...

---

HHWW kami ni hon... at sa totoo lang ay kinikilig ako.. opo.. ewan ko.. feeling ko kase para kaming mga teenager na nagdedate.. hahahha.. Silly right?

"hon... your blushing..." pang-aasar sakin ng Kurt..

Hinampas ko naman siya.. tss.. ibroadcast daw ba na namumula ako.. kainis to..

"so what? Bawal ba?"

"hindi naman.. bakit ka kase nagbablush ano bang iniisip mo?"

"wala.. ano bang dapat isipin?"

"Kase syempre hon.. tayo lang dalawa ang nandito... you know.."

Sabi niya sabay ngiti pa with matching taas baba ng kilay..

Ano bang pinagsasasabi nitong si hon?.. sari sari eh.. ang weird pa ng mukha niya..

----------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon