MIW:twenty-eight

1.7K 32 0
                                    

Natsumi's POV

Noong gabi ng kasal nina Jerome ay tumawag ako sa kanila at humingi ulit ng pasensya.

Nabanggit nila na pinsan pala ni Vieve si Greg kaya nanduon ito sa kasal nila.

Nakasakay ako sa kotse ngayon habang nagdadrive si Kurt.. nakatitig lang ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari.. hindi ko akalaing magiging maayos pa kami...

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung nangyari sa kasal.. kinabukasan pagkatapos ng kasal ay nagulat ako dahil paggising ko ay may luto ng breakfast habang si Kurt ay nakabihis na pangtrabaho..

Babalik na pala siya sa trabaho...Aware naman kase siya sa buhay niya dati.. alaala lang talaga namin ang nawala sa kanya..

He even kissed me.. at binati ako ng 'Good morning Wife'

Isa pa ang hindi kapani-paniwala ay ang lagi niya ng pagtawag ng wife.. may part na nalulungkot ako may part din naman na masaya..

malungkot kase hindi naman yon ang tawagan namin dati.. 'hon' yon... Though masaya dahil kahit wife ang tawag niya nararamdaman ko na binibigyan niya ako ng halaga..

Sa buong linggo na yon ganon lagi ang routine niya.. hindi ko nababanggit ang mga bata sa kanya dahil alam kong hindi pa siya handa..

ang kailangan kase.. maalala niya muna kami bago ko pabalikin ang mga bata sa puder namin.. safe naman sila sa pangangalaga ng mga grandparents nila..

So eto nga kanina pa kaming biyahe ng biyahe at tila walang katapusan ang daan papunta sa pupuntahan namin...

"San ba kase tayo pupunta?"

Kanina pa kong tanong tanong dito kay Kurt pero ang lagi niyang sagot..

"Wag ng mainip Natsumi.. malapit na tayo"

And there! I give up! halos 2 hours na niyang sinasabi yan tapos laging malapit na? lumalakad ba yung pupuntahan namin?

Maaga pa lang ay pinagbihis na ko ni Kurt at may pupuntahan daw kami.. aangal pa sana ako kaso nung nakita ko ang gwapo kong asawa ay hindi ko na nagawa..

Kase naman.. ang gwapo gwapo lang talaga niya sa suot niyang parang bad boy ang dating.. kahit simpleng pants at black shirt lang iyon.. ang lakas talaga ng dating niya..

At dahil talagang inip na inip na ko ay tumingin na lang ako sa bintana..

Nakita kong medyo pamilyar ang dinadaanan namin... anong lugar ba to?

.

.

Then I realize...

.

.

OH MY GHAD!! Bakit kami nandito!!!??!

---

Nakahiga kami ngayon sa damuhan... nandito kase kami ngayon sa Yonsiae University.. sa school namin dati..

Tahimik lang si Kurt habang nakatingin sa langit.. tila ba nagmumuni-muni siya..

gusto ko sanang magtanong kung bakit kami nandito pero ayoko namang guluhin yung moment niya..

Walang pasok ngayon dahil Sunday.. good thing din naman yon dahil nakakahiya naman sa mga estudyante na dumayo lang kami ng higa dito..

Tumitig na lang din ako sa kalangitan... nakakarelax ang maaliwalas na panahon ngayon... pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kami nandito

..possible kayang nakakaalala na siya?

Hindi na ko nakatiis...

"Kurt.."

Ilang segundo pa bago siya sumagot..

"hmm?

".. bakita tayo nandito?"

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan niya... naramdaman ko ang kaba niya sa tanong ko.. bakit naman siya kakabahan?

".. nalaman ko kase na dito pala tayo unang nagkakilala noon.. "

Hindi ako umimik.. hinihintay ko lang ang susunod niyang sasabihin..

"and I brought you here... because... I want to remember that.. yung araw na nakilala kita... yun kase ang pinaka espesyal na araw para sakin.. ang makilala ka sa unang pagkakataon.."

Naging mabigat ang paghinga niya.. hanggang sa mapagtanto ko...

Umiiyak siya! Umiiyak ang asawa ko... nagpanic ako at agad agad na tumayo..

"pero... kahit anong pilit ko hindi ko maalala ang mga nangyare sating dalawa.. May mga imahe pero hindi malinaw.. "

"Kurt.."

Nakita kong nakatakip ang braso niya sa mata niya.. umiiyak lang siya na tila hirap na hirap sa sitwasyon...

"Wife... pinipilit ko naman eh.. sorry.. sorry dahil kahit anong pilit ko.. hindi kita maalala.. hindi ko kayo maalala ng mga anak natin..."

Inalis ko ang braso niya sa kamay niya... nakapikit siya habang patuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha...

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.. tuluyan na rin akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya..

Pinunasan ko ang mga luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat na lang ako sa mabilis niyang pagbangon at pagyakap sa akin..

Umiiyak pa rin siya.. nahihirapan siya.. at ayokong nakikita siyang ganito...

"Kurt.. tama na... maaalala mo din kami.. tutulungan kita.. unti-unti kong ipapaalala sayo ang lahat.. kaya please Kurt.. ayokong nakikita kitang ganito... hindi naman kita pinagmamadali... "

Kumalas siya sa yakap .. nakita ko ang pugto niyang mga mata.. hinawakan niya ang mga kamay ko at inilapat iyon sa mga labi niya..

"Wife.. please promise me... please.. don't leave me... I promise I will remember you... our family.. wag mo lang akong iiwan....mahalaga ka sakin"

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.. masaya ako.. masaya na ako dahil mahalaga ako kay Kurt.. alam ko somewhere in his heart nararamdaman niya na mahal niya ko..

Tumango ako.. pinunasan niya ang mga luha ko..

"pangako Kurt .. pangako. Hinding hindi kita iiwan.. basta wag mo rin akong iiwan tulad ng ginawa mo noon"

Muli niya akong niyakap...

"pangako Wife.. I will never leave your side... again"

----------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon