MIW:eighteen

1.6K 42 2
                                    

Natsumi's pov

Hindi ako sa bahay dumiretso... pinuntahan ko ang mga anak ko sa eskwelahan nila... inintay ko na silang lumabas...

Nagulat naman ako ng may yumakap sakin mula sa likod...

"MOM!! We missed you!!" sabi ni Stace sabay kiss sa akin.. tahimik lang naman na nakayakap si Natsu sa likod ko...

"I Missed the both of you too!!" sabi ko sabay kiss sa mga anak ko...

Tumawag na ako kina mom na samin muna tumulog ang mga bata dahil namimiss ko na sila... hindi pa nga sila pumayag noong una pero nagmakaawa talaga ako dahil sa tingin ko makakapagpagaan sa loob ko ang makita ang mga anak ko.

------------------

Kakadating lang namin dito sa bahay...

Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Stace habang si Natsu naman ay tahimik lang na gumagawa ng assignments niya...

Hours passed at natapos na nila ang mga ginagawa nila... nakatulog na si Stace si Natsu naman trip daw niyang mag midnight snacks...

Pinayagan ko na kase wala naman daw silang pasok bukas sabi ng teacher nila...

Sabay lang kami ni Natsu na nanonood ng Shaman king na anime kahit hindi ko alam eh nakipanood na lang din ako... nakikikain din ako ng popcorn niya at piatos.. hahhaha

Minsan nga napapatawa din ako sa palabas... natigil naman ako sa pagnguya ng magsalita sya...

"Mom?? Where's dad??"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko... nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na ba na may problema kami ni Kurt.. alam ko naman na maiintindihan yun ni Natsu kase nga open minded ang batang to.. sabi ko nga mas matalino pa to sakin..

"nasa trabaho pa siya Natsu eh.. alam mo naman ang dad mo workaholic.. hahhah"

Yan na lang ang sinabi ko para naman hindi siya makahalata... though noon pa niya nararamdaman na may problema na kami..

Totoo naman na nasa office lang si Kurt.. alam kong doon na rin siya matutulog dahil marami siyang gagawin ngayon...

"Mom... stop pretending... alam kong nagfile si dad ng annulment.. I saw it in your drawer ...the envelope..."

Nagulat ako... hindi ko alam kung paano pang palusot ang gagawin ko kaya sasabihin ko na...

"sinabi mo ba kay Stace?? Please Natsu wag mong hayaang malaman ni Stace bata pa siya alam mo yan..."

"yes mom... alam ko po iyon... pero mom.. whats your plan??"

Para lang akong nakikipag usap sa ka age ko no?? ang cool ng anak ko..

" you know what son?? I'm lucky.. maswerte ako sa inyo ni Stace... mahal na mahal ko kayong pareho.. namin ni Kurt... alam mo naman yun diba Natsu way back a year ago...were really a happy family then... hindi ko na nga alam kung bakit kami naging ganito anak... hindi ko alam kung anong nagawa ko..."

Napaiyak tuloy ako... ayaw ko mang makita ni Natsu na mahina ang mom niya.. pero hindi ko talaga mapigilan...

"halos ginawa ko na ang lahat para lang malaman kung ano ba talaga ang problema namin.. kase alam kong may mali eh... alam kong may hindi siya sinasabi sakin... pero wala... disidido talaga siya na maghiwalay na kami... Mahal na mahal ko siya anak... mahal na mahal... to the point na kaya kong makipaghiwalay para sa happiness niya... kung yun ang gusto niya .. gagawin ko..."

Napangiti ako ng mapait sabay patak ng aking mga luha...

Tahimik lang naman si Natsu na nakikinig sakin... bigla niya akong niyakap...

"Don't worry mom.. I'll help you... stop crying please..."

I wipe my tears... at ti-nap ang ulo ni Natsu...

"ano ka bang bata ka... matulog ka na nga.. lalo mo lang pinapaiyak si mommy eh... matulog ka na..."

Kumalas siya sa yakap at kiniss muna ako sa cheeks bago tumayo...

"Mom, magiging ok din ang lahat." sabi pa niya sabay takbo paakyat sa kwarto niya..

Laking pasasalamat ko kase may matalino akong mga anak... bonus pa yung pagiging maalalahanin nila...

Pumunta narin ako sa kwarto ko... kinuha ang annulment paper at tiningnan ito... well nakapagisip isip na din naman ako kahit papano...

Mahal na mahal ko si Kurt... at kahit ito ang gusto niya .. hindi ko pa rin pipirmahan... gusto kong may buong pamilya pa rin ang mga anak ko...

Sinunog ko yung annulment paper.... At pagkatapos ay natulog na... bahala na kung ano pang mangyayari basta... mahal ko si Kurt hindi ko kaya na mawala siya sakin..



Natsu's POV

Nakita ko na sinunog ni mom yung annulment papers...

Then a bright Idea came into my mind... I call my grandpa sa side ni mom.

"hello grandpa..?"

"oh hello apo.. bakit ka napatawag gabi na ah... may problema ba??"

"wala po grandpa pwede po bang sunduin niyo po kami nina mom dito mamayang 4 am papunta jan??? Wag niyo na pong sabihin kay mom.. nakatulog na po siya eh .. ako na lang po ang gisingin niyo pag nandito na po kayo.. please??"

"ano bang meron apo?? At mukhang may tinatago ka sa amin??"

"grandpa saka ko na lang po ipapaliwanag pagnasundo niyo na po kami... wag niyo po munang sabihin kina lolo at lola.. okay po??"

Lolo at lola ang tawag ko sa mga magulang ni dad..

"sige sige... pupunta ako.. matulog ka muna..."

"bye grandpa.. thank you po..."

I ended the call... sana gumana ang plano ko for the sake of my parents' love story... hehe..

------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon