MIW:twenty-three

1.6K 34 0
                                    

Natsumi's POV

"mom? kailan tayo maaalala ni dad?? what's happening to my dad??"

Nandito ako sa kwarto ni Stace, kinakalma ko ang aking anak dahil walang tigil siyang umiiyak mula ng malaman niya na hindi kami maalala ni Kurt..

Umiiyak na din ako dahil wala akong maisagot sa tanong ng anak ko... hindi ko rin alam kung kailan ba kami maaalala ni Kurt.. kung maaalala pa ba niya kami...

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.. si Natsu naman.. tahimik lang at pinapatahan din ang kapatid niya...

Nasa hospital pa rin si Kurt at sa tuwing pupunta kami doon hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa mga malalamig na titig na ipinupukol niya sa akin..

Malamig ang pakikitungo niya samin ng mga anak niya.. paano ko ba maibabalik ang alaala niya?? Wala akong maisip na solusyon. 

Tinanong ko ang doctor.. sinabi naman niya na temporary lang talaga ang amnesia ni Kurt.. pero pag hindi pa niya kami naalala within 3 months.. habang buhay na kaming magdurusa ng mga anak niya..

Tumawag bigla si dad..

"Hello dad?"

"Anak... kamusta ka na?? kamusta na ang mga apo ko?"

Bago sumagot ay napadako ako sa mga anak ko na mahimbang ng natutulog.. pasalamat ako kay Natsu at napatahan niya si Stace..

"Dad I'm alright... kakatapos lang umiyak ni Stace dad.. at nakatulog na sila ni Natsu ngayon... dad hindi ko na alam ang gagawin ko..."

Nagsimula na namang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata..... paano ko ba malalampasan ang pagsubok na to??

"Anak.. please be strong.. lalong panghihinaan ng loob ang mga anak mo kung pati ikaw mahina... dapat mong ipakita sa kanila na may pag-asa upang maibalik ang alaala ng ama nila.. walang mangyayari kung iiyak ka lang anak... tatagan mo ang sarili mo.."

Ang with that.. I realize my stupidity... I started wiping my tears at biglang nagkaroon ng lakas ng loob..

"thanks dad.. I'll hung up.. I will not let my husband abandoned us again.. kailangan ko ng kumilos..."

"yan! Yan ang anak ko.."

Habang nasa hospital nga pala si Kurt ay sina dad muna ang nagmanage ng kompanya at sinabing sila daw muna ang bahala sa lahat hanggang sa bumalik ang alaala ni Kurt...

Binantayan ko muna ang mga anak ko at inintay magising bago ako magpunta sa
Hospital..

Maya maya pa ay nakatanggap ako ng tawag...

Nagaalinlangan akong sagutin sapagkat unregistered number..

Tatlong beses tumawag ang number pero hindi ko pa rin sinagot...

Hanggang sa nagitla ako dahil sa sunod sunod na door bell...

Eh?? Sino naman kaya ang pupunta sa bahay ko?? Imposible naman na sina mama dahil hindi na sila magaabalang mag door bell..

No choice kundi ang pumunta sa baba at buksan ang pinto...

.

.

.

As I open the door I was shocked...

Mga luhaang mata ang nakita ko sa kanila...

"W-why ..a-are you a-all ...here??"

Muntik na akong matumba dahil sinalubong nila ...oo.. marami sila.. sinalubong lang naman nila ako ng yakap sabay sigaw ng pangalan ko habang umiiyak...

"NATSUMI!!! Waaaaa!!!!!"

------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon