Natsumi's POV
Nakarating na ako dito sa company nina Carmela.. may kumaway naman saking babae wavy at may kulay pink ang dulo ng buhok nito.. kumunot naman ang noo ko.. sino naman to??
Lumapit siya sakin sabay hampas sa braso ko... tumaas ang kilay ko.. hindi ko na lang inintindi at nagtingin-tingin sa paligid.. asan na ba si andrea??
"oy Natsumi!!" biglang bulong na pasigaw nung humampas sa braso ko..
Narecognize ko naman ang boses nito...
"andrea?? Paanong??"
"shhh.. wag ka maingay... nag disguise ako para naman hindi mag mukhang kahina-hinala at syempre sanay ako dahil private investigator ako.. hahah binilhan din kita..." Mahabang paliwang niya sabay abot ng supot sakin...
bigla naman niya akong hinila sa bandang tagong lugar...
"bilisan mo natsumi isuot mo na yung wig at shades na binili ko.. bilis!!"
Madali ko namang binuklat ang supot at sinuot ang shades at wig...
Pumasok na kami ni andrea sa company.. nakita namin si Carmela na pumasok sa elevator... 10th floor ang pupuntahan niya...
Lumipat kami sa ibang elevator at pumunta sa 10th floor.. mahirap na baka maghinala siya samin na sinusundan namin siya...
Pagdating namin doon.. wala masyadong tao... hinahanap namin si Carmela at saktong papasok siya sa isang office doon...
Pero bago siya tuluyang makapasok sa office na yun may nakita akong binato si andrea sa loob... susundan ko na sana si Carmela nang biglang hilahin ako ni Andrea papuntang elevator at pinindot ang lobby floor..
"teka nga andrea.. aalis tayo ng walang nalaman??"
Pero hindi niya ako sinagot..
Nakalabas na kami ng company..
"Andrea!! Bakit umalis tayo agad??
"wag ka nga makulit Natsumi doon tayo mag usap sa mcdo malapit dito.. bilis..."
At yun nga walking distance lang ang mcdo... nag order muna siya ng dalawang burger at dalawang coke... sabay upo at kinuha ang cellphone niya sabay tabi sakin at may binuksan siyang kung anong app..
Nagulat ako ng makita ko si Carmela at si Mr. Ford yung daddy niya...
"paano??" tanong ko kay andrea..
"well... hidden camera yung binato ko sa office na pinasukan ni Carmela.."
Kinindatan pa niya ako at napangiti na ang ako... magaling talagang private investigator ang isang to..
Kumuha siya ng headset sinuot niya ang isa at ang isa ay isinuot sakin...
"Carmela anak itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking iyon!!" pasigaw na wika ng ama ni Carmela
"no dad!!.. hindi ako titigil!! Gusto ko na ako ang makipag usap kay Mr. Cortez... para mapansin na niya ako at maisagawa ang plano ko..." Carmela
"anak... please.. maawa ka naman sa sarili mo.. wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo... and my decision is final... ako na ang makikipag usap kay Mr. Cortez.."
"dad naman... hayaan niyo na ko... gusto kong makuha si Mr. Cortez.. gusto ko siya dad.. tulungan niyo naman ako.."
"anak.. may asawa na siya!!.. hindi siya ang para sayo.. at nai-arrange na kita sa anak ng kaibigan namin ng mama mo.. kaya itigil mo na to!"
"dad... I want him bakit hindi niyo siya kausapin na hiwalayan ang asawa niya at siya na lang ang iarrange niyo sakin?? Dad.. please"
Nanggigil ako bigla sa sinabi ng Carmela na to...
"Carmela!!! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?? Itigil mo na yan!!"
Ayun... nag walk out na si carmela..
At tila naliwanagan ako.. plano lang lahat ni Carmela ito.. hindi totoong nagbabakasyon ang mga magulang niya.. at gusto niyang makuha ang asawa ko... may binabalak siya...
Hindi ko hahayaang mangyari iyon... hindi ako papayag.. kailangan kong mabalaan ang asawa ko... at nasa kanya na kung paniniwalaan niya ako o hindi.. pero sana.. sana maniwala siya..
--------------------------------
ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя
BINABASA MO ANG
Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)
RomanceMy Imbecile Wife(KATHNIEL) BOOK 2 OF MY IMBECILE FIANCEE Ang buhay mag asawa mahirap... lalo na kung wala kayong "TRUST" sa isa't isa... yung kahit paulit ulit kayong magsabi ng "I Love You" kung wala ang salitang yan balewala ang relasyon... masisi...