From : Eli Cameron
To : Kali Roswell
[Eli Cameron of Hermes at your service. Sana po tapusin nyo ang pagbasa kahit mahaba. Imagine mo ikaw si Duff. Thanks hehe]
Duff's POV
"Come on Duff. Alam kong kaya gusto mo makapunta sa reunion dahil gusto mong makita si Reid."
Tinignan ko sya ng masama. Kahit kailan talaga 'tong bestfriend ko makulit. Aaminin ko dahil kay reid kaya ako pupunta sa reunion pero ayokong ipahalata yun. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa closet ko. Naramdaman kong sumunod naman sya sakin.
"Duff, is this about reid?"
Magsisinungaling na lang ako. Alam kong ayaw nya talagang nagkakaganto ako. Matagal nya ng ayaw si reid para sakin. Hindi ko alam kung bakit. Lagi syang tutol basta tungkol kay reid. Ang lakas ng topak.
"Hindi. Tama na nga. Sige na magbibihis na ako."
[At the reunion]
"What do you think, duff? I organized everything for this reunion."
Magaling sa gantong bagay ang bestfriend ko. Siya nga pala si Duff. Party organizer kasi sya, so, naisipan nyang sya na lang ang mag organize para sa Highschool reunion namin.
"It's beautiful. Alam kong ikaw ang nag ayos dito, ikaw pa ba? Kaya nga ang ganda dito e. Hahaha."
Napansin kong may tinitignan syang iba kasi imbis na sakin sya nakaharap nakatingin yung mata nya sa may likod ko. Eh?
"Duff, si reid oh."
Napalingon na lang ako sa likod ko. Hindi parin pala talaga sya nagbabago. He's still the hottest guy. Masaya akong nakita ko sya ulit. Maybe I can make a move? Well, yeah, I'm a girl but eto na lang yung time na alam kong pwede akong magconfess ng nararamdaman ko para sakanya. Nagulat ako ng bigla syang lumapit samin, a-anong kailangan nya?
"Hey, Reid."
Nagulat ako kay Eli, ayaw na ayaw nyang nakikipaginteract kay reid, himala ata 'to. Nahihiya ako bigla. Hahaha. Di ako sanay ng ganto. Uhm, try ko kaya sya kausapin?
"Hi Eli, I'm sorry may tumatawag sakin e, maya na lang ulit."
Ano ba yan! Akala ko pa naman eto na! Biglang dumating ang isang lalake na napaka pamilyar ng mukha.. NED?! NED THE NERD?
"Ned the nerd? Oh-- I'm sorry. I didn't mean to annoy you."
Hala bunganga mo duff, jusko naman. Tigil tigil din ah.
"It's okay. Sanay na ako. Kamusta ka na?"
Ang laki ng pinagbago nya parang dati lang ang nerd ng dating nya. Ngayon? He's totally fucking hot. Hahahaha. I never expected this. Well, kahit ako naman nagbago na, hindi na ako yung duff na nabubully dati. Malakas na ako.
"Pasensya na talaga. Nagulat lang kasi ako tska ang laki ng pinagbago mo. Ayos naman ako, ikaw ba? What about your job?"
Napatawa sya. Ang gwapo naman ng tawa neto. Hahaha. Parang dati lang ah hehe joke ayoko na magbanggit sa dati.
"Malaki na ba talaga? Siguro, lahat naman ng tao nagbabago pero I'm still Ned the Nerd. It won't change. Well, nagiimbento ako ng mga gamit. Yun naman talaga ang pangarap ko simula pa noon and I never expected na aabot sa ganto. Ikaw ba? Lalo kang gumanda. Kamusta? What's your job?"
Namula ako sa sinabi nya. Syempre sino ba namang di matutuwa sa maririnig na GUMANDA KA LALO, ewan ko ba, hindi naman ako kapansin pansin noon.
"Ayos lang din naman ako. Nahinga pa. Hahaha. Nako, nambola ka pa. I'm a fashion designer in NYC. Hindi man ako ganun kayaman pero masaya ako sa ginagawa ko."
Ngumiti sya. Okay lahat na lang ng gagawin nya napapansin ko. Hahahahahaha.
"That's good to hear. Uhm, how about your crush? Nakita mo na ba? I mean, your highschool crush. You know, lahat naman ata tayo dito nagkaroon na ng highschool crush kaya wag mong sasabihin na wala ka non. Hahaha."
Hays. Reid? Wala ngang pake sakin yon parang di pa ako nakilala.
"Wala akong crush 'no."
Tinawanan nya na naman ako.
"Alam kong crush mo si reid wag ka na tumanggi. Alam ko naman yun. Nahalata ko na nung highschool palang tayo."
Nahalata nya? Pano? Hindi naman kami close non.
"Ha? Pano? Nagjojoke ka ba? Di naman tayo close non."
Tinawanan nya ulit ako. Baliw na ba 'to?
"Ikaw kasi yung crush ko kaya alam ko lahat. More like a stalker ba? Hahaha. Sige alis na muna ako."
Nagulat ako don. I didn't expect it. Kasi naman bakit ako? Lol. Di nga ako kapansin pansin non. Bahala na nga. Hahaha. Nagulat ako nung biglang nakita kong papalapit sakin si reid why why why hala
"Hey duff, sorry kanina ah? Busy lang kasi ako. Soooo, what's new?"
Natutulala ako sa kagwapuhan nya. Hanggang ngayon. Hindi ko lang naman kasi sya crush. Mahal ko sya. Kaya nga aamin na ako ngayong gabi para hindi ko na itago pa 'to. I've waited for 5 years, tama na siguro yun? Eto na yun.
"Still the weird Duff. Hahaha. I'm a fashion designer in NYC. How 'bout you?"
Ngumiti sya sakin. Ngumiti sya sakin.. matutunaw na ba ako? Hehehe
"Still the hottest guy, just kidding. I own a company."
Bigtime. Hahaha. Hays kaya lalo akong naiinlove sakanya e, yung tipong ang perfect ng dating nya?
"Ikaw na talaga. Haha. Wait, I need to go, hahanapin ko lang si Eli."
Ang totoo nyan umiiwas muna ako, iisipin ko muna mga sasabihin ko sakanya. Naglalakad lakad lang ako dito sa venue hanggang sa makarating ako sa garden. Ang ganda naman dito. Umupo na lang ako sa sahig para makapag isip isip. Pano kaya ako magsasabi sakanya mamaya? Uhm.. pano ko sisimulan? Kakaisip ko ng kung ano ano di ko namamalayan yung oras. Naka 1 hour na pala ako dito. Hahaha. Nababaliw na ako. Nababaliw na ako kakaisip kung pano magcoconfess sakanya. Tumayo na ako at paalis na sana ako ng may napansin ako sa gilid parang may dalawang tao? Babae at lalake? Pamilyar sakin yung babae.. Eli? Anong ginagawa nya dyan? Lumapit ako ng konti at naaninag ko kung sino yung lalakeng kahalikan ni eli, KAHALIKAN?! Si reid.. Is this fucking real? Oh please.. no.. not my bestfriend.. why.. Napaiyak na lang ako sa mga nakita ko. Ang sakit.. yung bestfriend ko ginagago ako patalikod?
"What a nice view Eli. Bestfriend."
Napatigil sila. Napatingin sakin si Eli at si Reid. Halata yung gulat sa mukha nila. Wala akong karapatan magalit dahil walang kami ni Reid, pero ang sakit dahil alam ng bestfriend ko na mahal ko yang lalakeng hinahalikan nya pero bakit nya ginawa?
"Duff, let me explain."
Ayoko ng makinig. Ayoko na.
"You don't need to explain your side Eli. Bye."

YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 1
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...