Fanservice 59.

160 2 0
                                    

 From : Jackstone Dauntless

To : Kali Roswell


[Ako yung emoji na broken hearted. At katulad ng dun sa emoji,tragic to.]

Habang dumadaan ako sa mga magagarang sasakyan sa parking lot ng school ikaw ang naaalala ko. Hindi dahil sa mukha kang kotse kundi dahil sa posisyon mo sa buhay. Mayaman ka. Ako mahirap. Pinapangarap ka ng mga kalalakihan at napaka swerte ko kasi sa dami ng lalaking naghahabol sayo ako ang sinagot mo. Pero minsan nahihiya akong lumapit sayo. Nahihiya akong i date ka kasi parang pinapatay ako ng mga tao sa tingin. Habang papasok ako ng room nakatingin silang lahat sakin. Tumahimik nalang ako at umupo sa tabi mo. Binati mo ko at hinalikan sa pisngi. Binati din kita at hinalikan.
Nung uwian naglalakad ako mag isa pauwi. Di na kita nahatid kasi may sundo ka. Habang naglalakad ako may humarang na grupo ng kalalakihan. Kilala ko sila. Yung mga manliligaw mo. Mayayaman at mayayabang. Sinuntok nila ako at binugbog. Naglaban ako pero di ko kaya kasi anim sila. Umuwi ako sa bahay ng nanghihina. Halos gumapang na nga ako sa sakit ng mga sugat ko. Natatawa nalang ako. Sa mga kwento at dramang nakikita ko ang babae ang palaging kawawa. Ang babae ang mahirap at ang lalaki ang mayaman. Pero bakit sa totoong bahay hindi? Sa kabila ng mga sugat ko kinuha ko ang alkansya ko. Sakto to sa date natin bukas. Buti at may naipon pako.
Kinabukasan naghintay ako sa isang resto. Dito kita i de date. Firat time nga e na nadala kita dito. Tinext na kita at sinabi mo dadating ka. Hinintay kita... Hinintay.
Kinabukasan pumasok ako ng school. Bakante ang upuan mo. Gusto pa naman sana kitang tanungin kung bakit di ka sumipot. Siguro busy ka sa business niyo.
Kinabukasan nakita kita. Mugto ang mata mo. Tinawag ko ang pangalan mo pero di mo ko marinig. Di ka pumasok sa room. Dumeretso ka sa ibang room. Hinintay kitang lumabas at nagulat ako nung makita kong may mga pulis. Hawak nila yung lalaking bumugbog sakin. Nakasunod ka sa kanila at umiiyak ka. Tinwag kita pero di mo ko pinansin.
Sumunod ako hanggang sa presinto. Naghehesterikalka.
"MGA HAYOP KAYO!" sigaw mo.
Nanonood lang ako at takang taka.
"Wala akong kasalanan" sabi nung lalaki na leader ata nila.
"Pinatay niyo siya! Nakita kayo sa CCTV! Sinaksak niyo siya! Di na kayo naawa!" sigaw mo.
Natigilan ako sa sinabi mo. Biglang nag flashback ang mga nangyari nung nakaraang gabi. Umiling ako at lumapit sayo. Hinawakan ko ang kamay mo at nanlaki ang mga mata ko nung tumagos lang ang kamay ko sa kamay mo.
----flashback-----
Habang naghihintay ako may biglang kumalabog. Liningon ko kung saan at nakita ko sila. Yung mga bumugbog sakin. Agad silang lumapit sakin.
"Tangina mo! Ginayuma mo siya no?" Tanong niya.
"Hayaan niyo na kami. Mahal ko siya pare. Hindi ko siya hihiwalayan. Kahit bugbugin niyo ko ngayon di ko siya hihiwalayan. Mahal ko siya. Parang awa niyo na hayaan niyo na kami." -makaawa ko.
Tumawa nalang sila sinuntok ako. Ilang suntok at padyak ang natanggap ko nung may bigla akong naramdaman na metal na bagay na tumusok sa tiyan ko. Naramdaman ko ulit yun sa dibdib ko.
"Parang awa niyo na... Wag niyo munang gawin to ngayon. Anniversary namin ngayon... Wag muna ngayon. Magagalit yun pag di niya ko nadatnan dito. Parang awa niyo na." makaawa ko pero di nila ako pinakinggan.
Ngayon pinagmamasdan nalang kitabg umiyak. Gusto kitang yakapin.
Sorry kung di ko nabigay ang mga bagay na dapat kong ibigay. Sorry dahil mahirap lang ako. Mahal na mahal kita. Maghihintay ako...

Rpw : Fanservices Book 1Where stories live. Discover now