Fanservice 87.

89 0 0
                                    

From : Gaelan Ugh
To : Kali Roswell


[Salamat sa pag pili. Ito na po ang serbisyo ko para sainyo.]

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng pumasok ka sa bahay. Napako agad ang tingin ko sa maganda mong mukha pero agad na nangunot ang noo ko ng napansin kong iritado ka at parang may inaway. Medyo nagulat pa ko dahil dire diretso ka lang sa pag akyat ng kwarto. Hinayaan nalang kita at dumiretso sa kusina para ipaghanda ka ng makakain. 'Baka pagod' yan nalang ang sabi sakin ng utak ko. Kumuha na ko ng pinggan at kutsara tinidor para maayos ko na ang mesa. Hindi naman nagtagal ang pag hahain ko ng makakain natin at dumiretso narin ako sa taas para tawagin ka.

Nakita kitang nakahiga sa kama at hindi pa din nagbibihis. "Love?" tawag ko sayo, naka dapa ka kasi kaya di mo ako napansin na pumasok sa loob ng kwarto. Tumingin ka lang ng saglit at umirap sakin saka mo inilipat sa kabilang side ang ulo mo. 'Bat kaya ang sungit?' tanong na naman yan galing sa utak ko. Kinalabit kita para maagaw ko ang attensyon mo pero hindi mo pa din ako pinapansin. "Love.. anong problema?" sa wakas at naitanong ko na rin sayo. Nagulat ako nung bumangon ka at umupo saglit mo kong tinitigan at tumayo ka para pumasok sa banyo. 'Ano na naman kaya nagawa ko?' Nagbuntong hininga ko.

Kanina pa kita pinipilit para kausapin ako pero hindi mo ko pinapansin. Tapos na tayong kumain pero wala pa ding salita na lumalabas sa bibig mo. Nag huhugas ka ngayon ng pinggan at sinubukan ko ulit lumapit sayo para yakapin ka mula sa likod. "Love.." sa kilos mo halata ang pagkagulat sayo, pero sinusubukan mo pa din tanggalin ang braso kong nakayakap sayo. Tumunog ang cellphone ko kaya napilitan akong tanggalin ang braso ko sa pagkakayakap sayo. Sinagot ko iyon. "Ano?" nagulat ako sa narinig ko. "Si *your name*?" tangina talaga. "Sorry sige sige pagsasabihan ko."

Ang kaninang pag lalambing ko napalitan ng inis. "Kaya ka ba nagkakaganyan kasi nagseselos ka?" tumingin ka lang sakin at hindi sinagot ang tanong ko. "Sumagot ka!!" di ko talaga gusto na taasan ka ng boses. Nakita kong nagulat ka pero agad kang nagsalita. "Oo!! nagseselos ako!! bakit?! wala ba kong karapatan?! Nagpapasama ako sayo sa mall pero tinanggihan mo ko tapos makikita ko kasama mo yong babaeng yon?!" Sigaw mo sakin. tangina bakit ba napaka tamang hinala ng mga babae?! "Ano ka ba naman?! ang dumi ng utak mo! Pinsan ko yon, sana sinabi mo sakin na nakita mo kami o kaya lumapit ka! hindi yong kung ano ano pang sasabihin mo sakanya!!" Para bang naurong ang dila mo at hindi ka nakapag salita. "Pinsan?" nauutal mong tanong. "Tss. oo, kaya di ko sinabi sayo kasi gusto naming mag bonding na kami lang. balak ka sana niyang i meet bukas para magkakilala kayo kaso ayan, tignan mo ginawa mo." Tss. napapailing nalang ako. Ang hirap kasi magalit sayo ng matagal.

Niyakap mo nalang ako bigla. "Sorry love. sorry. sorry. di ko alam...sorry talaga." Naiiyak mong paghingi ng tawad. Tangina dito palang tiklop nako sayo. "Ang hirap mong tanggihan." seryoso kong sabi tumingin ka lang sa mata ko na punong puno ng lungkot. Niyakap na din kita. "Wag mo na uulitin yon ah? atsaka wag ka na ulit mananahimik ng matagal. Natatakot ako baka iwan mo ko bigla." sabi ko sayo na mas hinigpitan pa ang yakap sayo. "Hindi no.." Napangiti ako. "Mahal na mahal kita wag mo na ko tatakutin ng ganon." paalala ko sayo at hinalikan ang ulo mo.

Rpw : Fanservices Book 1Where stories live. Discover now