From : Kier
To : Kali Roswell
[ Sana magustuhan mo. Sana mapangiti kita sa simpleng bagay na to. ]
Masaya tayong naglalakad dito sa mall ng may maalala ako tinignan ko kung anong petsa na at tama ang hinala ko. Tinignan kita sa likod at napansin kong may mantsa ka ng dugo " shit " sabi ko ng mahina. Niyakap kita patalikod habang naglalakad. " babe b-bakit mo ko ni-niyakap " utal mong sabi dahil pinagtitinginan tayong dalawa pero wala akong pake kung tumingin sila ang sakin lang wag nilang makitang may mantsa ka ng dugo at mapahiya. " babe bakit ba kinakalimutan mong alalahin kung kelan ka magkakaron " mahina kong bulong habang patuloy tayong naglalakad para maghanap ng banyo. " Shit! B-babe may ta-tagos a-ako? " utal at taranta mong sabi. " oo babe, kaya tara muna sa banyo " sabi ko. Naghanap tayo ng malapit na banyo na ganun ang pwesto natin, nakayakap ako sa likod po, sakto may nakita ako kaya dali dali kita nilakad papunta dun. " aantayin kita dito sa labas babe " sabi ko. Tumango ka naman bilang sagot. Pagkapasok mo umalis ako sandali para bilhan ka ng pantalon dahil may mantsa ka na sa pants mo. Pagkabili ko kinatok kita sa banyo. " babe binilhan kita ng pants mo. May tagos ka kasi kaya di mo na yan pwedeng suotin " sabi ko. Binuksan mo ng onti ang pinto at kinuha ang pants ngunit may sinabi ka " b-babe? Pwedeng favor ". " Sure babe ano yun " sabi ko naman. " p-pwede bang bilhan mo ko ng na-napkin? " nahihiya mong sabi. Nagulat ako sa sinabi mong nagpapabili ka ng napkin dahil di ko pa naman yun ginawa " sge babe, antayin mo ko " sabi ko kahit nag aalinlangan ako pero dahil mahal kita gagawin ko. Naghanap ako ng malapit na convenience pagka hanap ko tumingin ako sa loob ng napkin. " putangina " mahina kong sambit dahil wala akong kaalam alam tungkol sa napkin at hindi ko rin alam ang bibilhin ko. " sir bibili ka po ng napkin " sabi ng isang babae na wari ko ay nagtatatrabaho doon. " Oo miss kailangan kasi ng girlfriend ko. Pwede mo bang ituro kung ano yung pwedeng gamitin. " sabi ko. Naghanap naman siya at binigay sakin. " eto po sir maganda po yang gamitin. Halika sir ako na ang mag pupunch " sabi niya saakin. " sir ang swerte naman po ng girlfriend mo binilhan niyo pa po ng napkin " sabi nung babae habang nakangiti. " Mahal ko eh " nakangiti kong sabi. Binayaran ko to agad at nagpasalamat dun sa babae. Bumalik ako agad sa banyo at kinatok ka. " babe andito na yung pinabili mo" sabi ko at agad mong binuksan at kinuha ang napkin. " antayin kita " sabi ko. Paglipas ng ilang minuto lumabas ka ng nakasimangot. " bakit nakasimangot ka babe? " sabi ko. " babe nakakahiya " sabi mo. " bakit ka naman mahihiya di naman nakita ng ibang tao. Pasalamat ka babe alam ko kung kelan ka magkakaron. Sa susunod markahan mo na yang kalendaryo mo babe para di makalimot " sermon ko sayo. Niyakap mo naman ako at niyakap din kita pabalik " babe sorry " malungkot mong sabi. " tatandaan ko na talaga kung kelan ako magkakaron. Nakakahiya tuloy sayo pinabili pa kitang napkin. " sunod mong sabi. " ok lang babe mahal naman kita. Iloveyou babe " napangiti ka at tumingin saking mga mata " iloveyou too babe " sabi mo sabay halik sakin ng mabilis at hinila na ako paalis.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 1
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...