Fanservice 121.

90 0 0
                                    

From :Krystal Stal
To: Kali Roswell


Salamat 😄

"Bes..." kinalabit kita di mo ko pinansin dahil kachat mo pa yung poreber mo kinikilig ka habang kausap sya ako... naman inaantay kang pansinin ako naring kong humikbi ka "Bes, ayos kalang?" niyakap moko at umiyak ka lang.. "Bes.." di ako makapagsalita di ko alam gagawin ko di ko alam kung pano ka patatahanin "Bes.. pwede pasayahin mo muna ko? Gusto ko lang sumaya..." gaya nga ng gusto mo ginawa ko lahat mapasaya ka lang mapatawa ka lang kahit sandali.. kwenento mo sakin yung nangyari... umiyak ka ulit ako naman eto halos gawin ng clown ang sarili mapatawa ka lang... isang umaga gumising ka... Tumatawa ka na ulit masaya kana ulit "Bes, nakipag ayos na sya..." sabi mo pa habang kinikilig ka.. "Ah ganun ba? wag ka lang ulit nya paiyakin ayoko na maging clown.." tumawa ka sa sinabi ko "Hindi na bes. nangako na sya.." nakalipas ang ilang araw masaya kayo.. masaya ka na naman.. kaya ako.. Di mo na naman pinapansin... Nag karon ako ng mga kaibigan.. Nagtampo ka dahil di na ikaw lagi ang chinachat ko "Pare parehas kayo! Iniiwan nyo din ako!" umiiyak ka sakin.. "Ano? Bat di mo pa ko iwan? Ganun din naman diba? Iiwan mo rin ako! Iwan mo nako!" Nainis ako sayo hanggang sa di ko na napigilan ang sarili ko "Bakit? Ha? Bigyan moko ng dahilan para iwan ka! Sya lang ang ng iwan sayo! Wag mo kong idamay! Nagagalit ka dahil di na ikaw ang inuuna ko? Ha? Bakit? Ako? Ano ba ko sayo? Kailangan mo lang naman ako pag nasaktan ka.. Kapag kailangan mo ng magpapasaya sayo.. Ni seen nga di mo magawa sakin.. Iniwan ba kita? Oo di na ikaw yung una kong chinachat.. Di na katulad ng dati diba? Kasi simula ng magkalovelife ka.. Wala nalang ako sayo... Bes. Bes.. BES MO LANG AKO PAG KAILANGAN MO KO!" naiyak ako sa mga nasabi ko.. totoo naman kasi.. Bes mo lang ako pag kailangan moko. Pero kahit ganun iniwan ba kita? Diba hindi...

----------
Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sila..

Rpw : Fanservices Book 1Where stories live. Discover now