Fanservice 161.

72 0 0
                                    

From : Seulgii Seulgii
To  :Kali Roswell


Sorry kung lame to. First time at biglaan ko lang to ginawa dahil nga sa account so.... Hope you like it kahit papano.

[Caring bestfriend]
Naglalakad tayong dalawa sa corridor ng school habang nagke-kwentuhan. Hanggang sa may hindi ako inaasahang bagay na narinig mula sayo. "ANO?! MAY BOYFRIEND KA NA BES?!" Nabigla ako sa narinig ko kaya napalakas ang boses ko. "Oo bes. Meron na. Ngayon ko lang nasabi." Inaya kitang umupo sa isang bench para mas makapag-usap tayo ng maayos. "Sigurado ka bang mahal ka nyan?" Tumango ka. "Siguraduhin mo lang ha. Sabihin mo sa boyfriend mo na, kapag magkasama kayo, wag na wag ka nyang papakainin ng itlog dahil allergic ka dun, bawal ka nyang pagurin, dahil may hika at baka atakihin ka ng di oras, sabihin mo rin sa boyfriend mo na bawal kang maglakad mag-isa, umaga man yan o gabi dahil delikado kaya dapat lagi ka nyang ihahatid. Tuwing magde-date kayo, dapat laging may ice cream dahil favorite mo yun at--" Hindi ko natapos ang bilin ko dahil bigla kang nagsalita. "Opo, boss." Sagot mo. Binatukan naman kita. "Concern lang ako sayo, bes." Lumapit ako at yumakap sayo. "Ang caring naman ng bestfriend ko. Thank you bes." Sabi mo sakin. "Wala yun. Maliit na bagay."

Rpw : Fanservices Book 1Where stories live. Discover now