Julia's POV
Hassle naman dito sa bagong school ko. My ghad. 3rd year high school palang kaya ako! Bakit kami pinapagawa ng ganun project? Hirap kayaaa. Buti sa China, madali lang mga projects. Yaan na nga, it's more fun in the Philippines ika nga. Haaaayy.
I'm Julia Chen. Half-American, half-Chinese. Walang dugong Pilipino pero may pusong Pilipino. Wawww. Lalim ha! I'm so proud of myself. *teary eyed*
Naglalakad ako sa school grounds habang umiinom ng frapp. Nakakalungkot naman. Wala akong friends, lagi tuloy akong loner. Hay. Let go, Julia. You're a lame person. Ang hinhin mo kaya, sino ang sasama sayo?
I sighed on that thought. I'm not a lame person! Ayoko lang talaga sa mga wild teenagers. Ugh.
Dahil ayaw ko na ng frapp, tinapon ko nalang 'yun kung saan.
"Ever heard about trash cans?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita hawak ang isang libro habang nakaupo sa bench, few meters away from me. Kaming dalawa lang ang nandito, geez. Baka awayin niya ako? Eeeeeeh.
"Sorry..?" Bulong ko. Sinara niya 'yung book niya at nagcross arms at nagcross legs.
"I love our nature. Kung hate mo ang nature, geez 'wag ka magkalat. You don't need to throw your trash anywhere. There's this thing called trash can and ayan lang sa tabi mo." Napalunok nalang ako sa katarayan niya. Tumingin ako sa tabi ko, ayun nga yung trash can. Gosh. Bakit parang ang tanga ko?!
"Ugh," Rinig kong sabi niya tska sa tumayo. Kinuha niya yung frapp ko at siya mismo ang nagtapon sa trash can. Nakita ko tuloy siya ng malapitan. Ang ganda niya naman...
"Next time na gawin mo pa 'yan. I'll teach you about trash cans. What's your name?" Mataray niyang tanong sakin. I tightened my grip on my shoulder bag. Nakakakabang tumingin yung mga mata niyang singkit!
"J...Julia..." I stuttered.
"Am I that scary? You're stuttering." Tapos tumalikod na siya at bumalik sa pagbabasa. Tapos may biglang tumabi sakanyang lalaki. Ang gwapo.... kahawig niya. Kakambal niya siguro?
"Peach, pengeng pera!" Sabi sakanya.
"Sabihin mo na, natalo ka naman sa pustahan niyo nila Mico, noh?"
"Hindi si Mico nakatalo sakin ngayon, yung Dwayne Mariano saka yung utol niya!" Pagmamaktol niya. Nagcellphone nalang ako para hindi nila halatang nakikinig ako sakanila.
"Sinong Dwayne? Atska, Ken, tigilan mo na kasi kaka-Dota mo. Mag-girlfriend ka nalang,"
"Ayoko!! Maaarte kayo, palibhasa ikaw, may Adrian na,"
"Umalis ka na nga. Eto 500. Alis na shoo!" Rinig kong sabi nung babae na Peach yata ang pangalan. Peach? Diba, kulay yon? Ang cute ng name.
"Salamat! Kaya mahal na mahal kita kapatid, eh! Yabyu, mwah mwah!"
"Yucckkk! Umalis ka na nga!!"
"Kilig ka sa kiss ko eh. Sige na babye na, sabihin mo kay Dad, late ako uuwi." Tapos napansin kong umalis na yung Ken.
Ken.... Ano 'to? Love at first sight? Eeeeeeh!
***
Simula nung makit ko si Ken, hindi na siya naalis sa isip ko. Ganun ba talaga ang Love? Or infatuation lang? Geez. I haven't confirmed my feelings yet pero... gusto ko lagi siyang nakikita. Makita ko lang siya, buo na ang araw ko. Hindi siya masyadong habulin ng bababe 'di tulad nung isang kaibigan niya na si Mico.
Nagbibike ako sa village nang may makita akong trash can. I giggled. Naalala ko tuloy 'yung si Peach. Hindi naman kami close. Just acquaintances, pero naaalala ko siya tuwing nakakakita ako ng trash can. Hindi siya mukhang basura ha. Ang ganda niya nga eh!
Maya-maya, may nakita akong lalaki na tumatakbo kasi tumatakbo din yung dog niya habang nakatali. Eh hawak niya yung tali, pati siya tumatakbo. Pfft!
"Peachie, slow down!!!" Dahil dyan, napagtanto kong si Ken pala yon. Ohhhh. Lumiko ako papunta sa kanila. Pero dahil tumatakbo nga siya, nauuna parin siya kesa sakin.
Nasa gitna ako ng kalsada.. Natawa ako kaya nalingon sakin si Ken.
"Bakit tumatawa ka ha?!" Masungit niyang sabi tska huminto sa pagtakbo. Oh my god. Nakakausap ko na siya!
Huminto ako, "May problema ba?" Tanong ko.
"Pakielam mo?" Wow. I didn't expect that he is this grumpy.
Tumakbo sila ulit. Nakatingin lang ako sakanya habang sinusundan siya. Ang bilis naman niya tumakbo, kaya medyo binilisan ko rin yung pagpidal ko..
"MISS MAY KOTSEEEEEEEEE!!!!" Sigaw sakin ni Ken.
Pero huli na, dahil sa oras na iniwasan ako nung kotse, tumawid yung aso niya at nasagasaan ito.....
Akala ko, bababa yung driver. Pero nagulat ako nang mas lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse na para bang may humahabol. Tumingin ako kay Ken na nakaluhod sa tabi ng duguang aso niya. He's glaring at me. What did I do wrong?
Bumaba ako sa bike at lumapit sakanya.
"I----------"
"THIS IS ALL YOUR FAULT!" Napaatras ako at napataas ang kilay. Anong kasalanan ko?!
"Anong ako? Look, I'm sorry, okay? I'm sorry about your dog." I apologized softly. Pero imbis na na magsalita, mas lalo pa niya akong tiningnan ng masama. Nakakatakot si First Love..
"She's not just a dog!! Uuugghhhh! Kakasuhan kita! I swear, I'll sue you for animal cruelty and murder!!!! Ang sama mo!!"
"Koya. Hindi ako ang may kasalanan okay!? At isa pa, 15 years old palang ako!"
"AAARRRGHHGH. Huhuhu. Peachie ko..."
Naawa naman ako bigla sakaya. Maybe this dog really means a lot to him.. Umupo ako sa tabi niya..
"Sorry.."
Nagulat ako nang hubarin niya ang tshirt niya at inilagay doon ang aso niya saka siya tumayo. Hinakawan niya ang braso ko gamit ang kamay niyang may dugo at tinayo ako.
"Kasalanan mo parin 'to. Wag ka na magpapakita sakin babae ka, ang aso ko ay kapalit ng bike mo." tska sa lumapit sa bike ko at walang anu-ano'y sumakay dito at umalis.
O_________o
"YUNG BIKE KOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!" Sigaw ko pero wala. Malayo na siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
"Great, Julia. You just lost your bike.." I said as I wiped my tear.
That bike was from my Dad.... And now, wala narin....
BINABASA MO ANG
His Time Should Be Mine [Monterialle Series #2] ON-HOLD
Teen FictionAlam niyo yung nakakakilig? 'Yung nagkaboyfriend ka ng matagal mo ng mahal, 'the boy of your dreams' ika nga ng iba. Like, what the chocolate fudge diba?! Daig mo pa ang naka-jackpot sa It's Showtime! Pero alam niyo ba yung meaning ng NAKAKAINIS? "...