Julia's POV
Right after he kissed me, hinila na niya ako papunta sa mga tao. Halatang galing pa sa school 'yung mga tao kasi mga naka-uniform pa eh. Nakoo! Baka hanapin ako ni Mommy. Patay ako. Ako pa naman ang naka-schedule na magsaing ngayon!
"P're!" Sigaw ni Ken sa mga kaibigan niya at nakipag-high five. Ako naman, tumingin sa paligid. Jusmiyo, may nakikita akong mga sophomore at freshmen! Huumayygasshh.
"Hi, babe. What's your name?" Tanong sakin ng isa niyang kaibigan saka lumapit sakin.
"I'm J-----" Ken cutted me off by pushing his friend. Ay? Rude, Ken!
"Tan, maghanap ka na nga lang doon ng iba! Tsk. Ako kasama neto eh. Dali na alis na, naghihintay na 'yung Nessa mo." Giit ni Ken. Wow ah, ako daw kasama niya? Eh hinila nga lang niya ako dito. Pfft!
"Tara, Akin." Sabi niya at pinaupo ako sa harap ng counter. Tumingin ako sa bartender na naghahalo ng drinks. Waw. Ngayon lang ako nakikita ng ganito. Hahaha.
"Hi, miss." Bati niya nang mapansin niya ako. I just smiled at him. "Is this your first time?" Dugtong pa niya. I just nodded. "Want something to drink?"
"Ano bang meron?" I curiously asked.
May binigay siya saking isang bote, isang shot glass, salt and lemon. Huh? Ano naman ang gagawin ko dito? Gagawa ba ako ng lemon juice?
Sinalin niya ang laman ng bote sa shot glass at iniabot sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay na sinasabing what do you want me to do?
"Inumin mo miss, tapos isunod mo yung salt and lemon. Promise, you'll enjoy it." Sabi niya kaya kinuha ko nalang 'yung shot glass. Pero bago ko pa ito mainom ay inagaw na sakin ni Ken ito.
"Dude, she's here to chill not to drink!" Sigaw niya sa bartender at siya mismo ang uminom ng nasa shot glass.
"Keeeeen! Curious ako sa lasa." I said while pouting.
"Okay. Drink it without lemon and salt." Tapos nagsalin siya ulit sa shot glass at iniabot sakin. At dahil nga curious ako, kinuha ko 'yun at ininom agad.
Napangiwi ako ng bonggang-bongga dahil sa pait. NAPAKAPAIT !!
"HAHAHAHAHA!" Narinig ko tawa ni Ken pero hindi ko siya pinansin, kinuha ko yung asin at kinain 'yun saka piniga ang lemon sa bibig ko. Sheesh!!! I will never drink that crap again!
"Ano, masarap???" Pang-aasar sakin ni Ken habang tumatawa parin, hinampas ko nalang siya ng bag ko at inirapan. Grr siya!
"Sabi mo, curious ka eh. Edi ayan," Tapos humalakhak siya ulit.
"Ewan ko sayo."
Yung music, biglang nag-turn sa A Thousand Years. Hahaha. Sweet dance itey. May mga nakikita na akong nagsasayaw. Couples siguro. Ang sweet nila ha. Sana ako rin balang araw magkaroon ng first love, at siya na ang forever ko. Hm.. Hindi ko pa naman sure kung mahal ko na si Ken, pero crush ko parin naman siya. Iba naman ang love doon diba? Haaayyy. I just want to have a happy and whole family someday. And I hope that someone will love me through my brightest and darkest."Aherm, Akin?" Rinig kong tawag ni Ken kaya nilingon ko siya. "May I have this dance?" Then he offered his hand. And smiled at him and accepted it.
Dinala niya ako sa dancefloor. Nilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at siya naman ay sa bewang ko. We started swaying slowly. Napalunok ako dahil nakatitig sakin si Ken. Ano ba naman 'to! Ken, nakakailang ha.
BINABASA MO ANG
His Time Should Be Mine [Monterialle Series #2] ON-HOLD
Teen FictionAlam niyo yung nakakakilig? 'Yung nagkaboyfriend ka ng matagal mo ng mahal, 'the boy of your dreams' ika nga ng iba. Like, what the chocolate fudge diba?! Daig mo pa ang naka-jackpot sa It's Showtime! Pero alam niyo ba yung meaning ng NAKAKAINIS? "...