[13] Goodbye, Ken

39 0 0
                                    

Naupo ako sa kama ko at inisip ang mga nangyari kanina lang. Naiiyak na naman ako. Bakit kasi ganun? Maayos naman kasi talaga dapat. Ako lang itong maarte. Tsk, ngayon ko lang naramdaman ang pagsisisi.. Bakit ganun? :(

Mahal ko siya.

Mahal ko pa siya.

"Ang tanga tanga mo, Julia Chen!" I said then slapped myself. Damn this.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang paghikbi. At pagpasok ng mga ala-ala niya sa isip ko.

"Ken.." I sobbed. "I never even would have let you go."

"I'm sorry... this will be the last. Kakalimutan na kita." Sabi ko sa sarili ko. Tama. Hindi dapat ako nagddrama ng ganito. Naisip ko lang, hindi naman naging kami para malungkot ako ng sobra.

Oo nga't ako ang dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon namin ngayon. Pero.. I can't blame myself though, natakot lang naman ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Magiging masaya ka rin kay Tash." Sabi ko sabay ngiti.

***

Nilalakad ko ngayon ang mahabang kalsada nitong subdivision, sabi kasi ni mommy magpa-araw naman daw ako. So eto na nga e lumabas na ako.

Sa di kalayuan, parang nakita ko si Peach na may kausap na babae, hindi ko lang makita dahil nakatalikod eto sakin. At kasi syempre naglalakad ako, palapit ako nang palapit sakanila.

"I didn't like what you did, Tash." Rinig kong sabi ni Peach. Oh, she's talking to Ken's girlfriend pala.

"Alright. But don't expect me to apologize 'cause I don't do that."

"Okay. Dahil kahit naman mag sorry ka-- hindi kita papatawarin. Duh!"

Parang natatawa ako. Hanggang ngayon pala ay may pagkamataray parin siya.

"Look, Peach. Alam kong ayaw mo sakin----"

"JULIESS?!" Naputol ang sasabihin nung Tash nang isigaw ni Peach ang pangalan ko. Okay. No choice, Julia. Face your bestfriend.

Nilingon ko siya, "Uh, hi Peach." Kaswal na bati ko sakanya. Nagmamadali naman siyang tumakbo palapit sakin at niyakap ako.

"I missed you! Huhu. Kahit kakakita lang natin kahapon, namiss kitang gaga ka!"

"I missed you, too." I said as I hugged her back.

Humiwalay siya at tinitigan ako, "Is it just me or talagang namamayat ka?" Nag-iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang pisngi ako at hinarap muli ako sakanya. "May sakit ka ba, Julia?"

"Wala ah!" Sabay tawa ko. "Hindi lang ako lumalabas ng bahay at hindi ako kumakain masyado that's why." Then I smiled.

"Ahem." Napairap si Peach at tumingin kay Tash na nasa likod niya. "So Julia. The ex?" Sabi nung Tash at medyo lumapit sakin.

"Bastos mo naman talaga. Kita mong nag-uusap!"

"Uy Peach, kalma lang." sabi ko at humarap kay Tash. "Uhm no, hindi ako ex ni Ken."

"May sinabi ba akong si Ken ang ex mo?" Sarcastic na sabi niya. Sabay sabay kaming natahimik nang may malalim na boses ang nagsalita mula sa likod ko.

"Get the fuck outta here, Tash."

Sht. Ken.

"But-----"

"Narinig mo naman siya Tashanah! Alis na daw shoo!" Pagtataboy sakanya ni Peach. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.

Walang sabi-sabi'y umalis si Tash.

"Pagkatapos niyong mag-usap, pumasok kana Peach."

"Aalis kami ni Julia. Diba??" Then she wiggled her brows. Napatango nalang ako.

"Is that so? Uhm. Pwede mo ba kaming iwan saglit, Peach? We need to talk."

Napalunok ako. Umaasang hindi papayag si Peach. Huhuhu.

"Oh sure! Pasok muna ako." Then she exited. Ilang segundo lang ay may naramdaman akong dalawang brasong yumakap saakin mula sa likod.

"Uhm... Ken.." I uttered.

"Sshh." Sabi niya. "Let me hug you. No, let me hug you one last time. Promise Julia, this will be the last. I just missed you so damn much."

Hindi ko napigilan ang pagluha ko at ang mga sunod sunod na hikbi mula sa labi ko.

"I love you so much and I'm willing to let you go if that will make you happy. I always wanted to make you happy.."

"Ken---"

"Shh. Let me say this to you.. minahal kita, mahal parin kita at mas lalo kitang minamahal." Naramdaman ko ang luha niya sa balikat ko..

Sht.. My Ken is crying because of me.

"But you don't want me in your life.. and I understand that.. I'm willing to get hurt, maging masaya ka lang."

Dahan-dahan niya akong hinarap sakanya at pinunasan ang luha ko. "Gusto ko, ito na ang huling beses na iiyak ka dahil sa akin." He said "Forget about me, Julia. Forget about everything we had. And I just want to tell you.."

He slowly planted a soft kiss on my forehead. Napapikit ako.

"Naging masaya ako kasama ka kahit hindi ka naging akin."

"Goodbye, Julia.."

The next thing I know is ako nalang mag isa ang nakatayo sa kalsada. Napaupo ako. Wala na talaga. Wala na...

Goodbye, Ken.

His Time Should Be Mine [Monterialle Series #2] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon