Julia's POV
"Oy, Mrs. Monterialle. Tapos na po tayo," Natatawang sabi sakin ni Lineth. Inirapan ko lang siya saka ko inayos ang bag ko. Grr. Kahit kinikilig ako, nangingibabaw parin sakin ang pagkainis. Ang tanga ko kasi! Hindi ko man lang tiningnan itong t-shirt bago ko isuot.
"I'll go ahead." Tipid na sabi ko sakanila at umalis na sa booth namin. Mygosh. Feeling ko, namumula na naman ang pisngi ko. Ganito kasi ako kapag naiinitan. Rosy cheeks. Ye know.
I was walking along the grounds when somebody grabbed my backpack and pulled me. "Hey!" I yelled. "What the hell are you doing?!"
Huminto siya at tiningnan ako. "You're part of the Ripped Club, right?" Tanong niya. Nangunot ang noo ko. Wait, sino na nga 'to ulit? "Jason." Tipid na sabi niya.
I nodded. "Bakit?"
"Pinapasundo ka nga pala ni Ken, ikaw pala 'yung Akin niya? Nyahahaha." Medyo nangiti naman ako sa pagtawa niya. How cute.
I looked at my wrist watch. "What the? It's only 3PM! Bakit ang aga?"
Kinamot niya ang batok niya. "Eh, wala naman akong sinabi na pupunta na tayo sa club e. Pupunta kaming mall nila Ken, sumama ka daw."
"Oh. Okay."
**
"Langya, Tan! Ubos na agad 'yang sayo? Takaw mo." Sabi ni Jason habang tinuturo 'yung cup ng ice cream ni Tan. Natawa naman kami. "Oh, bakit 'yung kay Akin hindi yata nababawasan?"
"Tss. 'Wag mo nga siyang tawagin na Akin!" Iritadong sabi ni Ken sabay subo sa kutsara niyang punong-puno ng ice cream. Geez. Ang lamig nun.
"What should we call her? We don't even know her name." Bored na sabi ni Mico. Uh, oo nga naman. Hindi nila ako kilala. Ugh. Feeling ko, OP ako. :(
Matagal kaming natahimik. Ako kinain ko nalang ang ice cream ko. Nandito nga pala kami sa food court, kumakain ng ice cream. Kaming lima nakaupo dito sa isang table. Hay nako, bakit parang na-bobore ako??
"Okay." Napatingin kaming lahat kay Ken. "What's your name?"
My eyes widened. "S..seriously? Gusto mo na malaman?" Tanong ko ang he nodded. Oh my. Na-excite naman yata akong sabihin sakanya ang pangalan ko.
"Teka, hindi mo alam ang pangalan niya?!" Mico asked loudly.
"I'm Julia." Sabi ko at ngumiti. Napatingin ako kay Ken, nakatakip siya ng tenga habang bumubulong na parang baliw. "Seriously?" Iritadong sabi ko.
"Hi, Juls. You look gorgeous." Tapos kinindatan ako nung Tan. I think, I blushed. "You're blushing." Then he bit his lower lip.
"Uy, Julia. 'Wag kang mahiya sa amin! Mababait kami noh! Medyo manyak lang pero mababait naman kami. Ahihi." Sabi nung Jason. Ang cute niya ha.
"Ang ganda mo." Said Tan. Ugh, bakit kanina pa niya ako kino-compliment? Crush niya ba ako? Eeeeeh! Bakit ganon? Harot mo, Julia!
"Thanks," Sabi ko nalang.
"Tan, better to shut up." Malamig na sabi ni Ken habang nilalaro-laro 'yung ice cream niya. Iniikot-ikot na nga lang niya ang kutsara niya dito na para bang wala siyang balak kainin 'to. Uh? May I know what's happening to him?
"Ken, bakit?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Okaaaaaay. Sabi ko nga, bad mood niya. Ngumuso ako at pinag-krus ang braso ko.
"'Wag mong pansinin 'yan, first day niya eh. Nyahahaha!" Jason said that made me confused.
"First day saan?"
"Or maybe.." Singit ni Mico. "He's you know," tapos kumindat siya.
"Mico. Gusto mo ipasugod kita kay Peach at tuluyan ka nang niyang kalbuhin? Nang mawala na 'yang pugad mo sa ulo." Ken said in a warning tone.
"Nah, I won't let her."
"Alam niyo guys, ang mga Monterialle, may lahing jello 'yang mga 'yan! Kaya alam na kung bakit badtrip si Manuelito!" Tapos nakipag-apir si Tan kay Jason saka sila humalakhak. "Ikaw, Juls, gets mo?" Then he wiggled his brows. I just shrugged.
"I didn't." I said while chuckling. "But I love jellos."
Nagkatinginan sila. "Talaga??"
I nodded. "Oo. Masarap naman 'yun ah?" Sabi ko. Humalakhak si Jason at si Mico tapos nagtaas-baba ng kilay.
"Alam na this." Tan said.
"Tan, bumili ka nga ng pizza sa baba, dali na." Ken said in irritated tone. Uh, pansin ko kanina pa siya ganyan? May problema ba siya?
"Tss. Tara na nga Mico, tayo nalang." Tumayo na si Ken at sumunod naman sakanya si Mico. So, naiwan ako dito kasama sila Jason at Tan.
"Uh, anong year na kayo?" Tanong ko.
"Third year. Magkakasing-edad lang tayo dito noh! Grabe, mukha na ba kaming matatanda? Ang sheket nemen." Sabi ni Tan habang humahawak sa dibdib niya habang nakapikit.
"Adik mo!" I said while laughing and threw the tissue on his face. Dumilat naman siya at tiningnan ako ng malalim sa mata saka kumindat. I felt goosebumps. >_<
"Hoy, Tan. Lagot ka kay Ken!" Sabi ni Jason at siniko si Tan. Halaaaa.
"Bakit? Wala naman akong ginagawa,"
"Anong wala? Kulang nalang lamunin mo si Julia sa mga titig mo eh. Nako, susumbong talaga kita kay Monterialle."
I felt my phone vibrated. Oh, a message from Ken. Binigay ko nga pala sakanya 'to kahapon.
From: Kenneth^^
Tara dito sa likod ng mall. Iwan mo na yung dalawa diyan.
I took a deep breath and faced the two. "Uy, alis muna ako, pinapapunta kasi ako ni Ken sa likod eh, thank you ha?" Sabi ko at tumayo na.
"Julia." Tawag sakin ni Tan. "Nice meeting you." I smiled and nodded before getting away.
***
"Ang tagal mo." Reklamo ni Ken pagdating nang makita niya ako. "Kanina pa ako naghihintay."
"Tsk. Sorry ha? Nasa third floor kaya ako at ang daming tao!" Hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya lang ang kamay ko at hinila ako papunta sa harap ng dagat. I looked at him, "Ken, hindi ba tayo pupunta sa club?"
He shook his head. "Nandun na si Mico at pinapunta ko narin sila Tan. Dito muna tayo, mas tahimik dito eh, maingay 'dun."
Natawa ako. "Wow ha, legal ba 'yun? Baka naman illegal 'yun ha! Ayokong ma-aresto!" I hissed.
He shot me the look. "Of course, it's legal. May pirma ni daddy 'yun!" He proudly said and placed his arm across my shoulder. Okay..?
"Kamusta sayo si Tan?" Out of the blue niyang tanong.
"Huh?" Tanong ko. "Bat biglang nasingit si Tan?"
"How do you find him..." He trailed off. "Julia..?"
I gasped. 'Yung tono niya sa pagbigkas ng pangalan ko. It's so sweet. Ang lambing, I even felt the butterflies in my stomach. Alam niya na..
"Uhh.. I find him-- cute?" Tumingin siya sakin habang nakakunot ang noo. "But, also arrogant. Parang nayayabangan ako sa aura niya." I admit.
"Yeah." Tugon naman niya, "Eh ako? How do you find me?"
I looked at him. "I find you annoying." Then I burst into laughter. Siya naman itong sumimangot sakin. "Joke lang. I find you handsome and funny, satisfied na??"
He smiled. "Thanks,"
"Ako ba??" Tanong ko.
Bumitaw siya at tumingin sakin. "Julia," He started. "You're nice, masiyahin, iyakin pero may funny side. You're cute. Simple ka lang pero pansinin ka, tapos may pagka-makulit din. At.. Maganda ka," He said while looking deeply into my eyes. Gosh. Bakit ako kinikilig? Kinikilig ako! Kinilikig po ako! "Nasayo na lahat ng gusto ko sa babae." Dagdag pa niya na lalong nakadagdag sa kilig na nararamdaman ko.
He smiled. "Sana.. sana. sana---" He paused. Grr. Nabitin ako! Bakit hindi pa niya sabihin? Sana sana sana ano? "Sana, balang araw... makahanap ako ng katulad mo."
O to the U to the C to the H.
OUCH. </3
BINABASA MO ANG
His Time Should Be Mine [Monterialle Series #2] ON-HOLD
Teen FictionAlam niyo yung nakakakilig? 'Yung nagkaboyfriend ka ng matagal mo ng mahal, 'the boy of your dreams' ika nga ng iba. Like, what the chocolate fudge diba?! Daig mo pa ang naka-jackpot sa It's Showtime! Pero alam niyo ba yung meaning ng NAKAKAINIS? "...