Prologue
"Jey, let's talk." He said while standing in front of me.
Siguro kung hindi lang ako nahihiya sa ibang tao na nandito, na kasalukuyang pinapanood kami, siguro kanina ko pa namura 'tong lalaking 'to
Hindi ko siya pinansin at naglakad ako palabas ng canteen.
I was about to get my phone nang may humablot sa braso ko.
Great. Just great. Siya nanaman.
"Ano bang problema mo?"
Asar na ko sa lalaking 'to pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.Ayokong gumawa ng eksena at mas lalong ayokong ipahiya yung sarili ko sa harap ng maraming tao.
"Don't turn your back on me." Inis na sabi nito.
Loko pala 'tong isang 'to. Hanep napaka-kapal ng mukha, dinaig pa 'ko.
Like what the fvck!? Don't turn your back on me? Sino ba siya sa tingin niya?
Onti na lang maaasar na ko.
"Why Serge? Sino ka ba sa tingin mo?" I smiled at him.
Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak nya sa braso ko.
"Let go of me dude, you're hurting me." Tinabig ko na yung kamay nya dahil mukhang wala siyang balak na alisin ito.
"Jey!" Sigaw nya sakin.
Sige lang di kita pipigilan. Kung gusto mong ipahiya sarili mo, then sarilihin mo, hindi yung idadamay mo ko. Leche!
"Pwede ba, hinayaan na kita sa gusto mo, hindi kita pinigilan. Kaya please tigilan mo na ko." Kalmadong sabi ko.
Nagulat ako nang bigla niya ulit akong hawakan sa braso but this time dalawang braso na yung hinawakan niya and it hurts. Bwiset talaga 'tong isang 'to.
"Jey..." Huminga siya ng malalim.
He is about to continue nang biglang....
*BOOOOOGSH*
May sumapak kay Serge at kasalukuyan siyang naka-upo sa lapag, gusto ko siyang tawanan because he looks so stupid, especially right now, pero bigla na lang ako hinila palayo ng lalaking hindi ko kilala, I guess siya yung sumapak kay Serge.
What a scene? Di ba nahihiya 'tong lalaking 'to. Madaming nakakita sa ginawa nya, foundation day ngayon dito sa school kaya nakakalat ang mga estudyante. Hanggat maaari ayoko talagang gumawa ng eksena dahil ayokong pag-usapan ako but I think impossible nang mangyari yon dahil sa isang lalaking pakialamero.
Himinto siya sa paglalakad. Napansin kong nasa parking lot kami ng school at napansin ko rin na hawak nya yung kamay ko tapos yung kamay nya nanginginig pa. Problema ne'to?
"Baka gusto mong bitawan yung kamay ko?" Nasabi ko na lang parang wala kasi siya sa sarili niya.
Agad naman siyang bumitaw at humarap sakin at doon ko napansin na mukhang kinakabahan siya, napansin ko rin yung mukha niya. He has the looks but not my type.
"J-j-jamie, o-ok-okay ka l-lang ba?" Utal-utal na sabi nito.
I looked at him once again. "What's your problem? You look nervous?"
"H-ha? Ahh k-kasi..." Yumuko siya bigla. "Na-nahihiya ako sayo."
I knew this guy. Siya yung lalaking lagi akong sinusundan kahit saan ako magpunta. Hays.
"Anong trip mo at bakit mo sinaktan si Serge?" Tanong ko sa kanya.
Don't get me wrong here. Hindi ko pinagtatanggol si Serge, let's say nag-alala lang ako kasi baka kung anong gawin ni Serge dito sa lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...