Chapter 7
Jamie's POV
Tatlong oras na rin yung lumipas nang simulan kong libutin 'tong village. Wala rin akong nagawa kundi mag-lakad lakad, no choice. Ayoko pa talagang umuwi. And pano ko nalaman yung oras? Uhm, nagtanong ako sa babaeng nakasalubong kanina.
'Wow, kanina pa ko naglalakad pero di man lang ako nakaramdam ng pagod' sabi ko sa utak ko.
"Manhid na siguro ko." Natatawang sabi ko sa sarili ko kaya napatingin sakin yung lalaking teenager na malapit sa kinatatayuan ko.
Tss, makatingin naman 'to. Nginitian ko na lang siya. "Goodmorning." Sabi ko saka ko siya tinalikuran.
Uhhhh. Gutom na ko.
Agad akong nagpunta dun sa bakery na nasa tapat ko.
The f--wala nga pala kong dalang pera. Tss.
Napa-ngiti na lang ulit ako at pumunta parin ako sa bakery.
Walang makakapigil sakin, gutom ako.
"Uhm, miss? Magkano 'to?" Tinuro ko yung tinapay na hindi ko alam yung pangalan, well ngayon ko lang kasi nakita yung tinapay na 'to. Hindi ko ma-describe yung itsura nung tinapay, mukhang ewan kasi pero mukha namang edible, so why bother?
"20 pesos po, Ma'am" naka-ngiting sagot nung babae.
Bente lang---say what? Bente? Yung mukhang ewan na tinapay na yon, 20 pesos?
Wth, ano bang nangyayari sa mundong 'to? Kung ano anong tinapay na lang ba yung ibebenta nila?
Arg! Jamie, may gana ka pang mag-inarte sa lagay mong yan?
"Miss, pabili na lang ng isa." Wala e, gutom na ko. Kahit mukhang ewan pa yang tinapay na yan, pagkain pa rin yan and again, mukha namang edible. "Thanks." Sabi ko nang iabot sakin nung babae yung plastik na may lamang tinapay.
Kumagat muna ko ng maliit, to make sure kung masarap...hanggang sa naubos ko na.
I was about to leave nang mag-salita yung babae. "Ma'am, bayad niyo po?"
Nginitian ko siya. "Miss, dito lang din naman ako nakatira village na 'to. Lara-Lareza Console. Paki-singil na lang si Jillian Lareza." Sabi ko saka umalis na.
Yung Lara-Lareza Console, yan yung pangalan ng bahay namin. Actually lahat ng bahay dito, naka-pangalan sa apelyido ng may-ari, gaya nung Lara-Lareza, kaya dalawa yung pangalan nung bahay kasi dalawa din yung may ari, si Papa pati si Tita (Mama ni Jill, btw magkapatid ni Papa pati si Tita, that's why share sila sa bahay). Then yung Console, yun yung pangalan ng street. Another example, dito rin kasi sila Oliver kaya, Evasco Morice, yung sa kanila.
Gaya nga ng sabi ko, magkapatid si Papa and yung Mama ni Jill, so pinsan ko si Jill. And Kevin is Jillian's brother. Pano naging kami ni Kevin? That's because adopted yung Mama nila Jill, so hindi ko talaga sila kadugo, kaya naging kami ni Kevin.
And to be honest, si Jill lang yung tinuturing kong pinsan sa kanilang dalawa, si Kevin nevermind na lang.
========================
Since nakaramdam ako ng antok naisipan ko ng umuwi.
In the first place, sino ba kasing nag-sabi na lumabas ako ng bahay?"I'm home." Simpleng sabi ko at halatang nagulat si Jill sa pagpasok ko.
Naka-upo siya dun sa sofa at talagang namilog yung mata niya nang makita niya ko.
Napa-ngiti ako pero saglit lang, nakita ko kasi si Mama na katabi lang ni Jill.
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...