Chapter 24
Jamie's POV
Halos hindi ako naka-tulog nang maayos.
Hindi ko kasi maisip kung bakit ko hinayaan na pumayag sa gusto niya?
Oh well, Jamie. You're too stupid.
"Jey, may problema ba?" Tanong ni Mau.
Kakatapos lang ng last meeting para sa araw na 'to at nandito kami ngayon sa resto ng resort.
Kasama namin si Mau and yung mag-kapatid na Ocampo.
Ocampo. That means, Dani and nuts.
But now...hindi man lang kumikibo si nuts. Well, good for me. Walang sakit sa ulo ngayon.
"Jamie! May problema ka ba?" Medyo malakas na yung boses ni Mau at doon ko lang namalayan na masyado pala ako nag-iisip ng kung ano.
Umiling ako nang bahagya. "I'm fine. Napagod lang." Palusot ko.
At buti na lang ay pwede kong gawing palusot ang meeting kanina.
"You should rest, girl." Singit ni Dani na naka-ngiti. Napa-tingin ako sa gawi niya at nakita ko rin si nuts pero hindi man lang siya tumitingin sakin.
Problema niya? Tss.
At literal na nanlaki ang mata ko nang maaninag ko si Tita Raquel. Mama ni Serge.
Papalapit siya sa table namin. I can't believe this.
Akala ko ay si Serge lang ang nandito.
"Hi there, ladies and gentlemen." She smiled at saktong nasa akin ang tingin niya.
"Oh? My sweatheart, Jamie." aniya at lumapit sakin. Tumayo ako para mag-beso.
Akala ko ay manganga-musta lang siya pero hindi..
"Can you join us there?" Inosenteng tanong niya at tinuro ang table kung nasaan si Serge at ang Papa niya.
Tumingin muna ako kay Jill at halatang gusto niya kong pigilan.
Nag-buntong hininga na lang ako at tumango sa gusto ni Tita Raquel.
Kahit labag sa loob ko ay sumunod na lang ako sa gusto niya.
"Excuse us." Paalam ni Tita at inakay ako papunta sa table nila.
Tumabi ako sa tabi ni Serge.
Do I have a choice?
Yes, I have. Pwede naman akong tumanggi pero hindi ko ginawa.
Nakakainis.
"It's been a long year, sweatheart." Sarkastikong sabi niya.
Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.
Ang bilis niya talaga magpalit ng anyo. Kanina lang ay sobrang bait niya nang lumapit siya samin at ngayon na ako na lang ang kaharap niya ay lumabas na ang totoong siya.
"I'm fine, Tita." Mahinahong sabi ko.
Hindi ko siya papatulan. Kumapara sa kanya ay may class ako.
"Sa ginawa mo ay may gana ka pang sumagot ng ganyan. Hindi ka na nahiya." Dagdag niya pa. At talagang sinadya niyang lakasan para marinig ng iba.
Ano bang alam nila? Ni hindi ko nga alam kung bakit ganito na lang ang galit niya sakin. Samantalang yang anak niya ang may kasalanan.
"Why would I? Dapat ko bang ikahiya ang anak niyo? If yes, then matagal na." Pinili kong kumalma.
Napangiti siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Sinaktan mo ang anak ko at ganyan ka pa?!" Tumayo siya at dinuro ako. "Kung meron mang dapat ikahiya dito ay ikaw yon!"
May kung anong kumalabog sa dibdib ko.
Konti pa, my dear. Be yourself. Don't let others offend you and if they already did don't show it.
Pa mukhang mahirap naman yon.
"Ma! Stop it!" Sigaw ni Serge na nagpapalala sa nararamdaman ko ngayon.
I want to hear something.
"Son, why are you like that?!" Galit paring aniya.
"Just stop!" Sigaw ulit ni Serge.
"Let her." Wala sa sariling sabi ko.
"Ang lakas talaga ng loob mo!" Mas malakas na ang boses niya ngayon.
Napatayo na ko sa kina-uupuan ko. Akmang hahawakan ako ni Serge pero agad kong hinawi ang kamay niya.
"Ano ho bang alam niyo tungkol samin?" Pigil inis na sabi ko kaya ay nagkaroon siya ng dahilan para ngumisi. Yung nakakairita.
"Ikaw? Anong alam mo, sweatheart?" Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko.
"Lahat. Alam ko lahat ng ginawa sakin ng anak niyo." Inis na sabi ko at ngumiti nanaman siya.
Tinitigan niya ko sa mata. "Ikaw? Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Humina ang tono niya at mas lumapit pa siya ng bahagya. Hindi ako naka-sagot. "Wala kang alam, sweatheart. You know why?" Ngumiti siya na siyang nagpa-kaba sakin. "Kasi sarili mo lang ang nakikita mo. Iniisip mo na ikaw lang ang nasasaktan. Kasi yang nararamdaman mo lang ang binibigyang pansin mo. Paano naman yung mga taong nasa paligid mo?"
Ano? Sarili ko lang? T-totoo.
"Kaya walang nagmamahal sayo ng totoo, dahil mismo sayo. Dahil sarili mo ang problema mo." Aniya at dumapo ang palad niya sa pisngi ko.
"Jamie!" Rinig kong sigaw ni Jill.
Narmdaman ko ang pag-tulo ng luha ko.
Kaya niya ba ko iniwan? Kaya ba sinabi na lang ni Kevin na 'ayoko na'? Ganoon ba?
Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko at may nag-salita ngunit hindi ko matandaan kung kaninong boses yon.
"Jamie, let's go." Aniya.
Imbis na bumaling sa kung sino man yon ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at umalis sa eksena.
Ramdam ko ang takot sa sistema ko.
Hindi ko na alam kung nasaan ako basta ay wala na ko sa hotel o sa lobby.
"Jamie!" Hindi ko alam kung bakit sa bawat banggit niya sa pangalan ko ay nasasaktan ako.
Nakakasawa. Parati ko na lang nararamdaman 'to. Wala na bang katapusan lahat?
"Jamie! Where are you going?!" Aniya nang mahawakan niya ko sa braso.
Hinarap ko siya at hindi na nag-alinlangan.
"Ano pa bang kailangan mo sakin, Serge? Nasaktan mo na ko! Napahiya! Ano pa? Ano pa bang kulang?!" Hingal na sabi niya.
Kinalma niya ang sarili niya at tinignan ako sa mata. "Do you really want to know?" Bakas sa tono niya ang pagdadalawang isip.
"Hindi ba't gusto mong malaman ko? Kailan mo pa ba talagang ipamukha sakin lahat ng ginawa mo. Are you crazy?!" Inis na sabi ko.
Napa-ngiti siya ng mapait. "You know what? Totoo. Sarili mo lang ang nakikita mo. Jamie, ako. Hindi mo man lang ako nakita." May luhang tumulo sa mata niya at nakikita kong...nasasaktan siya.
Bakit ganito?
========================
A/N: wahh medyo off yung ud na 'to haha xd ewan ko ba
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...