Chapter 20

12 3 2
                                    

Chapter 20

Jamie's POV

Lumabas ako ng unit namin ni Jill at nagtungo sa tapat ng unit kung nasaan si Keith.

Nag-door bell ako. Wag kayong ano dyan, may door bell lahat ng unit dito. 5 star nga kasi diba.

Kumunot ang noo ko nang hindi bumukas yung pinto.

Bumaling ako sa phone ko at tinawagan si Keith. Kasabay non ay sunod sunod kong pinindot yung door bell. At hindi sinasagot ni Keith yung tawag.

Nang bumukas yung pinto ay...

"Are you nuts, Kei--" kusa akong napatigil nang hindi si Keith yung nagbukas nung pinto. Literal na napanganga ko.

"Oh? Akalain mong pinagtatagpo talaga tayo." Naka-ngising aniya. "Nice to see you...again.."

To be honest, everytime na makikita ko siya. I feel very awkward everytime.

"Jey!" Boses ni Keith mula sa loob.

Tumabi ng bahagya 'tong si...uhhh nakalimutan ko yung pangalan niya. Basta pinadaan niya ko para makapasok sa loob.

At nakita ko si Keith na prenteng naka-upo sa mahabang sofa. Tumabi naman sa kanya yung lalaking nagbukas nung pinto.

Umupo ako sa single sofa at bumaling sa kanilang dalawa. "You know him, Keith?" Kaswal na tanong ko pero nakita ko kung pano sabay na nag-form ng ngisi yung mga labi nila. Tumango naman si Keith bilang sagot.

"Hey nuts!" Tawag ko dun sa lalaki at seryoso siyang nakatingin sakin pero naka-ngiti siya.

"May pangalan ako, Miss." Na-asar ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Ewan ko ba, naiirita talaga ko sa lalaking yan.

"Whatever. Well, I have a name too." Inirapan ko siya pero hindi nakaligtas yung ngiti niya. Nakita ko yon bago ko umirap.

"Whatever." Panggagaya niya.

Great. He's like Oliver. Pero malaki yung pagkaka-iba nila. This guy is more handsome than Oli. Oliver's cute but he's hot. Ang this guy...he's both handsome and hot.

The fvck? Sinabi ko ba talagang handsome? Hot? Oh, whatever!

Hindi ko na inusisa kung anong relasyon ng lalaking yon kila Oli. Well, it's obvious that they are friends. Tatanungin ko na lang si Oli or Owen.

Binigay sakin ni Keith yung kopya ng schedule ng lahat ng meeting.

"Ang aga naman nito?" Reklamo ko nang makita ko yung unang activity na gagawin namin. Magtu-tour kami sa kabilang isla ng 6 ng umaga until 11am. Then lunch. After that tour ulit and that time sa buong resort na and so on.

"Pwede ka namang hindi sumama, walang pumipilit sayo." Sabat nung unggoy na katabi ni Keith.

'Fvck you! I'm not talking to you!' sabi ko na lang sa isip ko.

Tumawa muna si Keith bago sumagot. "Tito suggested that. Besides, gusto niya munang i-enjoy niyo ni Jill yung lugar bago mag-simula yung mga meeting."

Pinatong ko sa mesa yung schedule at bumaling ulit kay Keith.

"Ano bang gagawin natin sa business trip na 'to?" Takhang tanong ko.

He smiled. "We just need to attend all the meetings and participate in their activities then automatic they will invest in our companies. Even sa resort namin sa Tagaytay and sa kumpanya ng mga Lara and Lareza." Na-excite ako sa sinabi niya.

I will make sure na ma-eenjoy talaga ni Jill 'tong business trip na 'to.

========================

Sa aming dalawa ni Jill ay siya ang mas naunang nagising.

Excited. Siya pa nga yung humila sakin papunta sa sea side.

Nandoon na ang tatlong malaking bangka.

Sa dalawang bangka ay may mga nakasakay na. At yung nasa gitna ay wala, maliban dun sa dalawang guide na nandon at dalawang tao na hindi ko makita yung mukha dahil medyo madilim pa.

"Lara and Lareza, right?" Lumapit samin yung isang staff dun sa hotel.

"Yes." Sagot ni Jill at tumango na lang ako.

"Nandoon na po sa gitnang bangka si Mr. Monteverde kasama yung kaibigan niyo. Rinentahan po iyon ni Mr. Ocampo para sa inyong apat."

Sinong kaibigan? Don't tell me yung lalaking kasama ni Keith sa unit yung tinutukoy nito. At sino naman yang si Mr. Ocampo?

Well, that guys is not my friend. He's just a nut.

Hinatid kami nung staff malapit sa bangka. Nag-pasalamat si Jill at ako ay nginitian ko na lang yung staff.

Nag-alangan akong tumungtong dahil takot akong sumakay sa bangka. At mas lalong takot ako sa dagat.

Naunang umakyat si Jill kasunod niya lang ako. Nang maka-tungtong siya ay umalog yung bangka.

Shit! Nanlamig ako.

Medyo nataranta ko kasi hindi pa ko nakakatayo ng maayos. Nag-hanap ako ng makakapitan pero...

"Siguro kung hindi pa ko lumapit malamang kanina ka pa nag-swimming.." sabi ne'tong si nuts. At doon ko lang namalayan na nakahawak siya sa likod ko.

Medyo na-ilang ako. Naka-shoulder crop top ako kaya ay medyo nakalapat yung kamay niya sa mismong likod ko. Kinilabutan ako.

Kahit ayoko ay kumapit ako sa braso niya para makatayo ng maayos. Nag-iwas ako ng tingin. "Thank you.."

"Welcome." kahit hindi ko siya tignan ay alam kong naka-ngiti siya.

Umupo ako sa tabi ni Jill, sa tapat niya si Keith at sa tabi ni Keith ay si nuts. Sorry, nuts muna tawag ko sa kanya. Di ko pa naman kasi siya kilala.

"Girl, okay ka lang?" Alalang tanong ni Jill, tumango na lang ako dahil hindi pa rin nawawala yung ilang ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin yung kamay ni nuts sa likod ko.

"Sorry ah, di ko naman alam na aalog yung bangka." This time ay ngumiti na siya. Kapag ganyan ay alam kong nangangasar na yang si Jill.

Kahit na hindi ako mapakali ay pinilit kong sagutin si Jill. "Okay lang, Jillian. Alam ko namang may mga times talaga na nagiging stupid ka.." bumaling ako kay Keith. "Keith, pwede bang wag na sumama?" Nahihiyang tanong ko.

"Why? Inaatake ka na ba ng takot?" Kunot noong tanong niya.

"Takot ka sa dagat?" Singit ne'tong ni nuts. Napa-irap ako nang ngumiti siya. "Kaya pala nanginginig pa yung kamay mo kanina."

Napansin niya pa yon? Lahat na lang ba binibigyang pansin niya?

"Ano ngayon?" Pagtataray ko sa kanya. Basta pag-dating sa lalaking yan hindi ko mapigilang mairita.

"Wala lang. Mas gusto kong nakikitang natatakot ka kesa makitang nagtataray ka." Seryosong sabi niya at kaming tatlo nina Keith ay napa-tanga dahil sa sinabi nitong si nuts.

So natutuwa siyang kapag nag-mumukha akong mahina? What a guy.

Ni sarili sa sarili ko nga ayokong maging mahina.

"Wow..sobrang straight to the point siya.." pabulong na sabi ni Jill pero sa tingin ko ay narinig din yon nila Keith.

Hindi ko na lang pinansin at kumapit sa braso ni Jill. Inaatake na ko ng takot dahil pinaandar na ni Manong yung bangka.

========================

A/N: okay? Nami-miss ko yung exposure ni Oli and Owen haha but still kailangang tiisin dahil si Serge and si nuts muna ang bibida sa mga susunod na chapters. (malalaman niyo na yung pangalan ni nuts sa next next next basta next chapter lol)
Btw, sureness overload na haha. Nakapag-decide na ko kung sino ang magiging lalaki ni Jamie-girl charr.
Thank you!

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon