Chapter 22
Jamie's POV
Nang makabalik na kami sa Villa Mactan Resort ay tatlong oras kaming nag-pahinga.
Ang sunod na schedule namin nila Keith ay party together with all the business guests. Binigyan kami ng dalawang oras para makapag-ayos. 6pm ang umpisa ng party. At ngayon ay mayroon na lang kaming 30 minutes.
"Jamie, tulungan mo ko! Ayaw masara ng zipper sa likod!" Sigaw ni Jill mula sa cr.
Kanina niya pa ko inuutusan. Nasayahan kasi siya sa pag-tulog at kakagising niya lang. Samantalang ako kanina pa ko naka-ayos.
Tamad ako pumunta sa cr at inirapan siya nang makita ko siya.
"Ang taba mo kasi kaya hindi masara yang zipper." Asar ko sa kanya.
"Anong mataba?! Excuse me! Hindi ako mataba!" Napa-ngiti ako nang makita ko ang mukha niyang iritado.
"Whatever." Hinawi ko ang buhok ko saka lumapit sa kanya.
Tsk! Ang hirap ngang isara. Kain kasi siya ng kain.
"Pwede bang wag ka munang huminga, Jillian." Utos ko sa kanya na sinunod naman niya.
Nataas ko na sa kalahati yung zipper nang biglang huminga siya kaya na-stuck sa bandang gitna yung zipper.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Aray naman! Kakalbuhin kita kapag bumakat yang kamay mo sa balikat ko!"
"Ang kulit mo kasi! Sinabi ko bang huminga ka ha?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw kaya, wag kang huminga!" Inirapan niya ako. "Hmp! Kainis 'to!"
"Just do it, Jillian para matapos na." Ginawa naman niya ulit at naisara ko na nang maayos yung zipper sa likod.
Pareho kaming naka-black dress. Kay Jill ay above knee dress na walang strap at de-zipper sa likod ang style.
Yung sakin ay one inch below knee at manipis lang ang strap.
"Girl, ang simple naman ng suot mo." Nag-pout pa siya.
Simple? Well.
"Atleast maganda pa rin ako." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Di tulad mo na ang ganda nga ng suot pero panget naman." Natawa ako at napa-upo ako sa dulo ng kama.
"Arg! Kainis naman, Jamie!" Tinalikuran niya ko at nag-marsta siya palabas ng unit namin.
Wow. May gana pa siyang mag-inarte ng ganyan. Naka-heels pa naman siya. Madapa sana yang babaitang yan.
I just want to make her happy. Hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari sa kanila ni Keith sa lobby.
That was the first time na nakita kong may luhang pumatak sa mata ni Jill na walang hagulgol na kasama.
Madalas ay umiiyak siya ng may hagulgol pero mababaw lang ang dahilan. Pero yung kanina...yung luha na yon. Pumatak ng isang beses at marami pang nakatago sa loob niya na hindi niya kayang ilabas.
Inayos ko ang sarili ko at sinundan ko na lang si Jill. Dahan dahan lang akong mag-lakad, hindi ako sanay sa heels kaya tiis ganda na lang.
========================
"Good evening, everyone." Sabi ng MC na kilalang kilala ko ang boses. Si Maureen.
She's here? Yeah, I forgot. She's a Monteverde after all, hindi lang siguro sinabi ni Keith na nandito rin si Mau. Hindi rin naman ako nag-tanong.
Lumingon ako kay Keith para sana mag-tanong kaya lang ay hindi natuloy nang mapansin kong mag-katabi sila ni Jill. Ang awkward at the same time wala silang kibuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/69839684-288-k429057.jpg)
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...