Chapter 21
Jamie's POV
Nang makarating kami sa kabilang isla ay medyo kumalma na ko.
Halos isang oras din ang byahe.
"Wow! Ang ganda naman dito!" Sigaw ni Jill and note naka-baba na sila sa bangka at ako naiwan ako sa bangka namin.
Tumayo ako at baba sana kaso gumagalaw yung bangka kaya ay nag-dadalawang isip ako kung bababa ba ko.
Huminga ko ng malalim at hinakbang ko na ang isa kong paa.
Na-relax naman ako nang maitapak ko ang paa ko sa buhangin. At nang itatapak ko na ang isa ko pang paa ay...
Lumubog yung paa ko sa buhangin at matutumba na ko...
"Onti na lang talaga matutuluyan ka na." Sabi niya nang may ngiti sa labi. Naka-hawak siya sa braso ko.
Kahit na na-iilang ako ay ngumiti na lang ako at hinakbang ko ang paa ko na lumubog.
Nakakainis! Bakit ba nangyayari 'to sakin?!
"Kamusta? May balak ba kayong sumunod o mag-papaiwan kayo dyan?" Si Jill at naka-ngiti nanaman siya.
Dun ko lang napansin na nauna nang mag-lakad ang iba papunta sa resort na nasa isla na'to.
Naramdaman ko na lang na binitawan ni nuts yung braso ko at nag-lakad na din siya.
"What?" Tinaasan ko ng kilay si Jill nang mahuli ko siyang naka-tingin ng nakakaloko.
"Ang cute mo Jamie." Sabi niya at nag-lakad na din gaya ni nuts.
Napa-singhap na lang ako at umirap sa kawalan.
Nang makarating sa resort ay may mga bumati samin sa entrance.
"Goodmorning. Welcome to our resort. Florezo Resort." Bati ng isang lalaking staff.
Bumati din pabalik si Jill at ako naman ay tumango na lang. Tinatamad akong magsalita, sayang laway.
"Where's Keith?" Tanong ko kay Jill. Agad naman siyang nagkibit balikat. "Hanapin mo siya." Nakangising sabi ko.
"No way, Jamie. Kung gusto mo ikaw na lang." Akmang tatalikuran niya ko kaya lang ay hinila ko siya sa braso.
"Please..ano kasi.." um-acting ako na luminga-linga at nang makita ko si nuts sa di kalayuan siya na lang ang ginamit kong palusot. "Ano kasi, hindi ko pwede iwan si nuts. Baka mawala siya." Ngumiti ako ng pilit at tinutulak ko siya ng bahagya. "Go na Jillian, find Keith."
Inirapan niya ko at umalis din naman siya. Papayag din naman pala.
At nanlaki yung mata ko nang papalapit sakin si nuts nang may malaking ngisi sa mukha.
Tinalikuran ko siya at lalayo na sana kaya lang ay nahablot niya ko.
"Where are you going? Di mo ko pwedeng iwan, right? Baka mawala ako." Sarkastikong aniya.
Narinig niya yon? The fvck! Oh great! Bakit ko ba siya ginamit na palusot? Kainis naman. Why so stupid, Jamie?
Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Ano ba naman kasi 'tong ginawa ko?
Sana kasi ako na lang yung naghanap kay Keith. Tsk! Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Napa-buntong hininga na lang ako. "Fine, di kita iiwan. Masaya ka na?" Iritadong tanong ko.
At dahil don ay ngumiti siya nang sobrang lawak. Fvck you, nuts! Patayin ka sana ng ngiti mong yan!
"Morethan that. Jamie." Nang banggitin niya ang pangalan ko ay nakaramdam ako ng inis. The hell? What's with me?
![](https://img.wattpad.com/cover/69839684-288-k429057.jpg)
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomansIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...