Chapter 5

23 3 2
                                    

Chapter 5

Jamie's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko...

Dinampot ko yung phone ko at sinilip kung anong oras...alasquatro ng umaga.

"Jey! Wake up! Jamie! Gumising ka dyan! Jamie Lara!" Boses ni Jill habang kumakatok pa sa pinto.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa pinto.

Ano nanaman kayang problema neto?

"Jamie! Please wake up! Jamie!" Sigaw niya ulit.

"Ano?" Tamad na tanong ko sa kaniya nang buksan ko yung pinto.

"Ahhh, sorry naistorbo pa ata kita...hehe nagising lang din kasi ako..." Siya.

Mukha ngang kakagising niya lang din. Tss, istorbo talaga kahit kailan.

"Ohh ehh bakit ka naman nagising? At talagang pati ako ginising mo pa." Mataray na tanong ko sa kaniya.

"Ehhhhh kasi ang ingay sa baba, kaya ayun hehehe papasama sana ko sayo para tignan kung anong meron."

Pinulupot ko yung braso ko sa baywang niya, ganon ba rin yung ginawa niya then sabay kaming naglakad pababa.

Nang makarating kami sa living room ay nakita ko agad si Mama. Pabalik balik siya ng lakad and mukha siyang frustrated. Napansin ko naman si Papa na naka-upo sa single sofa na pinapanood si Mama sa ginagawa. And last...si Mawy, naka-upo siya dun sa mahabang sofa, napansin kong tumataas-baba yung balikat niya.

Tss, ano naman kayang nangyari? Bakit nandito siya?

"Oh? Bakit nandito yang impakta mong kapatid?" Bulong ni Jill.

"I don't know and I don't care." Bulong ko rin sa kaniya.

"Mygosh! Mawy, what are you thinking!? I told you to wait for me then what? Aabutan kita sa lagay na ganon? Kung hindi pa ko dumating baka nagpakamatay ka na! Anong bang iniisip mo!?" Galit na sigaw ni Mama kaya lumapit na ko sa kaniya.

"Ma, calm down..." Malambing na sabi ko sa kaniya.

"God! Paano ako kakalma, muntik ng mag-suicide yang kapatid mo!?" Sabi niya na napahawak pa sa braso ko.

"What!?" Sabay na tanong namin ni Jill.

"Will you shut up Jamie!" Galit na sigaw ni Mawy.

You shut up bitch, don't you dare talk to me like that.

"Mawy!" Saway ni Papa sa kaniya.

"Ma, umupo ka muna.." Ako.

Umupo naman siya sa tabi ni Mawy.

"What happened?" Tanong ko kay Mama.

Huminga siya ng malalim. "Yang kapatid mo! Sinabi ko sa kaniya na hintayin niya ko sa condo niya then pagbalik ko, naabutan ko siyang may hawak na kutsilyo! Gosh! Paano na lang kung hindi pa ako dumating!?" Galit na sambit ni Mama at may luhang pumatak galing sa mata niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at bumaling ako kay Mawy.

"Ano nanamang ginawa mo?" Kalmadong tanong ko.

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at...

"Wala akong ginagawa pero ikaw meron!" Dinuro niya pa yung mukha ko.

What the fvck? Ako nanaman?

"Ano?" Kalmadong sabi ko pa.

"Parati ka na lang lumalapit kay Serge!" Sigaw niya pa sa mismong mukha ko.

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon