Chapter 15
Jamie's POV
Naging simple lang yung pagka-celebrate namin sa bagong taon. Hindi ko rin ne-enjoy.
Isang linggo na rin nang mag-pasukan ulit. Yung utak ko lumilipad. Wala akong maisip na maayos.
Natauhan lang ako nang..
"Ms. Lara! Are you deaf?" Nasa harap ko na pala yung prof.
Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakaramdam ako ng hiya kasi pinagtitinginan na nila ko.
Haist, agaw atensyon nanaman ako.
"N-no, Ma'am.." ngumiti ako ng pilit.
"You're spacing out!" Pinagmasdan niya yung mukha ko. "Any problem? May sakit ka ba? O hindi ka interesado sa subject ko?"
Gusto kong isagot na 'oo, hindi ako interesado sa subject mo' pero that doesn't mean na ayoko ko ng aralin yung subject niya. Sadyang wala lang talaga kong maisip na maayos.
Hindi ko siya sinagot at agad siyang napa-buntong hininga. "I guess, may problema ka nga." She patted my head kaya nagulat ako. "Lumabas ka muna." Utos niya. Hindi sarcastic yung pagkakasabi niya, try niyang maging sarcastic baka masapak ko siya.
See? Kung ano anong sinasabi ko and that's because hindi ko maisip yung mga dapat na isipin ko.
Magulo? Oo, magulo."It's fine. Kahit naman nandito ka sa loob ng klase ko ay hindi ka pa rin makikinig, masyado atang malalim yang iniisip mo."
"Sorry, Ma'am." Yan na lang yung nasabi ko at lumabas na ko sa room. Saan naman ako pupunta?
Kinuha ko yung schedule ko para tignan yung next class ko. Sorry naman, di ko kabisado yung schedule ko kasi wala akong oras para gawin yon.
Naisipan kong pumunta sa locker room ng girls. P.E yung sunod kong klase, yun na rin yung last class ko for today. Magbibihis na ko para di na ko mahirapan mamaya.
Agad akong pumunta sa field kung saan kami magka-klase. Sumilong ako sa isang puno dahil hindi ko pangarap na masunog.
Naghintay ako ng 30 minutes at dumadating na rin yung iba kong kaklase. Nasabi ko bang kaklase ko si Joshua? Ayan nasabi ko na.
Ewan ko, basta kapag nasa paligid si Joshua--hindi ako mapakali at feeling ko ang sikip.
"Aga natin ah?" Panimula niya nang mapansin niya ko. "Pinalabas ka daw sabi ni Owen.." ang daldal din talaga niyang si Owen. "May problema ba?" Umiling ako.
Hindi na siya nakapag-tanong ulit kasi dumating na yung P.E prof. "Goodafternoon.." bati niya.
"Goodafternoon Prof!" Sagot nila pabalik.
"Ser! May gagawin ba tayo?" Nangibabaw yung boses ni Josh.
"Meron." Ngumiti yung prof at may tinuro siyang more than 40 trays na may lamang itlog. "Paki-dala dito sa gilid ko yung mga tray." May sampung lalaki na naglipat ng tray at isa si Joshua sa kanila.
"Ser, para san 'tong mga itlog? Magluluto tayo?" Tanong ni Josh nang malapag na niya yung tray. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong or what? Pero natawa sa kanya ang lahat.
"Hindi tayo magluluto. We'll use the eggs for the activity." Ani ni Prof. At dahil dyan iba yung naisip ko. Anong gagawin sa itlog?
Bakit sa dinami-dami ng pwedeng gamitin, bakit itlog pa? Wala namang problema sa itlog, I just found it weird.
"Okay, listen very carefully. Alam kong medyo weird ang naiisip niyo.." napatingin sakin yung prof. Oh? Bakit alam niya? Obvious ba ko? ".. don't worry, may sense naman kung bakit itlog ang gagamitin natin."
![](https://img.wattpad.com/cover/69839684-288-k429057.jpg)
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...