Chapter 8
Jamie's POV
Back to normal na ulit dito sa bahay.
Bumalik na si Mawy sa condo niya.
Si Mama, ayun back to work sila ni Papa. Kaya ngayon kami lang ni Jill yung nan--well binabawi ko na, pano ba naman kasi biglang sumulpot ni Kevin.
"Great. Nandito ka nanaman." Sabay na sabi namin ni Jill.
"Wow, anong klaseng reaction yan?" Inis na tanong ni Kevin. "Maiintindihan ko pa kung bakit ganyan yung reaction ni Jey, bitter kasi yan." Umupo si Kevin sa left side ni Jill. "Pero, ikaw Jillian, i-welcome mo naman ako, Kuya mo ko at bahay ko din 'to." Pinisil pisil niya yung pisngi ni Jill kaya natawa ko.
"Bakit, hindi mo i-welcome yung sarili mo?" Naka-ngising sabi ko.
Pa-welcome welcome pa kasing nalalaman and besides walang nagsabing pumunta siya dito.
Ayun si Jill tawang tawa naman. Babaw rin ne'to.
"Oh?" Si Kevin na parang gulat na gulat.
"Ano nanaman?" Pagtataray ni Jill pero di siya pinansin ni Kevin, instead nakatingin lang siya dun sa jacket ni Joshua na nakapatong sa sofa...
O-kay? Wait! What?! Yung jacket! Pano napunta don?!
Okay, Jamie? Bakit nagkakagyan?
"Pumunta si Joshua dito?" Kunot noong ani Kevin. Si Jill naman yung sumagot. "Ah, tanong mo kay Jamie." Tamad na sabi niya kaya ayun, tinapunan ako ni Kevin ng 'What?' look.
Di ko alam pero natawa ko bago ko mag-salita. "Hindi siya pumunta.."
"Eh bakit nga nandito yung jacket niya?" Usisa niya pa.
Oww, nagsisimula ng umandar yung maldita radar ko.
Bakit ba kasi nagtatanong ka, Kevin? Ano naman sayo kung nandyan yung jacket? Atleast nga yung jacket yung nandyan hindi si Josh.
"Hindi ko rin alam." Mapang-asar na sagot ko sa tanong niya.
========================
Nandito ko ngayon sa bahay nila Sam. Iniwan ko yung dalawa sa bahay, ang ingay nila, especially si Kevin.
"Anong kailangan mo, girl?" Taas-baba yung kilay ni Sam.
"Actually, si Oliver pinunta ko dito, hindi ikaw." Inirapan niya ko kaya natawa ko.
"So, ano ngang kailangan mo?" Pagtataray niya.
Uhm, bakit nga ba? Hindi ko din alam kung bakit ako nandito. Basta ang alam ko lumabas ako ng bahay at napadpad na ko dito.
"Ah, na-miss ko kasi si Oliver." Naka-ngiting sabi ko.
Siguro kung naririnig ako ni Kevin, malamang kanina pa ko namatay sa titig niya. Well, whatever.
"I miss you too, Jamie!" Sigaw ni Oliver, nasa kusina kasi siya, so naririnig niya kami ni Sam.
"Naiinis na ko sayo, girl. Ako 'tong nasa harap mo tapos yang kapatid ko yung hinahanap mo! Hmp!" Hinampas niya ko sa balikat. "Umuwi ka na nga!" Sabi niya pa.
Napatingin ako kay Oliver na kakalabas lang sa kusina. Ang cute niya kasi may kinakain siyang tinapay.
"Oy! Bakit mo pinapaalis yung bisita ko?" Pagsusungit niya kay Sam.
Yeah, guys seryoso ako na si Oliver yung pinunta ko dito.
"Bisita daw, nako Oli, tigilan mo ko. Alam kong hindi ka mahilig sa babae pero bakit si Jamie-girl...ohmyjey!" Sigaw ni Sam na kinagulat ko.
BINABASA MO ANG
The Things That They Can Do For Love
RomanceIs it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hi...