Chapter 19

16 3 5
                                    

Chapter 19

Jamie's POV

Nandito ko ngayon sa kwarto ni Jill. Pinapanood ko siyang magpabalik balik sa paglalakad.

"Ohhh he's not answering!" Binato niya yung phone ko sa kama niya.

Inabot ng dalawang linggo bago ko nasabi kay Jill na umalis si Kevin. Nawala kasi sa isip ko.

"Jamie naman eh! Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?!" Halatang naiiyak siya. "Kahit bwiset yong lalaking yon mahal na mahal ko naman yon! Tapos ikaw pa yung unang nakaalam na aalis siya! Dapat sakin niya muna sinabi!" Dinampot niya ulit yung phone ko.

Pabalik balik lang ulit siya sa paglalakad.

"My gosh! Kevin sagutin mo!" Inis na sabi niya. Di ko maiwasang matawa sa ginagawa niya. Para siyang tanga na sigaw ng sigaw. "Kapag hindi 'to sinagot ni Kevin susunod ako---Great! Buti naisipan mong sagutin yung tawag!"

Sinagot na siguro ni Kevin.

"Hoy! Bakit ka umalis?! Di mo man lang ako sinabihan!...Ngayon ko nga lang nalaman!...Nakakainis naman Kevin!..."

Lumabas muna ko sa kwarto niya at nagtungo ako sa living room.

Nandoon si Papa at si...

"Keith?" Sabi nang salubong ang kilay.

"Jamie, maupo ka anak.." utos ni Papa. Umupo naman ako sa tabi ni Keith. "May gagawin ka ba, anak?" Tanong ni Papa.

"Why?" Sabi ko habang iniisip ko kung may gagawin ba ko. "Wala naman, Pa.."

"Okay lang ba sayo na samahan si Keith sa Cebu. Si Kevin sana ang ipapadala ko doon kasama ni Keith but Kevin's not here so ikaw ang naisip kong ipalit."

Oh? Bakit ako? Bakit hindi si Jill?

"Keith will represent the Monteverde because his Lola Lia is not allowed to travel. And Jamie, my dear you will represent the Lara and Lareza. Hindi kami pwedeng umalis ng Mama mo dahil inaasikaso namin yung kumpanya natin dito. Besides si Kevin ang nagsabi na ikaw na lang ang ipalit ko."

Napa-ngisi ako nang marinig ko yung boses ni Jill na hinahanap ako. I have a bright idea.

"Jamie!" Tawag niya at sabay kaming napalingon ni Keith. "O-oh? Hi Tito! Hi K-Keith..naabala ko ata kayo.." akmang tatalikod na siya pero tinawag ko siya.

"Jillian, come here. May business trip tayong pupuntahan.." naka-ngiting sabi ko at agad naman siyang tumabi sakin. Bumaling ako kay Papa. "Pa, I think it's better if I represent Lara and Jill represent theirs---Lareza, rather." Tumango si Papa sa suggestion ko.

"I think that's good. So, Sunday morning ang alis niyo, 4am-5am ang flight. The three of you will stay there in Cebu for 3 days."

3 days? Akala ko naman isang araw lang.

"Don't worry about your classes, nagbigay na ko ng excuse letter last week pa." Natatawang sabi ni Papa.

Wow, last week pa? Di naman siguro excited si Papa.

Nagdadalawang isip ako. "Pa, may gagawin ata ako by Monday...nandyan pa naman si Jill para i-represent tayo, kasama naman niya si Kei---" di ko natapos yung sinasabi ko dahil pinigilan ako si Jill

"Shut up, Jamie! Wag ka ngang magpalusot dyan!" Kinurot niya ko sa braso.

"Why? Ayaw mo bang ma-solo si Keith?" Bulong ko sa kanya. And the next thing I knew is wala na siya sa tabi ko.

Plano ko talagang i-suggest na si Jill na lang yung ipalit kaso naisip ko na may mami-miss akong moments kapag di ako sumama.

========================

"Wow! Girl, ang ganda!" Manghang sabi ni Jill.

Kakarating lang namin dito sa Villa Mactan Resort. May sumundo samin sa airport. Sosyal nga eh.

"Jey, I'll go inside. Naka-book na yung room niyo. Kunin niyo na lang sa
service area yung susi ng room niyo." Salubong yung kilay ni Keith habang sinasabi yan.

"Mag-iikot muna kami. Atat kasi yang si Jill." Napa-ngiti si Keith nang banggitin ko si Jill. Nice.

Kasabay na inakyat ng mga MIB yung mga maleta namin ni Jill.

Ang fresh sa resort na 'to, napapaligiran kasi ng mga puno. Hindi ako mag-tatakha kung sobrang yaman ng may-ari nito.

Ang perfect ng lugar, malayo nga lang. But since business meeting ang pinunta namin dito, gusto ko pa ring sulitin.

Mindanao lang 'to kaya pwede naman sigurong abusuhin. Haha.

"Let's go na, girl." Hinayaan ko na lang si Jill na hilain ako kung saan niya gustong pumunta.

Medyo konti lang ang guest na nasa pool side. Baka naman nandoon sila sa sea side.

Nasa main hotel kami, sa pinaka-harap kung saan naka-pwesto ang nga pool. At sa likod nitong hotel ay dagat na.

"Swimming tayo, Jamie.." nagpa-cute pa ang loka. "Please.." nag-beautiful eyes pa talaga siya.

Nginitian ko siya at tinanggal ko yung pag-kakahawak niya sa braso ko. "Ikaw na lang."

"Ayoko na ayaw mo naman akong samahan." Medyo may tampo sa tono niya at kumapit nanaman siya sa braso ko.

Nagpatuloy lang kami sa pag-iikot. May mga resthouse din dito. Yung iba ay 4 storey house.

"Girl.." tawag ni Jill. Nilingon ko naman siya. "Sabihin mo nga. Trip mo ba ko?"

Kumonot yung noo ko. "What do you mean?"

"Maang-maangan ka pa. Bakit mo ko sinama dito? Yung totoo?" Seryoso siya.

Sinama ko siya kasi..I want her to spend some time with Keith. Haha ang bait ko noh?

"Don't ask, Jillian. Alam ko namang gusto mo rin kasi kasama si Keith." Napayuko siya sa sinabi ko. At mukhang may mali sa sinabi ko.

Whatever, Jillian. I will make sure na mag-eenjoy ka.

Umakyat na kami sa room namin. Napagod na daw kasi si Jill.

Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung number ni Keith.

["Yo. May kailangan kayo?"] Bungad niya nang sagutin niya yung tawag.

"Wala naman. By the way, where's your room? What floor and what unit?" Sunod sunod na tanong ko at narinig kong tumawa siya. At may meaning yung tawa na yon. Malanding tawa yung ginawa niya. Bahala na kayong mag-imagine kung pano, basta malanding tawa. Yuck.

["Why, Jamie? May balak ka?"] Asar niya.

"What the hell, Keith. Wag ako." Napa-irap ako. "I just want to talk about the business trip and I want to know our schedule for the meetings, duh!" Inis na sabi ko.

Narinig kong tumawa siya. ["Katapat lang ng unit niyo kung nasaan ako."]

Pagkasabi niya non ay binabaan ko na siya. Tss, ang dami pa kasing sinasabi.

"Girl, saan ka pupunta?" Tanong ni Jill na nakahiga na sa pwesto niya.

Nilingon ko siya at nginitian ng nakakaloko. "Sa room ni Keith. Sama ka?"

Hindi ko na nakita yung reaksyon niya kasi nagtalukbong na siya ng kumot. So cute.

========================

A/N: iniisip ko pa kung bibigyan ko ng chance yung KeMie (hello po purpleprose14). Na-ffeel ko din kasi na ang lakas ng impact ni Keith. Parang mas gusto ko na nga rin si Keith kesa kay Josh. Hahaha ang hirap xd.
Goodluck sa KeMie.
Btw, yung resort na nabanggit imbento ko lang then yung mga nangyayari gawa ko lang saka yung paraan ng pag-describe ko sa unit ng hotel imbento ko lang yun. So yun lang sana maintindihan niyo kung anong ibig kong sabihin haha.

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon