Chapter 14

30 3 5
                                    

Chapter 14

Jamie's POV

Mag-isa ko ngayon sa room namin. Hapon na, medyo madilim na rin sa labas. Nasa baba naman yung iba, hindi ko alam kung anong ginagawa nila.

Hindi mawala sa isip ko yung lalaki. Wait what? Ilang araw ko na rin siyang iniisip.
4 days have passed simula nung na-encounter ko yung weirdo na yon. Kapag naaalala ko yung sagot niyang 'naligaw' siya, di ko maiwasang matawa.

And tomorrow will be the last day of this year.

*Beep*

Nagulat ako ng bahagya sa tunog ng phone ko. Dinampot ko yon at tinignan kung anong meron.

1 message received..

Umayos ako ng upo saka ko binuksan yung message.

From: OliverE.

Asan ka? Kanina ka pa hinahanap nila Mau.

Ako: I'm alone here...sa room namin. Pakisabi na lang sa iba.

Pagka-send ko niyan ay biglang bumukas yung pinto ng room namin. Tumambad sakin yung pagmumukha ni Jill.

Tinaasan ko agad siya ng kilay. Ilang araw niya rin akong hindi pinansin. 4 days to be exact.

Nang makapasok siya ay hindi man lang siya nag-abalang sulyapan ako. Dire-diretso siyang pumunta sa higaan na tinutulugan niya.

Anong drama ne'to? Wala nga kong matandaan na ginawan ko siya ng mali.

"Hoy!" Binato ko siya ng unan at himala, hindi siya umimik. "Jillian. Sabihin mo nga, may problema ka ba sakin?" Tumayo ako sa gilid niya.

"Wala!" Sagot niya saka humarap sa kabilang side para hindi niya ko makita.

Hay nako, Jillian! And sarap mong kurutin, ang arte!

Umupo ako sa gilid niya at hinampas ko yung balikat niya kaya ayun napa-upo siya. "Jamie naman eh!"

Kitams? Hindi niya ko papansinin hangga't hindi ko siya sinasaktan.

Pinaliit ko yung mata ko at tinitigan ko siya ng masama. I won't say anything, I'll let her say what the problem is.

Nag-cross arm ako para mas magmukhang seryoso ako. Pinigilan ko na yung mga emosyon na gustong kumawala sa mukha ko at tanging poker face lang ang pinapakita ko sa kanya ngayon.

Naisip kong mag-count down. Kapag hindi pa siya nag-salita, bahala na siya.

10....9....8....7....6....5....4....3....2....and 1. Times up! I was about to stand nang biglang yakapin ako ni Jill mula sa likod.

Tss, bibigay din naman pala, nag-iinarte pa.

Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko. Tinanggal ko yung pagkakapulupot ng kamay niya sa beywang ko at hinarap siya. "So, pwede bang paki-explain yang drama mo?" Inirapan ko siya. "Ayusin mo, Jillian. Sinasabi ko sayo, tatamaan ka sakin kapag wala kong naintindihan." Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Go! Spill it!"

Nag-iwas siya ng tingin. "Hmp! Nagselos ako!" Linapit ko yung mukha ko sa kanya. "Yun lang?" Paninigurado ko. Agad naman siyang tumango. "Talaga?" Hindi ko siya titigilan hangga't di siya nagkukusang sabihin kung bakit siya nagselos.

"Fine! Kasi...parang ang sweet niyo kasi ni Keith nung nakaraan." Nakayukong paliwanag niya.

I admit, nang sinabi niyang nagselos siya--I felt like..I'm disappointed. And now sinabi niya na niya yung dahilan, mas lalo lang akong nanlumo.

"I am very disappointed, Jillian. You don't trust me." Seryosong sabi ko at lumayo sa kanya. Nakakatampo.

"Jamie! Bumalik ka dito! Di pa ko tapos mag-salita!" Sigaw niya na hindi ko pinansin. Lumabas ako sa balcony at nagpahangin.

*Beep*

Napa-tingin ulit ako sa phone ko.

From: Monteverde

Nakalimutan ko...sabi ni Owen, akala daw ni Jill hinalikan mo ko. That's why she's acting weird. Haha

Na-imagine ko yung mukha niyang naka-ngisi. Nag-init yung ulo ko. Lecheng yan! Anong hinalikan?!

Arg! Jillian's imaginations--nakakamatay!

"JILLIAN!" lumapit ako sa kanya nang salubong ang kilay ko. "Hindi ko hinalikan si Keith! Bwiset! San mo nakuha yon?!" Pagmamaktol ko.

Ako naman yung binato niya ng unan. "Sabi ko nga kasi hindi pa ko tapos! Akala ko hinalikan mo siya kasi yung position niyo ang panget! Tapos yun pala nahaharangan ka lang ni Keith at dahil magalaw yang ulo mo kasi mahilig kang luminga-linga, ayan akala ko hinalikan mo siya!" Mataray niyang sagot.

Ohmy! Jillian, ang sarap mong kurutin! Ang cute mo sobra!

"Arggg! Jill!" Napasinghap ako. Kaya tinawanan niya ko. Lumabas ako ng room at sinundan ako niyang si Jill.

"San ka pupunta girl?" Tumatawa pa rin siya.

Walangyang Monteverde yan! Talagang ginamit pa ko para lang pagselosin 'tong si Jill!

"Papatayin ko yung lalaki mo!" Sagot ko na mas lalong nagpatawa sa kanya.

========================

Maaga kong bumaba sa hotel. Balak ko sanang isama si Oliver mag-jog sa buhangin. Kaso pagdating ko malapit sa sea side ay nakita ko na sila. Nag-jo-jog na sila. Oo sila, yung mg lalaki. Routine na nga pala nila yan every morning.

Gusto kong sulitin 'tong araw na 'to. Imbis na mag-jog ay pinanood ko silang tumakbo. Pabalik balik sila ng takbo. At syempre, kung nasaan yung apat na pugo--hinding hindi mawawalan ng harutan.

Nag-inat ako para naman may magawa ako bukod sa tumunganga.

Tumaas na yung sikat ng araw. Medyo uminit na, kaya ayun tinalikuran ko na sila at maglalakad na sana pabalik sa hotel, kaya lang...

Nanlamig ako nang makita ko siya.

Hindi ko alam pero naaapektuhan ako.

Bakit ang gulo? Kahit sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

Akala ko okay na ko. Pero bakit?

Bakit nasasaktan pa rin ako?

Bakit ang sakit?

Nanatili akong kalmado. Hindi ko kayang tagalan yung titig niya. Nasasaktan ako.

Akala ko madaling makalimot?

Pero kahit pala nagkanda-leche na 'tong buhay ko--naalala ko pa rin kung pano niya ko pinagpalit.

Natural lang na masaktan ako ng ganito. Kasi naniwala ako na 'ako lang'. And I think, moving on is my worst enemy. Ang hirap.

Bago pa ko tuluyang maging emosyonal sa harap niya ay pinilit kong gumalaw para maka-alis sa scenario.

Pero nang makalayo ako sa kanya ay hindi ko rin napigilang maiyak.

I never thought na magiging ganito yung epekto niya sakin.

I admit. May part sakin na nanghihinayang. Na umaasa.

All this time, akala ko ang tapang ko na.

Pero hindi, tumatakbo ako palayo.

You're such an idiot, Jamie.

========================

A/N: Tbh, ang hirap magpakilig T_T  HAHAHA. Ang hirap mag-ud! Lol pero na-eenjoy ko naman! Sana kayo rin!

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon