Chapter 17

12 2 3
                                    

Chapter 17

Oliver's POV

"Tangina!" Sigaw ko ng hindi pumasok yung bola.

"Evasco, ayos!" Sigaw naman ni Santiago.

Sa loob ng court, apelyido talaga yung itatawag sayo.

Napa-ngisi ako. "Maayos ako!" Sagot pabalik.

Nakakabwiset nga kapag nasa loob ng court. Tangina, kailangan seryoso lagi. Syempre hirap ako sa part na yon. Di ako sanay.

"Pasa!" Sigaw ko kay Ouano. Nang ipasa niya yung bola sakin...takte! Dumulas sa kamay ko yung bola. Tae! Nasapo ko na lang yung noo ko.

"Time out! Pahinga na!" Si Monteverde. "Evasco, masyado kang tense." Tinawanan pa ko.

Di ko maiwasang kabahan. Ang bakla takte! Next week na yung laban. Di ko nga alam kung excited ba ko o kinakabahan lang ako.

Tangina! Bakla na kung bakla! Kinakabahan ako! Pano kasi last year na namin 'to, kailangan naming manalo! At the same time--excited din talaga ko.

"Evasco.." lumapit sakin si Santiago at batukan ba naman ako. "Para san naman yon Joshua?!" Natatawang tanong ko.

"Santiago, hindi Joshua!" At ang gago binatukan ulit ako.

Pasalamat yang gunggong na yan at siya yung captain kasi kung hindi--kanina ko pa ginantihan yang isang yan.

Umupo ako sa tabi ni Jamie na naka-upo sa bench. Tinusok ko siya sa tagiliran at mabilis siyang nag-react para hampasin ako. Brutal takteng yan!

"Ano nanaman, Oli?" Bored na sabi niya. Natawa naman ako. Nagpa-cute ako sa harap niya. "'Tong babaeng 'to napaka-ano mo talaga. Nilalambing na nga ayaw pa. Tsk!"

Umarte siya na parang nandiri. Napa-ngiti ako. "Tigilan mo ko, Oliver. Wag mo kong simulan." Kapag sinasabi niya yan ay mas lalo ko siyang kinukulit. "Oliver!" Hinampas niya ko sa balikat. Wala naman akong ibang nagawa kundi matawa lang.

"Oli! Wag mo ngang guluhin yan!" Saway sakin ni Sam. Agad ko namang tinigilan si Jey. Mahirap na mapanakit din kasi yang kapatid ko.

"Kamusta?" Patukoy ko dun sa lakad nila ni Kevin nung nakaraang araw. Napa-tingin siya sakin sabay inirapan ako. "Okay naman." Sagot niya.

"Bakit kasi hindi mo ko sinama?" Inakbayan ko siya.

"Bakit naman kita isasama? Ikaw ba yung pinunta ni Kevin? Hindi di ba? Tss." Ang sungit niya talaga.

"Tara! Uwi na mga panget!" Sigaw ni Owen na lumapit sa pwesto namin ni Jamie.

Sabay kaming tumayo ni Jey. Nag-unat ako at sinadya kong matamaan si Jey ng kamay ko. Haha ganti lang sa hampas niya.

"Oliver!" Inis niya kong tingnan pero nginitian ko lang siya. Tangina..ang cute talaga ng isang 'to.

========================

Friday..

Busy ako sa pagsusulat sa likod ng notebook ko ng kung ano ano.

Nilingon ko 'tong katabi kong si Keith. Amputek! Buti pa siya nakakatulog sa pwesto niya. Samantalang konting yuko ko lang ay sinisita agad ako ng prof.

Napa-ngiti ako. Tutal wala akong matinong magawa ay kinuha ko yung pentel pen na nakapatong lang sa desk ni Keith.

Nang matapos ko yung abstract ko ay mas lalong lumapad yung ngiti ko. Saktong nag-bell at lumapit ako Keith ng konti.

"Ang cute mo, Keith.." bulong ko kahit tulog siya. At lumabas na ko ng room.

Dumiretso ko sa locker area. Wala na sila Josh. Malamang nasa court na yon. Agad akong nagbihis.

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon