Chapter 3

28 4 2
                                    

Chapter 3

Jamie's POV

Mabilis na lumipas yung tatlong araw at sa tatlong araw na yon ay magdamag lang akong nasa bahay.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jill.

"Jillian!" Sigaw ko, nasa loob kasi siya ng banyo.

Lumapit ako sa pinto saka dinikit yung kaliwang tenga ko sa pinto para marinig ko siya.

"Jillian! Bingi ka na ba ngayon ha!?" Inis na tanong ko, di niya kasi ako sinagot kanina.

"Sandali! Lalabas na ko, kaya magtigil ka dyan!" Sigaw niya.

Pumunta ako sa dulo ng kama niya saka naupo doon.
Maya-maya ay lumabas na nga siya.

"Ano bang problema mo! Ang ingay mo kaya!" Asar na sabi niya. Tinawanan ko naman siya. Hehe ang cute niya kasi.

Umupo siya sa tabi ko. "Ano!?"

"Sama ko." Paawa ko.

"Saan naman!?" Siya.

"Birthday ni Mau ngayon, right? Alam ko namang may balak kayo...kaya sama ko. Please...saka Friday naman ngayon and duh, Christmas break na kaya pleassssseeeeee..." Nag-pout pa ko.

"Hindi pwede..." Siya.

"Bakit!?" Inis na tanong ko. Psh.

"Walang maiiwan dito sa bahay." Simpleng sagot niya.

Bakit kasi wala si Papa e. Isa pa yang si Papa---di marunong makisakay.

"Jillian naman e. Ngayon lang please..." Ako.

"Hindi nga pwede, kung gusto mo papapuntahin ko yung kapatid ko dito para may kasama ka." Biro niya.

"Ayoko, sakit sa ulo y---" Natigil ako sa pagsasalita kasi biglang bumukas yung pinto tas.......dafaq bakit nandito yan? Napatayo pa ko nung makita ko siya.

"Sinong sakit sa ulo babe?" Malambing na sabi niya.

Isa rin 'to, malandi rin, kalalaking tao, malandi. Bakit kasi nag-boyfriend ako ng malalandi? Psh.

Lumapit siya sakin at aastang yayakapin ako pero bago pa niya magawa yon ay humarang na si Jill sa gitna namin.

"Hoy! Pano ka nakapunta dito!?" Mataray na tanong ni Jill.

"Ako pa!? Hoy! Kevin 'to, wag kang ano dyan! Saka di lang 'to pogi, matalino 'to Brad!" Mayabang na sabi niya habang nakaturo pa ng bahagya yung index finger niya sa mukha niya.

Tss, isa pang nakakainis sa mga ex ko....mayabang! Yang si Kevin na ang pinaka-mayabang!

Hehehehe yup! Ex ko yang kapatid ni Jill, he's my first, then si Owen, and last yung gunggong na si Serge. At sakanilang tatlo si Serge lang yung ex ko na ginugulo ako, kaya nga siya yung pinaka-worst---pinaka walang kwenta na rin.

'Kitams, mapanglait talaga ko.'

Btw, nag-break kami ni Kevin, kasi sabi niya 'ayoko na'. Siya yung nakipag-break and since hindi ko nga ugaling ipilit yung sarili ko, pumayag din akong makipag-break hindi dahil sa ayoko na din, kundi umayaw ako kasi umayaw na siya. Gets niyo? Then kung hindi bahala kayo.

"Hoy! Sinasabi ko sayo Kevin, kapag may scout na nakasunod sayo---" si Jill.

"Ano!?" Maangas na tanong ni Kevin kay Jill.

Hindi agad nakasagot si Jill. Tss, malamang wala yang maisip, kaya ako na sumagot.

"Sasapakin kita." Mayabang rin na sabi ko.

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon