Chapter 8 Acquaintance Party

39 3 0
                                    

Ang bilis ng mga araw and malapit na ang Acquaintance Party namin at I'm excited na!!

Marami rin ang nangyari simula nong mag start ang klase. simula nong araw na nawala si Sophia okay na naman ang life ko.. Wala ng kontrabida at nalaman ko rin from other students na very playboy pala talaga itong si Nico akalain niyo kahit sino pinapatulan siya na, siya na talaga ang playboy. . At alam niyo ba ano ang nakakatawa pagkamalan ba naman akong nobya ni Nico dahil start daw nong dumating ako di na daw siya playboy.. So feeler naman ako masiyado diba pag sinabi Kong ako nga, kayo na lang ang humusga guys..

At ngayon nasa tambayan kami nag hihintay matapos ang sayaw nila Nico kasi bilang isang sikat na mananayaw sa school they are given a task na sumayaw daw sa Acquaintance Party.

And after 48 years natapos narin sila at pauwi na nga kami sa Boarding House na tinutuluyan namin di naman ito kalayuan mula sa school.. Nagtataka ba kayo?? Opo nag b-boarding house kami pinilit ko talaga sila mama na pumayag at buti nalang napapayag ko sa tulong narin ng mga kaibigan ko.. At ito naman si mama ibinilin talaga ako kay Nico.. O diba ang saya saya.

*****                                   ***** 

Hoy Ann!! di kapa ba tapos ma l-late na tayo oh!! Ang sabi ni Jaziah habang nagmamadaling magsoot ng sapatos..

Kunting make up lang girl choks na maganda ka na naman eh kahit pa walang make up. Sigaw naman ni Mandy na naghihintay na sa labas..

Ayan na!!

Ayan na!!

Sobrang excited lang don't worry girls makakaabot tayo sa opening number.. Nang HANDSOME MOVERS!! In- emphasize ko talaga ang salitang HANDSOME MOVERS!!

Pagkarating na pagkarating namin sa Social Hall ng school agad kaming umupo sa harapan para makita talaga namin ang sayaw nila. .

Ladies and Gentlemen! Lets welcome the HANDSOME MOVERS!! ~~ emcee

Nagpalakpakan na ang mga estudyante lalo na ang mga kababaihan.. May dala pa talagang tilian..

Aaahhhh!!! We love you Nico!!

Sigaw ng mga babae sa likod namin.. Kung makasigaw naman tong mga to oh!! Parang wala ng bukas isa pa sige sumig-------

We love you Nico!! Sabi ko nga isa pa kainis!!

Hoy! Mukha mo anong drama yan?? Sita sakin ni Mandy

Wala kainis lang kasi tong mga babae sa likod eh. Ang iingay kung makatili parang kilala si Nico in person di naman..

So??? Big deal?? ~~ jaziah

Natahimik ako bigla oo nga nuh, ano naman ngayon kung tili sila ng tili di ko naman lalamunan ang masisira eh..

Kaya imbis na sumagot ay pinili ko na lang manahimik, kahit na ang ngiti ng dalawa ay mukhang nanunukso na..

After ng sayaw nila ay dumitetso na sila sa amin ayon may kainan din naman.. at dahil acquaintance party ito, may dance, dance din sa dance floor to meet some students din daw ayon nagyayaan na ang mag syota at si steven at warren naghanap na rin ng makakasayaw kaya ito at kami na lang ni nico ang naiwan dito sa table...

Ann gusto mo bang sumayaw hay!! Salamat naman at nagyaya na rin ang isang to.. Papunta na kami sa gitna ng biglang mapalitan ang music ng slow music.. Eh napasubo na kami ni Nico eh.. So sasayaw na lang din kami..

Nico's POV

Nang makita ka'y di ko malaman saan ka galing san paroroon Nakuha mong kausapin ang aking puso nakakulong

Para sa akin ba ang kanta? feeling ko ako ang pinatatamaan nito..

Ilang araw ilang buwan ang dumaan tayo'y naging tunay na magkaibigan Kahit malayo ka'y parang andyan ka rin Saking piling o may lihim

Para sa akin nga yata tong kantang to ah.. Sino ba ang DJ dito ng makausap ko.??

Nais kong sabihin sa iyo mahal kita at di kita iiwan nais kong yakapin kang mahigpit kailanman ay di kita pababayaan mahal ko mahal ko

Natulala ako bigla dahil sa lyrics ng kanta kinakausap nga yata talaga ako ng kantang to eh.. Gusto ko talaga sanang aminin na mahal ko si Ann kaso feeling ko di pa right time oo na inaamin ko na gusto ko na siya.. Pero I guess it's not the right time yet na sabihin ko..

Ann's POV

Bigla yatang natulala si Nico..

Hoy! Okay ka lang sita ko

Natauhan siya bigla

ah Oo!! Sagot niya at bigla na lang ngumiti

Trip nito at niyaya ko na siyang umupo kami na lang kasi ang nasa gitna may sasabihin daw kasi si James

Again I would like to say thank you for allowing me to speak in front of you guys rinig kong sabi ni James

Tonight is a very special night for me..

Dahil sa sinabi niya ay biglang natahimik ang lahat

Special?? Ano kaya ang nasa isip nitong mokong di niya naman birthday

Isa sa mga babaeng freshmen ng Education Department ay ang dahilan kung bakit ako andito sa harapan ninyong lahat at pilit na nilalabanan ang kaba dahil ngayong gabi na ito ay tatanungin ko siya

Biglang bumaba si James at naglakad papunta sa direksyon namin ng makarating siya sa table namin ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Mandy sabay sabing

Ms. Mandy Mae Roxas will you be my girlfriend???

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat mas gulat pa nga yata ako kesa kay Mandy alangan ba naman ngayon niya palang itatanong yan kay Mandy akala ko matagal ng sila.

Nagpakipot pa pala ang pambansang bespren ko.. At to cut the long story nag YES!! po ang bestfriend ko kaya it's official The James and Mandy Loveteam.. At masayang masaya ako sa best friend at pinsan ko..

---------------------- ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Author's note:

 I'm back!! Medyo matagal din bago ako naka update kaya now I'm back!!

Mr. Heart breaker meets Ms. Heartbroken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon