"Mandy's POV"
Nasa terrace ako ngayon tanaw ko ang dalawang parang mga batang naglalaro sa tubig at sino pa ba edi si Nico at si Ann. Kalian kaya babalik sa dati ang bestfriend ko, yong Ann na palaban at masayahin? Na kahit sino ay walang inuurungan.
Ang cute nila tingnan nuh??
Muntik pa akong mapalundag sa gulat, ito naman kasing si Jaziah pwede naman sigurong mag sign na andyan siya di yong bigla – bigla na lang nagsasalita at nabigla talaga ako. Nilingon ko siya saka ako ngumiti at itinuon na ulit ang atensyon sa dalawa.
Oo nga eh.. kung di ko lang alam na broken hearted yang si Ann iisipin ko talaga na mag on yang dalawa. Sabi ko sa kanya.
Sana tuluyan ng makalimutan ni Ann si Charles—Jaziah
Sana nga!
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Kanina nagulat ako kay Jaziah ngayon naman sa cellphone ko ako nagulat
Hello!! Sino to tanong ko sa kausap ko malay ko ba kung sino siya eh, unregistered number kaya.
Mandy si Charles to!
Nagulat na naman ako ng marinig ko yong pangalan niya uso ba sakin ngayon ang gulatan lagi na lang akong nagugulat ah...
Anong kailangan mo?! tanong ko sa kanya
Kumusta na si Ann?? diretsyahan niyang tanong napatingin ako kay Jaziah pero mukhang wala siyang pakialam siguro dahil si Charles ang kausap ko.
Wow! Pagkatapos niyang paibigin at ligawan ang bestfriend ko pagkatapos ay binuntis ang bestfriend niya at nasaktan ang bestfriend ko, ang gulo ng pagkakasabi ko ah.. ah! Basta! Yon na yon! May gana pa siyang magtanong kung kumusta si Ann na bestfriend ko slash ex-girlfriend niya.
Honestly I don't know Charles ang umpisa kong sabi pero sa nakikita ko I think she's okay.. wag kang mag-alala hindi naman namin siya pababayaan. Paliwanag ko sa kanya.
Salamat Mandy kasabay ng pagbuntong hininga niya.
Wag kang magpasalamat Charles dahil ginagawa namin to di dahil sayo kundi dahil kay Ann. Sagot ko sa kanya.
Alam ko! Ang huling salitang narinig ko mula sa kanya.
"Ann's POV"
Nandito ako ngayon sa garden nila Nico nakita ko kasi yong hardeniro nila nagdidilig sa mga halaman kaya nakisali ako pakialamira na kung pakialamira eh.. sa gusto ko eh... kaya ayon tuloy nag walk out si manong hardeniro at iniwan ako sabi niya babalik lang daw siya o edi.. ako na muna dito ang dali-dali lang kaya nito..
Bait ah!!!
Napatalon ako sa gulat OA nuh?? Eh.. sa nagulat ako eh..
Ano kaba Nico??
Sorry, seryoso mo kasi eh..mali naman ang ginagawa sabi niya.
Aba mali daw ang ginagawa ko ang dali – dali lang kaya magdilig ito nga lang siguro ang alam kong trabaho eh... anong pagdidilig pa kaya ang tama kumpara sa ginagawa ko. Akin na nga yan at kinuha niya mula sakin ang hose ng tubig
Ganito dapat.... Ako naman itong mabait na bata eh.. pinanood ng mabuti ang ginawa niya ng biglang
Aaaahhhh!!!
Tili ko ng bigla niyang ituon sakin ang hose ng tubig pasaway na lalaking to basaan pala ang gusto nito huh! Pwes! Maghintay ka kinuha ko yong isa pang hose at pinaandar ito.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart breaker meets Ms. Heartbroken
RomanceBata palang si Ann ay lagi na siyang bigo sa inaakala niyang tamang pag-ibig. Marami na siyang nagugustuhang lalaki at lahat sila ay bigo ang inabot niya. Nang dumating si Charles sa buhay niya hindi niya akalaing ang lagi niyang kabangayan araw-ara...