Ann's POV
Date check February 14 at ito ako nasasaktan haha nakakatawa lang hindi pa ba ako nasasanay eh.. noon nga wala ngang nanliligaw sakin kinaya ko naman ah.. bakit ngayon ang bigat ng Feb. 14 ko how sad :(
Pagkagising na pagkagising ko halata ko na agad na ako lang mag isa rito sa Boarding House ako na nga itong broken hearted ako pa itong alone.. Kaya naman naligo na lang ako at pagkatapos ay kakain na sana ako ng may makita akong note sa table
"Ann sa Cafeteria ka na lang kumain, sorry huh nauna na kami sayo may gagawin pa kasi kami"
Dahil sa walang pagkain rito ay agad na akong nagpunta sa cafeteria at pagkatapos kong umorder ay kumain na ako.. Aalis na sana ako ng may isang estudyante ang lumapit sakin may dala siyang Rose
Ms. ann para po sa inyo! Sorry po!! sabi nong lalaking nagbigay ng bulaklak sakin at dahil may nakasulat kaya binasa ko..
"Punta ka sa tambayan! " ako naman itong ewan kahit alam kong pinag t-tripan na ay sumunod naman at ngayon ay papunta na sa tambayan may nakasalubong naman akong dalawang estudyanteng babae may dala rin silang Roses
Ms. ann para po sa inyo! Sorry po!! sabay na sabi ng dalawa naguguluhan na ako alam ko sina Jaziah, Mandy at Pearl talaga ang pakana nito eh..
nang matapat na ako sa pintuan ng tambayan may tatlong estudyante na naman ang lumapit sakin at ganoon din ang sinabi at may binigay ding Roses at pagpasok ko ng tambayan bumungad sakin ang mga letrang SORRY!! na nakabitin sa loob ng tambayan ano ba talaga ang trip ng mga babaeng to???
Kriiinnngggg!!! opo tama po kayo tunog po yan ng CP ko may tumatawag
Jaziah Calling......
Hello couz! anong trip to??
Jaziah: anong trip pinagsasabi mo?? asan ka punta ka dito sa may center field may nakakakilig na nangyayari dito dali!
wow! huh nakakakilig talaga di man lang niya kinonsider yong feelings ko thanks couz huh..
Okay, papunta na.. at pinutol ko na ang tawag papunta na nga ako ngayon sa center field
Hi! Ms. Ann para po sa inyo!! Sorry nga po pala!! sabay-sabay na sabi ng limang estudyante at binigyan din nila ako ng Roses hay! ewan bahala na nga, di naman siguro masamang tumanggap ng mga Roses Araw naman ngayon ng mga puso
malapit na ako sa may center field at nakikita ko na nga ang mga estudyanteng nagkukumpulan ano kaya ang nandiyan ng may tatlong estudyante na naman ang humarang sakin at ganoon din ang sinabi para daw sakin yong mga Roses tapos sorry daw!! okay nagpunta na ako sa mga naka kumpol na mga estudyante at nakisiksik na para mahanap ko na sila Jaziah ngunit ng makita ako ng mga estudyante bigla silang nagbigay ng daan sakin at may banda sa gitna ang biglang tumugtog ng second verse ng Sorry na ng Parokya ni Edgar
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktanSorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso koMahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawalaSorry na
Pagkatapos ay may walong tao angnaka puti ang nagpunta sa harap ng banda at sabay-sabay silang humarap sakin at
O__O
MAndy Pearl Jaziah --- James Warren Nico Jay Art Steven A N N S O R R Y halos di ako makagalaw yan lang naman yong naka print sa mga white shirts nila ibig bang sabihin nito si Nico ang pakana ng lahat ng to simula pa kanina
Lumapit si Nico sakin
Ann I'm so sorry ang tanga ko ng saktan kita! sorry kong kailangan pang masaktan kita bago ko ma realize na sobrang mahal na mahal kita!! Ann please forgive me and I am asking you to give me a chance, please... I love you so much!!
biglang nawala lahat ng sakit sa dibdib ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Nico pagkatapos ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko at bigla ko na lang siyang niyakap sobrang na miss ko ang taong to!!
Yeessss!!!! sigaw ng barkada sa likod at ang sumunod na nangyari ay lalo akong nadikit kay Nico dahil nagsilapitan na rin ang barkada
Group Hug!!!! sigaw ni James
BINABASA MO ANG
Mr. Heart breaker meets Ms. Heartbroken
RomanceBata palang si Ann ay lagi na siyang bigo sa inaakala niyang tamang pag-ibig. Marami na siyang nagugustuhang lalaki at lahat sila ay bigo ang inabot niya. Nang dumating si Charles sa buhay niya hindi niya akalaing ang lagi niyang kabangayan araw-ara...