Mandy's POV
nagkakagulo na kaming lahat di pa namin nakikita si Ann sina tita umiiyak na pati kaming babae sa grupo yong mga lalaki nag-aalala na rin ipinaliwanang na sa amin ni Nico ang lahat kaya umalis si Ann, si Monique at Nico parehong sinisisi ang sarili
I'm so sorry guys, di ko sinasadya si monique habang umiiyak
Krriiinnnngggggg!!!!!
sinagot ko ang tawag
hello!! di ko alam pero kinakabahan ako
nabitawan ko bigla ang phone ko matapos magsalita ang nasa kabilang linya
Bakit??? tanong nilang lahat
nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko
Mandy!! bakit sinong tumawag? tanong sakin ni steven
w-wala
wala
na
si Ann!! at humagulhol na ako sa pag-iyak
NO! hindi yan totoo! sigaw ni Nico
ayoko sanang maniwala ang sarap isipin na biro lang ang lahat pero alam kong hindi ako nananaginip alam ko totoo ang lahat dahil nasa harap na namin ang katawan ni Ann sobrang sakit ayon sa mga rescuer isa si Ann sa mga sakay nong sumabog na barko!
si tita hinimatay ng makita ang sunog na katawan ni Ann! oo sunog dahil after sumabog ng barko ay agad na kumalat na ang apoy siguro mas pinili na lang ni Ann ang masunog kesa sa malunod ang sakit isipin na bago nalagutan ng hininga ang kaibigan ko ay nahirapan pa siya ng sobra.
Umiiyak na ang buong barkada pati si Monique, si Jane sinisisi si Monique inaaway niya pero si Monique hingi lang ng hingi ng tawad maski ako gusto kong sisihin si Monique pero sabi ni tito wala daw'ng may kasalanan wag na daw kaming magsisihan dahil hindi daw matutuwa si ann pag nalaman niyang nag-aaway away kaming mga kaibigan niya.
tama nga naman si tito si Nico pinapakalma ng mga lalaki dahil nagdudugo na rin ang kamay niya dahil sinusuntok niya ang pader.
pati mama at papa ni Nico umiiyak na rin
Pero kahit anong gawin namin, kahit ubusin pa namin ang mga luha namin sa kakaiyak wala nang mangyayari, wala nang magbabago hindi na maibabalik ng mga luhang to ang buhay ng kabigan ko masakit pero kailangan naming tanggapin pero di ko alam kailan namin matatanggap ang katotohanang wala na nga si Ann..
************
BINABASA MO ANG
Mr. Heart breaker meets Ms. Heartbroken
RomanceBata palang si Ann ay lagi na siyang bigo sa inaakala niyang tamang pag-ibig. Marami na siyang nagugustuhang lalaki at lahat sila ay bigo ang inabot niya. Nang dumating si Charles sa buhay niya hindi niya akalaing ang lagi niyang kabangayan araw-ara...