Ann's POV
Pagkarating namin ng airport agad na akong nagmadaling pumasok pero hinarang ako ng mga staffMa'am I'm sorry pero di po kayo pwedeng pumasok sabi nong isang humarang sakin
Kuya pleaassse... Nagmamakaawa ako papasukin niyo ako pagmamakaawa ko don sa humarang sakin umiiyak na nga ako wala na akong pakialam kung gumagawa na ako ng eksena basta ang gusto ko maabutan ko si Nico
"kuya yong taong mahal ko aalis na ho ng bansa at nag decide siyang hindi na bumalik dito sa Pinas kaya kuya please papasukin niyo na ho ako!! Ito lang ho yong tanging paraan para magbago yong desisyon niya kaya kuya please!! sabi ko habang humahagulhol na
I'm sorry ho talaga maam pero yon po ang patakaran dito sa airport nanlumo ako dahil sa sinabi nong staff at sa sobrang pagka dismaya ay napaupo na lamang ako sa sahig habang umiiyak
May isang staff ang lumapit sa amin at kasabay niya ang buong barkada
Maam sorry ho hindi po kasi namin alam na kayo yong kaibigan ni sir timothy na ibinilin niyang pag dumating kayo rito ay agad ho namin kayong papasukin patawad ho maam...
Graveh naiyak akong lalo mix emotions na talaga natatakot akong maiwan ni Nico at konsensiya dahil iniwan ko na nga si reign pero heto at tinutulungan niya pa rin ako
Maam maaari na ho kayong pumasok ng marinig ko ang salitang yon ay agad na akong pumasok kasama ang buong barkada pero huli na ang lahat nakaalis na si nico
Umalis na siya iniwan niya na ako at hindi na siya babalik, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay napahagulhol na talaga ako sa pag iyak at niyakap na lang ako ng buong barkada
Sa sobrang iyak ko di ko na nga alam kung paano ako nakauwi ng bahay andito na ako sa kwarto ko ngayon umiiyak pa rin
Iniwan na ako nong taong sobra kong minahal, yong taong naging dahilan kung bakit ako nagmahal ulit,yong taong ginawa ang lahat makalimutan ko lang ang taong unang nanakit sakin, yong taong akala ko ay pinagtaksilan ako hindi pala, yong taong pinaglaban ako at sa huli ako pala yong sumuko sa aming dalawa at ngayong handa na akong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya huli na ang lahat napagod na siya sumuko na siya ang tanga ko!! At patuloy lang pa rin ako sa pag-iyak ng biglang tumunog yong phone at ng tingnan ko
From Nico
I heard what had happened! Don't worry I'll be back soon! I love you so much Ann! Hintayin mo ako..
Text ni Nico na biglang nagpa buhay uli ng puso ko!!
---------+++++++++++-----------
Vote and comment na guys para sa nalalapit na pagtatapos ng MR. HEARTBREAKER MEETS MS. HEART BROKEN!
BINABASA MO ANG
Mr. Heart breaker meets Ms. Heartbroken
RomanceBata palang si Ann ay lagi na siyang bigo sa inaakala niyang tamang pag-ibig. Marami na siyang nagugustuhang lalaki at lahat sila ay bigo ang inabot niya. Nang dumating si Charles sa buhay niya hindi niya akalaing ang lagi niyang kabangayan araw-ara...