Introduction
I'll start my story by introducing the sole reason why I'm not capable of loving and entertaining other men. Apparently, my reason has a name and he's Reagan Eisley Padiozo Cosicquen, my first love, the man who broke, restored, and broke (again) this damn heart of mine.
I started to notice his existence during our sophomore year. I had a lot of friends, but that time, I was alone in the classroom. Ang daming cleaners noong araw na 'yun, pero ako lang ang natira. I was crying terribly.
Akala ko, gusto niya akong i-comfort by holding my hand, pero mali pala ako dahil noong hinawakan ko yung kamay niya, agad niya itong binitawan. He stuttered, "F-Fifty pesos." Mukhang hindi siya sanay na may humahawak ng kamay niya.
"Huh?"
"Kailangan mo ng panyo, 'di ba?"
In the first place, I never asked him to give me his handkerchief.
He reiterated, "50 pesos para sa panyo. Pag bumili ka ng dalawa, libre na yung isa."
Sa lahat ng classmates ko, siya pa lang ang hindi ko pa nakakausap. Naririnig ko lang ang boses niya pag nagrerecite o nagrereport, pero never pa siyang kumausap ng tao pag hindi tungkol sa pag-aaral o trabaho.
Nagbebenta siya ng pencils, pens, pad papers, panyo, at iba pang mga gamit na kailangan ng mga estudyante na laging nakakalimutan.
May mga reviewers at notes pa siya. Ang alam ko, nagtututor din siya ng high school students except sa batch namin. Ang aloof niya talaga sa mga tao, pero hindi naman siya masungit. Aloof lang talaga at awkward kausapin.
Kaya siguro hindi ko pa siya nakakausap dahil never ko pa naman siya naging group mate at never rin ako bumili ng kahit ano sa kanya since lagi akong kumpleto ng school supplies.
Feeling ko nga, galit siya sa'kin. Lugi ata siya dahil yung mga binibenta niya, binibigay ko lang for free sa mga classmates namin. Syempre, sa akin na lang hihingi yung classmates namin kaysa bumili pa sa kanya.
Marami pa naman kasi akong papers at pens sa bahay.
Hindi nga lang ako nagpapanyo.
"Seriously?" tanong ko. I was seriously dumbfounded, but I found it funny. Napahiya rin ako, pero hindi ko maiwasan matawa. He was so unique!
"Mukha ba akong nagbibiro? Kung ayaw mo, 'wag mo."
Mukha rin siyang napahiya. Ibabalik na sana niya yung panyo sa bag niya, pero huminto siya dahil tumawa ako ng malakas. That was the first time I laughed in weeks. Mukhang nagtataka siya kung ba't ako tumatawa, pero hindi niya ako tinanong. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako tumatawa that time.
"Bibili ka ba o hindi?" ulit niya.
Nginitian ko siya, habang pinupunasan ko yung luha ko. "Bibili." I wiped my tears and snot with the handkerchief I bought from him. I was about to use the other side of the handkerchief when a paper fell. May drawing ng panda at 'cheer up' na nakalagay.
Since then, favorite animal ko na ang panda.
Umalis na siya 'nun, pero hinabol ko siya para bumili ng dalawa pang panyo at inisip ko na lang na kaya tatlo ang binili ko para 'I like you'.
I was crazy back then. Araw-araw hanggang sa mag senior year kami, tuwing nakikita ko siya, bumibili ako ng gamit. Isang beses nga, tinanong ako ni Ahia Tyrone kung saan ko ginagastos pera ko at halos wala na akong inuuwi.
Tinuruan kasi ako ni Papa mag budget at save ng money ever since pre-school. Pagdating ko sa bahay, ihuhulog ko sa mataas na alkansya ko na gawa sa bamboo lahat ng natira sa baon ko. Pag napuno na 'yun, ilalagay na sa bank account tapos panibagong ipon na naman.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...